**hi jadine stans, cute niyo. :p
Klea
"You don't have to worry too much, Ly. Normally kasi sa down's syndrome, maikli yung eustachian tubes nila which is part ng inner ear natin. Bale, ang ginawa ko is tinanggal lang yung fluid buildup sa loob and then, uhm, dito tayo, i-check natin sense of hearing ni Kale." Lumapit sina Alyssa sa pedia bed kung nasaan si Kale habang may kinuha naman ang doktor.
Pinagmasdan nila nang inilapit ni Doctor Doroja ang baby rattle sa kanang tenga ni Kale. Makailang beses niya iyon pinatunog bago ipinilig ni Kale ang mukha sa dereksyon ng kung saan galing ang ingay.
Halos mapapalakpak sina Alyssa sa nasaksihan nila. Ginawa rin iyon ng doktor sa kaliwang tainga. Gaya ng kanina may kaunting delay man pero mahalaga ay nagrereact na si Kale.
"The important thing is walang permanent damage sa nerves ni Kale. For now we are very sure na okay ang sense of hearing niya, but iwasan din natin ang over stimulation sa kanya or yung sobrang noisy na environment, hayaan muna natin siya na unti unti na makapag adjust." Sabi nito.
Inevaluate din ng pedia ang feeding ni Kale at napagdesisyunan niyang maaari ng matanggal ang nasogastric tube nito. Hindi halos mapigilan nina Alyssa ang mapaluha dahil sa mga progreso ng anak.
"Basta Ly, i-continue mo lang ang madalas na skin to skin contact para masanay si Kale. Tapos fix na every two hours ang feeding time. Observe muna natin simula today ha, you can text me anytime." Bilin ng doktor.
"Will do, Doc. Thank you po talaga." Ani Kiefer na hindi pa rin mapawi ang ngiti sa labi.
++
"Mahal, hindi ka ba pagod? Pahinga na kaya tayo. Bukas mo naman ituloy yan." Sabi ni Kiefer nang madatnan niyang nasa nursery pa si Alyssa at nag liligpit ng mga regalo ng kambal.
Inangat ni Alyssa ang tingin kay Kiefer at ipinakita ang isang printed photo. "Tingnan mo Hal, ang cute nila dito oh." Nakangiting sabi niya at inabot iyon kay Kiefer.
"Yung kambal lang, Mahal? Cute rin naman tayo." Biro niya at mahinang minasahe ang mga balikat ni Alyssa. "Ang ganda ng kinalabasan ng binyag, Hal. Thank you sa pagiging hands on. Sigurado ako nag enjoy ang mga bisita natin at syempre ang kambal din."
"Tingin mo, Hal? Hindi ba parang rush yun lahat?" Pinisil ni Kiefer ang balikat ni Alyssa. "Maganda at solemn ang naging celebration. Saka hindi ba yun talaga plano natin na papabinyagan sila pagka two months nila para pwede na natin sila malabas labas kaya wala ka na dapat i-worry pa, Hal."
Tumango si Alyssa at tinapik ang kamay ni Kiefer na nasa balikat niya pa rin. "Una ka na sa kwarto, Hal ligpitin ko lang ang mga to." Aalis na sana si Kiefer nang biglang umiyak si Kale kaya agad niya itong kinuha sa kuna. "Ako na, Mahal. Bihis ka na muna." Sabi niya kay Alyssa na hindi na rin kumontra dahil hindi pa siya nakakapagpalit mula sa party.
Natapos na lang maligo, magbihis at magligpit si Alyssa sa kwarto nila, wala pa rin si Kiefer kaya't naisipan niyang silipin ito sa nursery.
Napangiti siya sa nakita niya. Nakaupo si Kiefer sa recliner chair at nakadapa ang kambal sa dibdib nito, mahina ang boses na kinakantahan ang mga anak dahil panay pa ang likot ni Klea.
Papasok na sana si Alyssa nang mapansin niya na mahimbing na ang tulog ng dalawa ngunit napatigil siya nang biglang magsalita si Kiefer.
"Paglaki niyo mga anak, tutulungan niyo si Dada na alagaan si Mommy ha? Dapat araw araw natin siyang pasayahin, bibigyan ng bulaklak, lulutuan ng mga paborito niya, mamamasyal sa mga lugar na gusto niya. Love na love talaga kayo ni Mommy niyo eh kahit pa anong pagod at antok niya tinitiis niya para sa inyo. Marami ng naisakripisyo ang Mommy niyo para sa atin kaya dapat lagi kayong mabait ha para naman happy siya lagi."
Hindi namalayan ni Alyssa na may lumandas na luha sa pisngi dahil sa mga narinig. Pinunasan niya iyon at tuluyan nang pumasok. Sinalubong siya ni Kiefer ng matamis na ngiti. "Nagising din si Klei kanina, teka bakit parang namumula mga mata mo, Hal?"
Umiling si Alyssa. "Napuwing lang yata." Tumikhim si Kiefer, may pagdududa sa pagrarason nito kaya lumapit si Alyssa sa mag-aama niya at lumuhod siya sa tabi ng upuan. Maingat niyang hinalikan sa ulo ang mga anak at tiningnan si Kiefer. "Kief, ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na wala akong pinagsisisihan? Masaya ako sa kung anong meron tayo, so please itigil mo yan ha."
Ngumiti si Kiefer. "Mga anak, nakikinig pala si Mommy sa atin kanina." Agad siyang hinampas ni Alyssa. "Huwag kang change topic, Kief." Sabi nito at umirap. Ngumuso si Kiefer kaya inilapat ni Alyssa ang labi niya kay Kiefer. "I love you, Mahal at thank you." Pinisil ni Alyssa ang pisngi ni Kiefer na pabiro na ngumiwi. "Thank you din, Kief for being a great dad and provider."
++
After 6 months
"Cor, okay na ba yang pagkain ng kambal?" Tanong ni Alyssa nang nasa kusina sila at ipinwesto na ang kambal sa kanya kanyang nilang mga high chair.
"Opo, Ate Ly. Medyo mainit init pa nga lang po." Sagot ng yaya at hinipan ang pagkain. Abala naman si Alyssa sa paghanda ng tubig na maiinom at mga extra bib at towel.
Lagi mang makalat pag eating time ng kambal ay nakikita niya namang laging masaya ang mga ito sa tuwing pinapakain. Masaya rin siyang hindi mapili sa pagkain ang dalawa kaya naman sinisigurado ni Alyssa na iniiba iba ang hinahain niya bawat araw.
"Ly, may bisita kayo sa labas." Sabi ni Luring ng pumasok sa kusina kaya nilingon siya ni Alyssa.
"Ahente raw siya ng sasakyan, Ly. Kaso nasa banyo pa si Kiefer at naliligo yata eh." Agad na naghugas ng kamay si Alyssa at nagayos ng buhok.
"Pakitulungan na lang muna si Cora, Ate Luring. Tapos pahatid na lang rin ako ng meryenda sa labas ha, sa garden na lang. Ako na muna ang kakausap sa ahente." Utos ni Alyssa at umalis din agad.
Nagprisinta ang ahente ng sasakyan ng mga iba't ibang brochure at pinakita kina Kiefer at Alyssa ang mga SUV na siyang balak nilang bilhin.
"Ito Sir, Ma'am, for family talaga at child friendly siya since sabi niyo po kambal ang anak ninyo. Ito po ang breakdown ng kung magkano ang dapat na downpayment at monthly fees." Tinanggap iyon ni Kiefer at sabay nilang sinuri ang mga pigura.
"May freebies po kaming inooffer like free —"
Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin dahil narinig nila ang malakas na boses ni Cora na hingal na hingal sa pagtakbo patungo sa kanila.
"Ate Ly! Kuya Kief! Si.. si.. Klea!"
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)