Deep Secret
"Saan galing ang plano mong yan, Kief?" Gulat na tanong ng ama.
Ibinaba ni Mozzy ang baso dahil sa di inaasahang narinig. "Hulaan ko, dahil ba to kay Alyssa?" Tumango si Kiefer, "Paano mo nasabi Ma?" Inosenteng tanong niya.
Natawa ang ginang. "Unang una Kief, sobrang out of league mo yang naiisip mo. Pangalawa, ni hindi ka naman marunong lumangoy di ba? Plus di ka pa nga fully recovered sa trauma mo eh. So I'm sure may matibay na rason at may special na taong involved para ma consider mo yan. Tama ba ako o tama ako?" Natatawang tanong nito.
Parehas namang natawa ang mag-ama. "Talagang mahirap magtago ng sikreto sa'yo Ma. Pero willing naman ako matuto eh." Desididong sagot ni Kiefer.
"Susuportahan ka naman namin ng Mama mo, Kief. Ang sa amin lang, bukod sa dapat willing ka magtrain at matuto, mas importante talaga eh kung masaya ka ba sa gagawin mo." Payo ni Bong.
"Basta anak, pag-isipan mo muna ng maayos yan, ng paulit-ulit bago ka mag decide kung ano talaga." Muli ay sabi ng ina nito sa kanya.
++
"Besshh!" Tili ni Ella at agad na niyakap si Alyssa. "Ang blooming mo lalo ngayon besh, iba talaga pag inlove ano?" Pabiro siyang tinulak ni Alyssa, "Oo na besh, ililibre na kita. Okay na?"
"Yan naman talaga ang gusto ko sa'yo besh eh. Pero di nga totoo din sinasabi ko nu." Tinawanan lang siya ni Alyssa habang subsob ito sa pag review ng ginawang checklist niya.
Mabilis na hinablot ni Ella ang papel na hawak hawak ni Alyssa at ganoon na lang ang pagkataka nito. "Bakit parang andami mo yatang nilistang kukunin dito sa school besh?" Sinundot nito ang tagiliran ni Alyssa at pinamewangan ang kaibigan, "Ikaw nga, wala ka ba talagang balak magsabi sa akin?"
"Hmm, balak ko kasi mag submit ng final requirements ko besh para sa pagkuha ng exam sa coast guard tapos yung iba para sa proper training naman." Tumango tango pa si Ella nang bigla siyang napasigaw. "Ano? Coast Guard? Ikaw? Bakit? Kailan?" Natatarantang tanong nito.
Tinakpan naman agad ni Alyssa ang bibig ni Ella. "Hoi nakakahiya ka besh, ang hina ng boses mo ha?!" Sarkastikong sambit nito. Pilit na tinatanggal ni Ella ang kamay ni Alyssa at sumenyas pang ititikom na niya ang bibig.
"Basta, ikukwento ko na lang mamaya besh tutal magkikita kita naman tayo eh." Tumango lang si Ella, pilit na itinatago ang lungkot dahil sa nalaman.
"Besh, huwag ng madrama." Lambing ni Alyssa kay Ella habang nasa pila sila sa school registrar. "Alam na ba ni Kief?" Tanong nito at sabay na inangat ni Alyssa ang kilay bilang pagtugon.
Pinagkrus ni Ella ang mga braso sa dibdib. "Mas nakakatampo na talaga, hindi na ako ung una sa priority mo, Ly." Pero wala namang sinagot si Alyssa. Tumahimik lang ito at ganun na lang ang taka ni Ella nang may nakitang galit sa mga mata ng kaibigan. "Besh?" Yugyog nito sa balikat ni Alyssa. "Hindi ka okay. Bakit ka nagagalit?" May pag-alalang tanong niya.
"Besh, alam ko mapagkakatiwalaan kita kaya may gusto sana akong sabihin sa'yo na sikreto." Hinawakan ni Ella ang mga kamay ni Alyssa at binigay dito ang buo niyang atensyon. "Ang tagal ko ng tinatago to besh eh, ang hirap na din tala—" Naputol ang sasabihin ni Alyssa dahil siya na ang susunod sa counter.
Pagkatapos noon ay kung saan saan pa napunta ang dalawa sa pagkuha at pag kumpleto ng mga papel nila kaya hindi na naituloy ni Alyssa ang pagkukwento sa kaibigan.
++
"O ayan na pala yung dalawa." Anunsyo ni Pao nang makitang pumasok ang dalawang babae sa pinagusapan nilang kakainan.
"Hi, Mahal." Bati ni Kiefer sa nobya saka ito pinaghila at si Ella ng upuan. "Thanks. Kanina pa ba kayo, Hal?" Tanong nito at saka nagbuklat ng menu.
"Mga chong, order na kayo, sagot to ni Pao. So huwag niyo ng isipin ang presyo." Sabay humalakhak. Mabilis naman siyang binatukan ni Pao. "Gago. Ang alam ko kasalanan talaga to ni Kiefer eh at ang hinayupak na dare."
Natawa lang si Kiefer at saka ito lumapit kay Alyssa. "Hal, ayos lang ba si Ella? Naninibago akong tahimik siya eh." Agad naman itong nilingon ni Alyssa at nagtaka. Hindi pa mga niya naikukwento kay Ella, ganoon na ito ka bothered.
"Els, ano na? Time of the month ba?" Tukso ni Luigi. Pansin din kasi nito ang pagkakatahimik ng babae. "Mukha mo Alta. Tigilan mo ako." At pinandilatan ito ng mata.
Pansamantalang natigil ang pagkain nila nang biglang magsalita si Alyssa. "Hmm guys, I think 2 weeks from now aalis ako. Mawawala ako for 6 months, 6 months na walang communication in any form. Pasensya na kung ngayon lang ako.... Ahh guys? Nakikinig ba kayo?" Tanong niya nang mapansing nakatulala ang mga ito maliban kay Kiefer.
Lalong lumapit ang tatlo kay Alyssa. Inaaral ang mukha nito at nag aabang kung may joke bang pahabol. At alam na alam ni Alyssa ang mga tingin na yon.
"Walang punchline guys. Seryoso ako." Kaya agad naman silang napaatras. "Eh bakit Ly? San ka pupunta?" Si Luigi.
"Alam mo ba to Kief?" Tanong ni Pao. Tumango naman si Kiefer. "Nung friday lang din, chong."
"Di ba nagtataka kayo kung saan mga magulang ko?" Sabay na tumango ang tatlo at hinanda ang mga sarili sa maririnig.
Kinwento ni Alyssa ang tungkol sa nangyari sa mga magulang niya. Gaya ng pagkakawento niya kay Kiefer noong nakaraan. Gulat at lungkot ang bumakas sa mukha ng mga kaibigan.
"Ano ang nangyari sa inyo ni Kian pagkatapos, besh? Saan na kayo tumira after?" Tanong ni Ella. Napalingon na din si Kiefer. Oo nga't hindi rin niya alam kung ano nangyari pagkatapos ng trahedya.
"Bale yung kapatid ni Mama na si Uncle Art may sariling pamilya na yun eh, tatlo pa anak so hassle pag dun pa kami ni Kian. Pagkatapos nung libing, sabi lang bigla ni Auntie Delly, isa pang kapatid ni Mama na dito na raw sila titira sa bahay namin at siya na magiging guardian namin. Wala siyang asawa pero may isang anak, si Teresita."
Tinitigan ni Ella si Alyssa ng mariin. "Please tell us Ly na naging maayos siyang guardian sa inyo? Alam kong may dahilan kung bakit never mo kami inimbita sa bahay niyo."
"14 lang ako nun. Yung clause sa last will is pag nag 18 pa ako may karapatan sa iniwang pera at negosyo nila Papa." Dagling yumuko si Alyssa. "Bukod sa tinitipid niya kami ni Kian in terms of money, kami pa ang tinuturing nilang sampid sa bahay. Kung sino sino ang umaakyat sa bahay namin, ginawang sugalan ni Auntie, kung sino sino ang inuuwing lalaki, si Teresita kung makautos samin akala mo amo namin eh.... Hmm.. Lahat yun tiniis ko para kay Kian. Pinili kong maging malakas para sa kanya. Wala akong mapagsumbungan nun. Hinaharang ako ni Auntie kay Uncle Art."
Agad na sinugod ng yakap ni Ella ang kaibigan. "Tahan na besh. You survived —"
"Pero Mahal, bakit nasa bahay niyo pa rin hanggang ngayon ang Auntie at pinsan mo?" Singit ni Kiefer na takang-taka.
"Nung nailipat na sa akin ang pera at ang negosyo biglang nagbago ang ihip ng hangin. Humingi siya ng tawad, nangakong magbabago. Hindi naman ako umasa kahit kailan eh. Basta ang sabi ko lang isang pagkakamali na magagawa niya sa amin ng kapatid ko, hindi ako magdadalawang isip na palayasin sila." Sabay namang napapalakpak si Luigi at Pao, "Hindi ko alam na ganito ka pala katapang Ly. Sa kabila ng pinagdaanan mo. Sigurado akong magiging succesful ka sa PCG." Sabi ni Pao at nakipag apir kay Alyssa.
"Besh, cr tayo." Aya ni Alyssa sa kaibigan.
"Bakit, besh? May sasabihin ka? Ano ba yun? Kanina pa talaga ako hindi mapakali." Sabi ni Ella nang makapasok sila ng banyo.
Huminga ng malalim si Alyssa. "Ito na nga besh. Kasi ano, uhm... Yung isa sa mga lalaking dinala noon ni Auntie sa bahay.. uhm, muntik na akong gahasain ng hayop na yun.. muntik na besh kung hindi lang—"
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
أدب الهواةMeet me halfway, I can't be the only one fighting.