Chapter 28

977 51 9
                                        

Pagbabago

"Mahal, hindi ba dapat ikaw ang dapat na sumama sa akin dahil ako yung lalaki? Para rin matingnan ka ni Mama kapag naging abala ako sa paghahanap ng trabaho." Kalmadong mungkahi ni Kiefer. Agad na binitiwan ni Alyssa ang kamay nito. "May issue ba tayo sa gender roles, Kief?" Aniya na nakataas pa ang isang kilay.

"Okay, okay." Pagsuko ni Kiefer. "For the baby, for the baby." Paalala niya sa sarili. "May sinasabi ka, Kief?" Umiling si Kiefer. "Sabi ko, Mahal sasama muna ako kina Mama na umuwi para kumuha ng mga gamit ko tapos babalik din ako dito agad."

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ang mag-anak na mauuna na sila. "Kumain ka ulit mamaya, anak tapos bumawi ka ng pahinga." Bilin ni Mozzy. "Sige po. Ingat po kayo. Ay, Kiefer, gamitin niyo na lang yung kotse ko para makabalik ka din kaagad dito." Kokontrahin pa sana ni Kiefer kung hindi lang niya napansin ang pag-angat ng kilay ni Alyssa.

"Ly, mauna na kami." Paalam nila Bong at Mozzy. Si Kian na ang gumiya sa kanila sa garahe sabay na inabot ang susi kay Kiefer. "Naku, pasensya na po kayo kay Ate ha." Nahihiyang sabi niya. "Wala pa yan, Kian. May mas malala pa dyan at dadami pa ang topak ng mga buntis kinalaunan." Natatawang kwento ni Bong.

Balak sana ni Alyssa na ayusin ang closet niya para mabigyan espasyo ang mga gamit ni Kiefer. Kaso ng nakita pa lang niya ang kama ay agad na siyang nahumaling at hinila nito. Hindi niya namalayang nakatulog na siya kung hindi pa nagising sa munting kaluskos. Kaya binigyan buhay niya ang lampara na nasa gilid ng kama.

"Sorry. Nagising ba kita, Mahal?" Sabi ni Kiefer at lumapit kay Alyssa para mahalikan ito sa noo. "Di naman, kanina ka pa ba? Buksan mo na lang ang ilaw." Agad namang tumalima si Kiefer. "Kakarating ko lang. Kumain ka ba ulit, Hal?"

Umiling si Alyssa saka lumapit sa closet nito. "Hindi ako nagugutom. Uhm, ilipat mo nalang to doon sa bandang taas para may paglagyan ka ng mga gamit mo." Turo niya sa mga damit nito.

Nilapitan siya ni Kiefer at tiningnan ang mga itinuro. "Sure ka na ba dito, Mahal?" Inayos pa ni Alyssa ang ilang mga gamit roon. "Ha? Eh mukhang hindi ko muna magagamit ang mga damit na yan kaya ililipat na lang muna."

"Ang ibig kong sabihin, itong set up natin na ito. Na nag li-live in tayo. Kahit simpleng kasal okay naman  di ba?" Nag martsa si Alyssa pabalik ng kama. "Akala ko ba nagkaintindihan na tayo sa aspetong to?" Inangat ni Kiefer ang dalawang kamay hudyat na sumusuko. "Nagbabakasakali lang, Mahal. Pero syempre doon tayo kung saan ka kumportable."

Umayos ng higa si Alyssa. "Patayin mo na lang ang ilaw pagkatapos mo dyan. Inaantok na ako." Hindi na umimik si Kiefer. Nangako siya sa sarili na hindi na niya gagalitin si Alyssa o ano man. For the baby.

Nang matapos sa ginagawa ay tinabihan na ni Kiefer si Alyssa. Malamyos niyang sinuklay ang buhok ni Alyssa gamit ang mga daliri. "Mahal, sorry kung naantala ang mga pangarap mo sa buhay. Pangako ko na pagdating ng panahon at gusto mong simulan ang career mo, hinding hindi ako magiging hadlang na makamit mo yun. Sorry kung pakiramdam mo na I shattered your dreams. Hayaan mo, magsisikap talaga ako para sa pamilya natin." Pinilit ni Alyssa na panatilihing sarado ang mga mata niya at nilunok ang nagbabadyang hikbi na gustong-gusto kumawala. Hanggang sa ang pagpapanggap na pagtulog ay nauwi sa katotohanan.

"Kief, kief, kieferrrr!" Paulit ulit na tawag ni Alyssa at walang tigil ang pagyugyog nito sa balikat. "Ha? Ha? Bakit? May masakit ba sa'yo Mahal? Teka lang.." Tarantang tanong nito at agad na sinuot ang pantalon at t-shirt. "Huy, kumalma ka nga!" Inis na sabi ni Alyssa. Kaya agad ring tumigil si Kiefer.

"Nagugutom ako!" Reklamo ni Alyssa. Malapad na ngumiti si Kiefer. "Yun lang pala, tara na baba tayo sa kusina." Aya niya ngunit sinimangutan siya nito. "Gusto ko ng pomelo na pink yung laman." Nagulat si Kiefer at napakamot ng ulo. "Mahal, bukas ibibili kita kahit marami pa." Napa krus naman si Alyssa ng mga braso sa dibdib. "Eh sa gusto ko ngayon kumain ng ganun eh." Hinawakan siya ni Kiefer sa magkabilang braso. "Baka kasi sumakit tiyan mo eh alas onse pasado na oh."

"Sabihin mo lang kung ayaw mo bumili." Galit na sabi ni Alyssa at mabilis na umalis ng kama at dire-direchong lumabas ng kwarto. Mabilis ang naging kilos ni Kiefer at hinabol ito. "Ilan ba gusto mo, Mahal?" Tanong niya na nagpaliwanag ng mukha ng nobya. "Uhm, dalawa. Bilisan mo ha. Sa sala na ako maghihintay."

Kung saan-saan na nakarating si Kiefer. Kung hindi sarado ang mga fruit stand na nadaanan eh wala namang binebenta na ayon sa gusto ni Alyssa.

"Mahal..." Mahinang tapik ni Kiefer kay Alyssa. Lumalim ang gatla sa pagitan ng noo nito. "Bakit ang tagal tagal mo? Saka bakit hindi yan yung pink?" Reklamo niya ng makita ang bitbit ng nobyo.

"Saan-saan ako naghanap, Mahal. Ito lang talaga ang meron eh. Saka wala kasi masyadong taxi, nag antay pa ako ng masasakyan." Pilit na paliwanag nito. "Tanga ka ba, Mahal? May kotse bakit hindi mo ginamit? Ano ba naman yan." Natawa si Kiefer, natanga pa tuloy siya. "Hindi ko kasi alam kung nasaan ang susi tapos nagmamadali na rin ako." Palusot na paliwanag niya.

"Fine. Matutulog na ako, ubusin mo yang binili mo ha, ayoko ng makita yan bukas." Banta nito saka pumanik sa kwarto nito. Napakamot na lang ng ulo si Kiefer. Nakakabaliw.

++

Nadatnan ni Alyssa ang kapatid na nag-aagahan. Tinabihan niya ito at pinanggigilan ang mga pisngi. "Aray naman, Ate!" Reklamo nito. "Eh, ang chubby mo na eh. Ang cute cute." Mabilis na lumayo si Kian rito, "Naku, please lang Ate Ly, wag mo ako idamay sa paglilihi mo. Si Kuya Kief na lang." Nguso nito sa bagong dating.

"Morning, Mahal." Bati ni Kiefer at hinalikan ito sa tuktok ng ulo. "Mahal, gusto ko ng sunny side up. Gawan mo ako." Lambing ni Alyssa. "Yun lang pala eh, easy peasy." Mayabang na tugon nito.

Tutungo na sana si Kiefer ng kusina nang may pahabol si Alyssa. "Gusto ko bilog na bilog yung egg ha gaya sa mga fast food chain tapos dapat luto yung egg yolk, dark yellow. Saka.. Uhm, cold milo na may apat na scoop ng coffeemate at tatlong ice cubes." Detalyadong sabi nito. "Copy that, Ma'am." Sagot ni Kiefer sabay saludo rito.

Mabilis na sinundan ni Kian si Kiefer dala-dala ang pinagkainan nito. "Ano, Kuya Kief, laban pa?" Natatawang tukso nito kaya pabirong binatukan to ni Kiefer. "Hoy, don't hurt my baby bro." Sigaw ni Alyssa kaya napahagalpak ng tawa si Kiefer habang hindi naman maipinta ang mukha ni Kian.

Excited si Alyssa sa nakitang bitbit ni Kiefer. Ngunit agad na napawi ang ngiti nito ng nakita ang itlog. "Ano ba yan, hindi perfect." Reklamo nito kaya pinili niyang uminom na lang. "Parang may kulang.." Sabi nito kaya binuksan niya ang ref at naghanap ng kung ano. "Kieferrrrrr!" Sigaw niya. "Sabi ko kainin mo tong pomelo di ba? Dali na gusto ko makita habang kinakain mo."

Napangiwi na lang si Kiefer. Mukhang tatambay siya buong araw nito sa CR.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now