Chapter 39

802 52 10
                                        

Nasaan

Hindi mapakali si Alyssa sa kinauupuan. Kanina pa siya parang hinihila ng mga paa na lumayo na sa kinaroroonan. Hindi niya malaman kung gusto ba niyang hintayin si Kiefer na buong pusong nakikinig o iiwan na lang ito ng basta. Sa huli ay nanatili na lang siyang naupo ngunit ang utak ay nasa malayo naman at naglalakbay.

"Mauna na po kami, Doc. Thank you so much." Sabi ni Kiefer. Walang imik na sumunod si Alyssa kay Kiefer pagkatapos nitong magpasalamat. "Mahal, lunch muna tayo somewhere?" Aya ni Kiefer rito na mabilis niyang inilingan. "Hindi ba kailangan mo na bumalik ng work? Hatid mo na lang kaya ako sa bahay." Sagot niya at mas nilakihan ang paghakbang. Mabilis siyang hinabol ni Kiefer at agad na inakbayan. "Pwede naman kahit after lunch na lang ang balik ko." Pagbabakasakali niya muli.

"Pagod na din ako, Kief." Simpleng sagot ni Alyssa kaya tumango na lang si Kiefer at tahimik silang naglakad papuntang parking. Pagkatapos ayusin ang seatbelt ay agad nang ipinikit ni Alyssa ang mga mata kaya hinayaan na lang rin ni Kiefer. Baka kasi pagod lang talaga ito.

Napamulat ng mga mata si Alyssa nang marinig ang tunog ng cellphone ni Kiefer. "Sorry naistorbo ko tulog mo Mahal. Uhm, ihahatid lang kita tapos kailangan ko rin agad umalis. Kailangan na ako sa opisina eh." Paalam nito sa kanya nang natapos makausap ang katawagan.

"Mag lunch ka, Mahal bago ka magpahinga, kay?" Tumango si Alyssa. "Ingat sa pag drive." Sabi nito at mabilis na hinalikan si Kiefer. Palabas na sana ng kotse si Alyssa nang pigilan siya sa kamay ni Kiefer. "Mahal, okay ka lang ba talaga?" Bakas ang pag alala sa boses nito. "Oo naman." Sagot nito at pilit na ngumiti. Tumango lang si Kiefer, hindi na isinatinig pa ang mga nais sabihin.

Agad na inihiga ni Alyssa ang pagod na katawan sa malambot na kama pagkatapos niyang magtanggal ng sapatos. Nakatingala at nakatutok lang siya sa puting kisame ng silid niya. Madaming tumatakbo sa isip, mga katanungan na nakakapagpabigat lalo ng damdamin. Pero kahit anong pagod ng utak niya ay hindi man lang siya dalawin ng antok. Sinubok niya humiga pakanan, pakaliwa, balik sa pagkatihaya pero wala rin. Kaya't nagpasya siyang maglinis na lang ng kwarto. 

Inayos niya ang mga gamit na nasa dresser at tinupi ang mga damit sa aparador at iniayos ang mga iyon ayon sa kagustuhan nito. Abala siya sa paghihiwalay ng naaayon sa mga kulay nang makarinig ng katok.

"Bukas yan, Ate Luring." Sabi niya.

Sinilip ni Luring ang loob at agad na nagtanong. "Uhm, iaakyat ko ba pananghalian mo, Ly?" Tanong nito. "Huwag na Ate, bababa din ako after thirty minutes." Tumango si Luring. "Sige, iinitin ko na lang ulit mamaya ang sabaw pagkababa mo." Hindi na sumagot si Alyssa at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.

Nang pababa na ng hagdan si Luring ay agad niyang binunot ang celllphone sa bulsa saka inabangan ang tawag.

Kief, nasa kwarto si Ly nagliligpit ng mga damit? Hindi siguradong sabi ni Luring sa telepono.

Ha? Anong mga damit, Ate? Naguguluhang tanong ni Kiefer.

Mga damit na mukhang galing sa cabinet tapos tinutupi niya at pinagsama sama ang mga kulay. Pero sabi niya bababa naman daw siya para kumain. Paliwanag ni Luring.

Ah okay. Sige Ate, salamat. Basta pagka hindi pa rin bumaba mamaya balikan mo na lang ulit. Baka kasi mawili sa ginagawa. Bilin ni Kiefer rito.

Hindi na namalayan ni Alyssa ang paglipas ng oras kung hindi pa nagreklamo ang tiyan. Tinapos niya ng mabilisan ang mga natitira pang mga gamit saka nag desisyong bumaba na.

"Ly, may gusto ka pa bang ibang kainin? Prutas?" Tanong ni Luring na abalang abala sa pag aasikaso sa kanya. "Hindi na Ate, busog na ako. Pahanda na lang ako ng mga gamit sa pagbebake, please."

Agad na tumalima ang kasambahay at inilabas sa ref ang gagamiting butter at inilagay ang iba pa sa mesa. "May delivery ba tayo ngayong araw Ly?" Tinapos ni Alyssa ang pagkain saka kinuha ang apron na gagamitin. "Wala Ate, gusto ko lang magbake. Kung gusto mo mag siesta, ok lang Ate. Kaya ko na to dito." Ramdam niyang poprotesta pa ito kaya naman hinawakan niya sa magkabilang balikat si Luring at mahinang tinulak palabas ng kusina. "Go na, Ate. Gigisingin kita pag kailangan."

Nagsalang na si Alyssa sa oven ng brownies pero ganun na lang ang dismaya niya sa sarili dahil hindi perpekto ang kinalabasan, masyado itong maalat at matigas. Nagsalang siya ng pangalawa pa pero nang kinuha niya yun ay napaso pa siya kaya bigla niya nabitawan ang tray at nalaglag lahat sa sahig na gumawa ng malakas na ingay.

Kumaripas ng takbo sa kusina si Luring dahil sa narinig na ingay. "Anong nangyari Ly?" Takot na tanong niya. "Nadulas lang sa kamay ko, Ate wag ka na mag alala." Agad na kinuha at inabot ni Luring ang burn ointment nang mapansin ang namumulang braso nito.

"Ate Luring, lalabas lang muna ako ha. Uhm, magpapahangin, puro palpak nagawa ko ngayon eh. Pakitapon na lang ang mga yan." Pasuyo ni Alyssa at isinukbit ang sling bag nito. "Samahan na kaya kita Ly." Mungkahi nito. Umiling si Alyssa. "Babalik din naman agad ako eh."

Saktong paglabas ng gate ay may nakaparada ng taxi. Agad siyang nilapitan ng driver na may dala dala pang nakasupot na softdrinks at tinapay. "Ma'am, san po tayo?" Sumakay agad si Alyssa na hindi man lang sinasabi kung saan magpapahatid.

++

Pasado alas sais na at nasa gitna pa ng trapiko si Kiefer. Kanina pa niya tinatawagan ang nobya pero ni isang tawag ay hindi nito sinasagot. Sinubukan niya ring tawagan si Luring ngunit nakapatay naman ang telepono nito.

Agad siyang dumerecho sa kusina pagkarating ng bahay. "Ate Luring, si Alyssa ba? Natutulog sa taas? Kanina pa rin kita tinatawagan pero di naman kita makontak." Napatigil ng paghihiwa si Luring at sinipat ang orasan. "Umalis si Alyssa bandang mga alas kwatro kanina. Ang paalam niya mag papahangin lang siya eh." Anito.

Napansin ni Kiefer ang ointment na nakapatong sa island counter. "Napaso kanina si Alyssa kaya hindi ko pa yan naliligpit." Kwento ni Luring. "Eh bakit andaming brownies sa basurahan?" Takang tanong ni Kiefer. "Maalat at matigas ung unang gawa ni Ly tapos ang sumunod naman nalaglag niya gawa ng nagulat sa pagkakapaso. Ilalabas ko rin yan, Kief mamaya  para di langgamin."

Napahawak si Kiefer sa batok at mahina niya itong minasahe. Sa tinagal tagal kasi hindi pa naman pumalpak si Alyssa lalo na sa pagbe bake.

Ilang beses niya pang sinubukan tawagan si Alyssa pero ganun pa rin at hindi ito sinasagot. Unti unti ng nauubos ang pasensya niya at nag aalala na siya para kay Alyssa. Paulit ulit pa rin niya itong ginawa hanggang sa tuluyan ng namatay ang cellphone na tinatawagan at hindi na niya talaga makontak.

Asan ka ba, Mahal?

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now