Chapter 45

700 48 13
                                    

Pagtanggap

"Uhm, Nadia nga pala." Pagpapakilala ng babae kay Alyssa sabay lahad ng kamay. Nakangiting tinanggap niya iyon. "Alyssa or Ly." Sagot niya at nilingon ang pwesto ni Kian pero nakita niyang nakikipaglaro na ito sa mga batang lalake kaya natawa siya. "Si Kian yun, kapatid ko." Turo ni Alyssa at napailing na lang sa pakikipaghabulan nito sa mga bata.

"Kabuwanan mo na ba?" Tanong ni Nadia at inalok si Alyssa ng lata ng orange juice. "Thank you!" Sabi niya pagkakuha nun. "Seven months pa lang ako, kambal kasi." Natatawang sabi ni Alyssa na kinangiti naman ni Nadia.

Lumapit ang dalawang anak ni Nadia sa kanya para kumuha ng inumin. "Mga anak, meet Tita Ly. Ly, mga anak ko. Si Reii, panganay kong five years old tapos si Redd, three years old." Kumaway si Alyssa sa dalawang bata at ganoon na lang ang gulat niya nang bigla hinaplos ni Reii ang mukha niya.

"Tita Ly, pretty." At nginitian siya ng pagkatamis tamis. Hindi na napigilan pa ni Alyssa na yakapin ang bata. Naputol lang iyon ng tawagin ang mga ito ng Daddy nila kaya naiwan muli sila ni Nadia.

"Nung five months ako nadiscover ng OB na yung isa sa kambal may Down's syndrome." Binaling ni Alyssa ang tingin kay Reii na nakikipaglaro sa ama at kay Redd. "Nung una hirap ako na matanggap, I mean bakit ako pa? Anak ko pa? Ang sakit sakit eh." Kwento niya habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay.

"Naiintindihan kita Ly. Ganun na ganun rin talaga ang naramdaman ko dati. Hindi ko alam paanong harapin yun at kung anong dapat na gawin nung dumating na si Reii sa amin. Ang daming struggles, iyak, pagod. Literal na nangapa kami ng asawa ko. Pero dadating talaga ang time na marerealize mo na lang na lahat talaga worth it. Hindi biro pero kakayanin mo rin yan." Nakangiting sabi ni Nadia.

"Unang kita ko palang kanina kay Reii para akong nabuhayan ng malaking pag-asa, lalo na ngayon na nakausap kita, nainspire ako lalo. Pero parang may agam-agam pa din." Sabi ni Alyssa habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa bata.

Tinapik ni Nadia ang balikat ni Alyssa. "Kaya mo yan. Samahan lang ng maraming pasensya at dasal at siguradong maitatawid mo yan." Nakangiti na sambit nito at agad na binuksan ang mga braso sa mga papalapit na mga anak.

++

"Wow parang ang ganda lalo ng ngiti ngayon ng Mahal ko ah!" Puna ni Kiefer nang salubungin niya ang dalawa sa pinto. "Banyo lang ako." Paalam ni Alyssa matapos mahalikan si Kiefer.

Nginuso ni Kiefer ang papalayong bulto ni Alyssa kay Kian. "May nakilala sa park, Kuya kaya masaya ang mood niyan." Napakunot noo si Kiefer.

Magtatanong pa sana si Kiefer kaso naunahan na siya ni Alyssa.

"Mahal, pwede ko na ba tignan?" Sigaw ni Alyssa na nasa dulo na ng hagdan. Mabilis siyang nilapitan ni Kiefer para maalalayan. "Sige, tara. Dahan dahan."

"Pikit ka muna, Mahal." Sabi ni Kiefer nang nasa labas na sila ng nursery. Tumango si Alyssa. "Okay, eto na." Maingat siyang inalalayan ni Kiefer. "Hal, open your eyes na!"

"Oh my God!" Bulalas ni Alyssa at napatakip ng bibig sa nasaksihan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oh my God!" Bulalas ni Alyssa at napatakip ng bibig sa nasaksihan. "Grabe ang ganda, super gaya ng nagustuhan ko. Thank you, Mahal!" Sabi nito at hinawakan ang mga bagay na nandoon.

"You're welcome, Hal." Sagot ni Kiefer at niyakap siya mula sa likuran.

"Wow! Ang ganda nga!" Sabi ng pumasok na si Kian.

"Ay teka, so dala mo kanina tong mga crib noh?" Tanong ni Alyssa kay Kian. "Kaya pala inaya mo ako bigla na lumabas. Kayo ah. Pero grabe super saya ko." Nakangiting sabi niya. "Ito yung crib na super gusto ko eh. Kasi convertible to bed din. Thank you po, Tito Kian." Sabi niya sa maliit na boses kaya't natawa silang tatlo.

"Pero bakit di ka kumuha ng pink and blue cribs, Hal? Lahat halos neutral ang kulay na andito eh." Puna ni Kiefer. "Oo nga Ate Ly, eh alam naman na natin ang gender ng kambal."

Naupo si Alyssa sa sofa at pinagmasadan ang kabuuan ng silid. "Eh kasi gusto ko paglaki nila, sila mismo makadiscover at gumawa ng identities nila." Tinuro niya ang art wall na may drawing na puno habang ang sa kabilang dako naman naman ng kwarto ay walang disenyo. "At choice din nila kung gusto nila maging introvert ba o hindi kaya adventurous."

Hindi malaman ni Kiefer kung paano niya pa maitatago ang pagiging proud kay Alyssa ngayon pa lang.

Araw-araw ay ginugugol ni Alyssa ang oras niya sa nursery. Lahat inaayos ng naaayon sa panlasa. Hindi niya lubos mapasalamatan ang pamilya ni Kiefer na ngayon pa lang ay sobra sobra na kung mang spoil sa mga gamit ng kambal. At hindi rin papatalo ang pamilya ng Uncle Art at Auntie Tarra niya na halos punuin na ng kung ano ano ang silid.

"Besh, sobrang ready na lahat ha! Exciting! Ikaw ba naayos mo na mga gamit mo para dadalhin niyo sa ospital? Baka nakakalimutan mo yung para sa sarili mo eh." Biro ni Ella nang minsang dinalaw siya nito sa bahay.

"Grabe ka sa akin besh. Syempre handa na lahat nu. Isang bitbitan na lang yun." Imporma niya kay Ella na abala sa pagbutinting sa mga gamit.

"Si Ate Luring ang i-briefing mo besh. Alam mo naman yang jowa mo, taas ng taranta levels niyan kung nagpapanic." Tawang tawa na sabi nito.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Ella. "Teka nga, kailan niyo ba balak pakasal ha? Lalabas na lang ang kambal wala pang singsing dyan?" Nguso ni Ella sa daliri ng kaibigan.

Umiling si Alyssa. "Actually nawala na nga yan sa isip ko besh. Mas nasa priority ko talaga ngayon ang kambal. Importante sa akin andiyan si Kiefer para sa amin. Saka na siguro." Kibit balikat na sabi nito.

++

"Mahal, on leave na ako simula bukas so last day ko today sa work. Basta tawagan mo ako agad ha o di kaya si Ate Luring. Kung maglalakad lakad ka dito na lang sa loob ng bahay para safe, okay? Tawagan ko si Mama kung pwedeng samahan ka niya—"

"Kief, memorize ko na lahat yan. Simula last week na sabi ng OB na waiting na ako eh yan ang mga linya mo sa akin everytime na aalis ka for work."

"Eh basta, Mahal. Mas okay na ang sigurado. Alis na ako." Yumuko siya at hinalikan niya ang tiyan ni Alyssa.

"Hi babies, behave muna kayo dyan ha. Work lang muna si Dada. Una na muna ako, Mahal." Saka niya hinalikan sa labi si Alyssa.

"Mahal!" Tawag ni Alyssa kaya napatigil at lumingon si Kiefer.

"I love you!"

Napangiti si Kiefer. "I love you more, Mahal!"

Humakbang na si Kiefer at muli ay natigil dahil sa boses ni Alyssa.

"Mahal!"

"Ingat ka sa pag drive."

Ngumiti si Kiefer. "Thank you, Hal. Alis na ako." Paalam niya at binuksan na ang pintuan.

"Kieferrrrrr!!!"



xx

•photo credit @/google

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now