Yakap
Napangiting nailing na lang si Kiefer nang mapansin na pantay na ang paghinga ni Alyssa hudyat na mahimbing na ang tulog nito. Sa ibang pagkakataon na lang niya ulit ito tatanungin.
"Kuya Kief?" Ani Kian nang sumilip ito sa pinto. Nang makitang tulog ang kapatid ay napangiti ito at tuluyan ng pumasok sa silid. "Kuya, okay lang ba iwan ko muna si Ate dito? Tinawagan kasi ako ni Sir Jimenez, kailangan ko raw pumunta sa presinto para mag file ng formal complaint."
"Ayos lang naman, Kian. Hintayin kitang makabalik mamaya saka ako uuwi. Uhm.. Paano nga pala to, wala ba kayong ibang pwedeng makasama dito?" Nag-aalalang tanong nito.
Lumapit si Kian sa kapatid at tahimik niya itong pinagmasdan. Hindi pa rin siya kampante kung paano tatanggapin ng kapatid ang lahat ng nalaman. "Bale.. tinawagan ko na si Uncle Art, ang kaso nasa probinsya pa daw siya eh. Pero magpapadala siya bukas ng kasambahay para dito sa amin ni Ate." Napatango naman si Kiefer kahit papano ay magiging panatag siya sa seguridad ng dalawa.
"Alis na ako Kuya, ha? May pagkain sa hapag. Mag dinner ka na lang mamaya? 7:30 na rin pala oh." Wika niya nang tiningan ang relo sa bisig.
"Ako na bahala. Punta ka na kaya para makauwi ka ng maaga? Ingat ka sa pagmamaneho." Paalala nito.
Nilaro ni Kian ang hawak na susi at nagumpisa ng lumakad patungong pinto nang pumihit ito, "Kuya Kief, pinagkakatiwalaan kita kay Ate ha?" Sabi nito at may multong ngiti sa labi.
Nakangiting tumango na lang si Kiefer. Hindi nagtagal ay nakaramdam na siya ng pag alburuto ng tiyan kaya't mabilis siyang bumaba at kinuha ang iniwang pagkain ni Kian. Habang kumakain, madalas ang pagsulyap ni Kiefer kay Alyssa. Masyadong marami ang nangyari sa araw na iyon. Hindi niya maiwasan ang hindi mag-alala para rito.
Sa gitna ng pag-iisip, biglang gumuhit ang malaking ngiti kay Kiefer nang marinig ang mahinang daing ni Alyssa. Nilapitan niya agad ito, umaasang mauulit iyon. Matapos ang ilang segundo, nakumpirma niyang tama nga ang unang dinig niya.
"Kiefff.."
Rinig niyang ungol ni Alyssa.
Naupo siya sa may uluhan ni Alyssa upang muling haplusin ang buhok nito. Ganoon na lang ang gulat niya ng matuklasang inaapoy pala ito ng lagnat nang salatin niya ang noo nito. Mabilis na kumilos si Kiefer at kinuha muli ang face towel para agad niya itong mapunasan.
Walang tigil ang pagpupunas ang ginawa niya sa bawat bahagi ng katawan ng dalaga. Kasabay noon ay pag-usal ng tahimik na dasal na sana'y bumuti na ang lagay nito. Lord, bigyan niyo rin po ako ng lakas na lumayo sa tukso, please po.
Nang medyo humupa na ang lagnat ni Alyssa ay mabilis na bumaba si Kiefer sa kusina upang maghanap kung saan nakalagay ang mga gamot. Saktong may nakita rin siyang instant soup mix kaya mabilis niya itong niluto. Dala-dala ang tray ng gamot, tubig at pagkain, napatingala siya sa orasan at nakitang alas nwebe na pala ng gabi at mukhang hindi pa nakakabalik si Kian.
"Mahal... Ly..." Bulong niya at mahinang niyugyog ang balikat nito. Dumaing lang si Alyssa saka tinulak pababa ang kumot na nakatakip sa kanya. Napasinghap si Kiefer. Si Mama talaga manipis na seda pa talaga ang pinalit kanina kay Alyssa. Focus, Kief, focus.
"Mahal, gising ka muna please. Mahal? Kailangan mo lagyan ng laman ang tiyan mo para makainom ka ng gamot." Ilang beses pa niya itong ginising bago nagmulat ng tuluyan si Alyssa.
"Ayoko, walang lasa eh. Ehhh, kasi ayoko sabi." Reklamo ni Alyssa nang pilit siyang sinusubuan ni Kiefer. "Kahit ilang subo lang Mahal, tiisin mo na lang please? Para mainom mo itong paracetamol pagkatapos."
Nagsandok muli si Kiefer saka hinipan ito. "Last na lang to Hal, promise." Bago niya pa ito maisubo kay Alyssa ay aksidente itong natabig kaya natapon iyon sa damit ng nobya.
"Hala, teka lang." Mabilis at tarantang kinuha ni Kiefer ang tissue saka pinunasan. "Napaso ka ba, Hal?" Umiling lang si Alyssa saka inagaw ang tissue kay Kiefer at siya na mismo ang nagpatuloy nito.
"Mahal, pakikialaman ko na ha? Kailangan mo magpalit ng damit." Ani Kiefer at naghalughog sa cabinet. Inabot niya ang isang puting plain shirt kaso hindi naman ito kumilos at mukhang hihiga na pabalik. Kaya wala ng nagawa si Kiefer at lumapit na ito.
"Mahal, pipikit ako promise. Hubarin ko to tapos bihisan kitang bago. Okay? Pangako, pipikit talaga ako." Lord, tulong po ulit. Bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya. Hindi alam ni Kiefer paano niya iyon natapos ng mabilis at nang nakapikit. Matapos bihisan ay pinainom niya ito ng gamot tapos ay maingat niyang inihiga si Alyssa saka kinumutan.
Halos hindi na alisin ni Kiefer ang tingin kay Alyssa at halos minu-minuto ay sinasalat ang noo kung bumaba na ang lagnat nito. Ngunit mas lalo siyang kinabahan ng magsimulang manginig ang katawan nito. Agad siyang naghalungkat ng kumot sa cabinet. Naka tatlong patong na siya ng makakapal na kumot ngunit ganoon pa rin, ginaw na ginaw pa din si Alyssa.
Hindi na nagdalawang isip pa si Kiefer. Mabilis siyang tumabi kay Alyssa at mahigpit na niyakap ito. Nang sa tingin niya ay hindi pa iyon sapat, hinubad niya ang kanyang pang-itaas at muling niyakap ang nanginginig pa din na si Alyssa.
"Mahal, kailangan ko lang ilipat ang init ng katawan ko sa'yo. Ay teka, parang ang pangit pala nun pakinggan. Basta Mahal, uhm.. walang malisya, konti lang, kasi ano, kailangan lang talaga natin pababain tong lagnat mo. Basta, payakap na lang ng mahigpit kahit ngayon lang." Natatawang sabi ni Kiefer.
Hindi namalayan ni Kiefer na naidlip na rin siya. Kung hindi pa niya ramdam ang pagligo sa sariling pawis ay hindi pa ito magigising. Nagpasalamat naman siya na maging si Alyssa ay pinagpawisan na rin at wala na itong lagnat.
Mabilis siyang bumangon at sinuot ang hinubad na damit. "Mahal, balikan kita ha. Mabilis lang to, masakit sa puson eh. May nagising kasi na hindi dapat, may nabuhay na hindi dapat. Itong kaibigan mo kasi sumasaludo sa'yo, pahuhupain ko lang." Naiiling at natatawa na sabi niya saka ito mabilis na hinalikan sa noo.
Nakasalubong pa ni Kiefer si Kian habang paakyat na ito ng hagdan at mukhang bagong dating lang.
Nagising si Alyssa sa konting silaw na sumisilip mula sa bintana. Muli ay napaisip siya kung paanong iba na naman ang suot niya at kung bakit may dalawang nakatuping comforter sa may gilid ng kama niya.
Hindi iyon panaginip eh. Sigurado akong nandito si Kiefer kagabi. O mali ba ako?
At upang masagot ang mga katanungan sa isip, nag pasya si Alyssa na panoorin ang home surveillance camera niya na inilalagay niyang patago sa silid simula ng may nangyari noon.
Namangha siya sa napanood, kung paano siya inasikaso at inalagaan ni Kiefer at ganoon na lang din ang tawa niya sa mga pampipigil na ginawa ni Kiefer. Loko to ah, kala mo sinong virgin.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.