Chapter 46

710 52 14
                                    

Hello

Patuloy na lumabas si Kiefer sa pinto, iniisip na pinagtritripan lang siya ni Alyssa. Nang maisara niya iyon ay biglang napasigaw si Alyssa.

"Kieferrrr! Isa!"

Agad siyang napatakbo at dinaluhan si Alyssa na hindi na maipinta ang mukha. "Ang sakit bigla ng tiyan ko." Sabi nito at panay ang buga ng hininga sa bunganga.

Animo'y napako naman si Kiefer sa kinatatayuan nito. "Kief! Ano na? Baka gusto mo ng kumilos?" Sabi ni Alyssa na kinokontrol ang paghinga niya at kinuha ang cellphone nito. Natawagan na niya sina Auntie Tarra, Mama Mozzy, sina Ella at iba pa sa barkada ngunit naestatwa na talaga ang nobyo.

"Mahal, manganganak na yata ako." Malumanay na sabi ni Alyssa. At kung kailan pa siya kumalma na saka pa mabilis na kumilos si Kiefer.

Agad silang sinalubong ni Kian sa Emergency Room. "Bakit ang tagal niyo?" Bungad ni Kian sa kanilang dalawa. Nakauniporme pa ito at halatang galing pa sa duty. "Mga ten minutes na ako andito, pagtawag ni Ate Luring umalis agad ako sa ospital eh." Tinuro ni Alyssa si Kiefer. "Nag buffer pa kasi to kanina eh. Akala niya ata nagbibiro lang ako." Nakangiting kwento ni Alyssa na biglang napangiwi naman nang tumigas ulit ang tiyan.

"Ah Sir, excuse lang po. Ichecheck muna namin si Ma'am." Magalang na sabi ng nurse kaya lumabas na muna sila at naupo sa waiting area.

"Huy Kuya Kief, namumutla ka. Gusto mo ipacheck na din kita?" Biro ni Kian kaya natawa sila. "Paano nagawa ni Alyssa na maging kalmado? Pati paraan ng paghinga niya kanina parang alam na alam niya kung paano gagawin eh." Namamanghang sabi niya.

Tinapik siya ni Kian. "Prepared yun si Ate Ly, ikaw ba naman kakabasa ng mga libro at kakapanood sa internet eh. Kaya relax ka lang. Matapang kaya yan si Ate." Pagpapalakas ni Kian ng loob nito.

++

"Mr. Ravena?" Tawag ni Doctor Araneta kaya't sabay sabay na napaangat ng tingin sina Kiefer, Bong at Thirdy.

Sabay na lumapit si Mozzy at Kiefer sa doktor. "Bale, Kief nasa active phase ng labor na si Alyssa pero 4-5cms pa lang naman. 10cms fully dapat. So for now, she can stay sa labor room and allowed po ang isang watcher as long as susundin lang ang proper dress code while nasa loob.

"Mahal, dahan dahan naman ng paglakad mo. Baka mahilo ka naman niyan." Paalala ni Kiefer. "Eh sa ang sakit talaga pag pumirmi ako eh. Huwag ka nga maingay, Kief." Iritang sabi ni Alyssa.

Napakamot tuloy ng batok si Kiefer. "Halika dito, Hal tulungan kita. Sabi ni Doc di ba stimulate ang tiyan at nipple rolling. Kaya ako na gagawa." Agad siyang pinandilatan ng mata ni Alyssa. "Baka gusto mong mag rolling on the floor ka!" Masungit na sabi nito kaya minabuti ng manahimik ni Kiefer.

"Ma'am, may bagong order po si Doc Araneta. Bale hahaluan ko po ng oxytocin yung dextrose niyo po. Para po mas bumukas na yung cervix niyo at mas mag stimulate po ng uterine contractions." Bigay impormasyon ng nurse.

At bilang patunay nga sa sinabi, hindi nagtagal ay maya't maya na ang ramdam na pagtigas at sakit ng tiyan ni Alyssa. Hindi niya malaman kung maiihi o majejebs ba siya. Hindi niya alam kung gusto niya na lang umuwi o magpagulong gulong sa sahig.

"Hayop ka Kiefer! Ang sakit! Shet!" Bulyaw niya rito. Nilapitan siya ni Kiefer pero mas lalo pa siyang nairita. "Una at huli na talaga to. Ang sakit! Papaa! Mamaaaa!" Tuloy tuloy na sigaw niya habang hindi niya namamalayan na napapahigpit lalo ang kapit niya sa braso ni Kiefer.

Pero wala iyon kumpara sa sakit na iniinda nito sa kasalukuyan. "Alam mo ba ang sakit? Times 20 na sing sakit ng ngipin. Ay hindi, 50 times na migraine. Ah basta! Nakakainis ka Kiefer!" Muli ay sigaw niya.

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now