UltrasoundAgad na inalo ni Kiefer si Alyssa kahit na siya mismo ay gulong gulo din. "Chorionic, ano po, Doc? Ano po ba yun? Bakit kailangan ng ganun?" Natatarantang mga tanong ni Kiefer.
"Ganito kasi, Mommy, Daddy, may napansin kasi ako sa isa sa mga kambal. For now, syempre gusto natin parehas na maconfirm muna before making any conclusion. Sa bale ngayon, I would get Alyssa's blood sample and then I'll proceed with nuchal tranlucency. It's an ultrasound din but it would take for about 30-40 minutes, and I would like to have another sonographer with me para lang sure tayo sa magiging readings. Will that be alright with you?" Tanong ng OB ni Alyssa kaya naman nagkatinginan silang dalawa, parehas na may mga nabubuong takot sa mga mata.
"Yung chorionic something, Doc?" Tanong muli ni Kiefer rito. "We might perform that kung kailangan lang talaga. Iwas muna tayo sa invasive procedure. Sa ngayon, ito na muna yung option natin." Muli ay paliwanag ng doctor. Gustong magsalita ni Alyssa at magtanong ngunit walang salita ang lumalabas sa bibig niya.
Habang may katawagan ang Doktor ay sinamantala ni Kiefer ang pagkakataon na hanapin sa internet ang mga sinabi nito sa kanila. Gustong gusto niya pa sanang magtanong kanina ngunit iniiwasan niya lang na masyadong ma stress si Alyssa sa mga nangyayari. Ramdam niya kasi iyon kanina.
Dalawang salita lang ang pinindot niya sa search engine, ni hindi pa siya sigurado sa spelling nito, hindi niya mawari kung ano ang dapat na asahan, hanggang sa napunta siya sa isa pa, pagkatapos ay sa mas komplikado pa. Halos manlambot at tumiklop ang mga tuhod niya sa mga natuklasan. Ramdam niyang bumaba lahat ng dugo niya sa katawan. Pero isang tingin lang niya kay Alyssa ay alam niya na kailangan niyang patatatagin ang sarili. Ayaw sana niyang mag-isip pa ng masyadong malayo pero bakit iyon ang dahilan kung bakit gagawin yung nuchal translucency na yun kay Alyssa.
Hindi, hindi maaari. Baka naman nag kamali lang ang doktor, baka masyado lang itong metikuloso sa mga bagay bagay lalo na at kambal ang dinadala ng nobya. Iyon ang itinatak ni Kiefer sa isipan.
Hindi mapaliwanag ni Alyssa pero may kung anong mabigat ang nakadagan sa kanya. Iba talaga ang pakiramdam niya sa mga nangyayari. Tipid siyang tumango ng ipinaalam ng dalawang doktor na mag sisimula na sila sa pag uultrasound. Pinili niyang ipikit na lang ang mga mata.
Hawak ang kamay ni Alyssa, itinuon ni Kiefer ang buong atensyon niya sa dalawang doktor at sa tv monitor. Pinapakinggan niya ang mga sinasabi nito ngunit masyadong mga teknikal ang mga salitang ginamit. Wala halos siyang maintindihan at wala naman siya makitang kakaiba sa monitor dahil halos itim at puti lang naman ang andoon. Hindi niya tuloy maiwasan ang mag-alala.
Twenty, thirty, halos forty minutes bago natapos ang procedure na iyon. Agad niyang inalalayan si Alyssa na makabangon at mag-ayos ng sarili. Tapos nun ay inabisuhan silang antayin na lang ang resulta kaya pinili nilang maghintay sa labas ng klinika.
"Mahal, anong gusto mong kainin? Bibilhan kita sa canteen?" Alok ni Kiefer saka inabot ang bote ng mineral water. Umiling lang si Alyssa kaya agad niya itong niyakap mula sa gilid. "Mahal, iwasan natin ang mag-isip masyado. Sigurado ako okay lang mga baby natin." Matapang na sabi ni Kiefer. Kinukubli ang sariling pag-aalala.
"Natatakot ako, Kief. Kahit ayokong isipin, nafi-feel ko kasi talaga na parang may iba." Malungkot na sabi niya. Pinagsikop ni Kiefer ang mga kamay nila at mariin itong pinisil. "Andito naman ako e, okay? Magkasama nating ginawa to, Mahal kaya magkasama din nating haharapin ang lahat."
Mahina siyang tinampal sa braso ni Alyssa. "Dapat talaga banggitin from the start eh." Irap nito sa kanya. "Pinapagaan ko lang pakiramdam mo, Mahal." Nakangiting tumango si Alyssa. "CR lang muna ako." Paalam niya dito. "Samahan kita?" Alok nito at tatayo na sana. "Kief, ang oa."
Naghuhugas na ng kamay si Alyssa at kukuha na sana ng tissue nang nakaramdam ng mabigat na titig sa kanya. "Uhm so, look who we got here." Mapanuyang sabi ng pinsan na si Trey. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib at lumapit kay Alyssa, sinuri ang buo nitong katawan at inilapit pa ng konti ang mukha sa kamay ni Alyssa.
"Ang laki laki ng tiyan pero walang suot na singsing? O cousin dear, what a disgrace." Pailing iling na sabi nito at mapaghusga itong tinitigan si Alyssa. Abot langit ang pagtitimpi ni Alyssa. Hinding hindi siya bababa sa level ng pinsan at lalong hindi niya ilalagay sa alanganin ang mga pinagbubuntis niya. Imbes na pansinin ay pinili niyang magsuklay na lang kaya mukhang napikon ang pinsan sa asal niya. Magsasalita sana ito nang inunahan niya. "Ang alam ko effective pa din yung TRO, so if you may excuse me." Irap ni Alyssa at sadyang siniko si Trey nang lumabas siya ng CR.
Nanggagalaiti si Alyssa habang naglalakad pabalik ng klinika. Ang sarap sanang patulan ng babaeng yun kung di lang niya iniisip ang sitwasyon niya. Hindi mawala wala sa isip niya ang sinabi ng pinsan. Limang buwan na at malaki na ang tiyan niya pero hindi na ulit nila napag usapan ni Kiefer ang tungkol sa kasal. Bakit naman kasi nag-inarte ka pa dati, Alyssa. Eh di ano ka ngayon, nganga. Pangaral niya sa sarili.
"Mahal.." Tawag ni Kiefer sa kanya na hindi niya man lang namalayan na nasa harap na pala niya. Mahinang hinaplos ni Kiefer ang nakakuyom na kamao ni Alyssa. "Bakit ka galit? Anong nangyari?" Tanong nito na malalim ang gatla sa noo. "Wala ito, nakasalubong ko lang si Trey kanina sa CR." Sasagot pa sana si Kiefer nang biglang tinatawag na ng secretary ni Doc Araneta ang pangalan ni Alyssa.
"Bale, Kiefer, Alyssa, we would like to inform you that the special NT ultrasound was performed to measure your baby's nasal bone and also...."
Matiim ang mga tingin ni Alyssa sa mukha ni Doctor Araneta partikular na sa bibig nito na panay ang buka at galaw. Pero ni isang salita ay tila hindi maproseso ng tenga niya at lalong hindi pumapasok sa isip niya.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.