Bisita
Agad na bumaba si Alyssa ng kotse nang naipark iyon ni Kian sa kanilang garahe. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang kanilang bahay. Ngunit agad na napatigil nang madatnan ang Uncle Art niya na prenteng nakaupo sa sala nakataas pa ang mga paa sa lamesita. Nilapitan niya iyon at nagmano. "Tapos na ang exam, Ly?" Nagtatakang tanong nito at tiningnan ang relong pambisig.
Hindi sumagot si Alyssa at mabilis na pumanik sa kwarto nito. Susundan sana siya ng tiyuhin nang napigilan iyon ni Kian. "Anong nangyari sa Ate mo?"
Imbes na sumagot ay inaya ni Kian si Art sa hapag para sabay na makapag agahan. Dumoble yata ang gutom niya dahil sa mga nangyari. "Salamat Ate Luring." Sabi nito nang maihain na ang lahat ng pagkain. "Kape po, Uncle?" Alok niya.
Tumango ang ginoo at mataman na tiningnan si Kian. "Huwag mo akong iniikot-ikot bata ka. Sagutin mo nga ang tanong ko." At matalim itong tumingin. Napakamot ng ulo si Kian. "Ah, kasi Uncle hindi ko naman po storya ito at mas maganda kasi sana kung kay Ate manggaling."
"Ano nga Kian?" Muli ay tanong nito sa mas mataas na boses. Nataranta si Kian kaya nasabi niya ang kanina'y pinipigil pigil niya. Nabuga ni Art ang kanin dahil sa gulat kaya agad siyang dinaluhan ni Kian. "Uncle, please dahan-dahan lang kay Ate. Masyado na siyang maraming pinagdaanan. Awang-awa na ako." Pakiusap ni Kian. Tinapik siya nito at inayang umupo ulit. "Sige na, kumain na muna tayo. Tapos subukan mong kausapin Ate mo."
Nadatnan ni Kian si Alyssa sa kama nito at nakatalukbong ito ng kumot. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi nito. "Ate, hindi ka pa nag-aalmusal, kain ka na muna kaya. Tara na? Saluhan kita. O kung may gusto kang kainin pwede natin ipaluto kay Ate Luring. O kung gusto mo order tayo ng kahit anong trip mo kainin." Wala siyang nakuhang sagot rito bukod sa maliit na galaw nito. "Ate, nasa baba lang ako, hintayin kita dun. Okay? Love kita Ate."
Patagong pinunasan ni Alyssa ang kumawalang luha kahit pa nakatakip naman siya ng kumot. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit nitong mga nakaraang araw ay napaka-emosyonal niya. Hindi nagtagal ay naramdaman niyang lumabas na ng silid niya si Kian. Nagugutom naman talaga siya kaso nananaig ang bigat ng pakiramdam niya.
Nagtaka si Alyssa na muling lumubog ang isang bahagi ng kama niya ngunit ayaw niya silipin kung sino ito. "Ly, bangon na dyan." Udyok ni Uncle Art. "Walang magagawa ang pagmumukmok, kaya halika ka na at kumain. Huwag na huwag mo sabihing busog ka kasi kilala ko yang bituka mo." Natawa tuloy si Alyssa kaya inalis niya ang kumot at tiningnan ang tiyuhin.
"Grabe ka po sa akin Uncle." Biro niya at hinimas himas ang malaking tiyan ng tiyuhin. "Eh tama naman talaga ako eh at napatawa pa kita. Tara na?" Aya nito. Imbes na bumangon ay niyakap ito ni Alyssa. "Uncle, galit ka po ba sa akin?"
Mataman siyang tiningnan nito. "Ikaw ba Ly, galit ka ba sa sarili mo?" Marahang umiling si Alyssa. "Disappointed, opo." Inilayo siya ni Art sa pagkakayakap at hinarap ito." Dalawang tanong lang, mahal mo ba si Kiefer? Pinwersa ka ba niya nung may nangyari sa inyo?" Walang kurap na sumagot agad si Alyssa. "Opo, mahal ko po at hindi niya naman po ako pinilit. Disappointed lang po ako sa sarili ko kasi napaaga. Kasi po marami akong plano na ngayon mukhang malabo ko ng magawa at matupad. Sigurado din po ako galit sa akin sila Papa at Mama." Sagot nito habang nagpupunas ng mga luhang hindi niya mapigilan.
"Eh ano ba ang plano mo sa dinadala mo?" Tanong nito sa kanya. Wala sa sariling napahawak si Alyssa sa kanyang tiyan. "Itutuloy ko po ito Uncle at palalakihin ng maayos." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Art. "Kagaya ko, sa simula makakaramdam din talaga ng pagkadismaya ang mga magulang mo, Ly. Pero sa narinig kong sagot mo, sigurado akong masaya rin at proud ang mga magulang mo kasi itatama mo ang nagawang kamalian. Huwag ka na masyadong mag-isip at mag-alala dahil andiyan na yan kaya mas mainam na tanggapin mo ng buong puso. Andito kami para sa'yo at sa baby mo. Isa pa, bawal ang stress sa mga buntis di ba?"
Niyakap ng mahigpit ni Alyssa ang tumatayong ama nila. "Salamat sa laging pag-intindi, Uncle Art. Kaya ikaw talaga ang paborito ko." Mabilis na pinisil nito ang ilong ni Alyssa. "Eh ako lang naman talaga ang kapatid na lalaki ng Mama mo habang nag-iisang anak naman ang Papa mo. Ikaw talaga na bata ka, loko to ah. Halika na at nagutom ulit ako." Natatawang sabi niya.
Sinaluhan ni Art at Kian si Alyssa sa pagkain. At pinipilit nila itong isali sa mga usapan. Ngunit hindi talaga maiwasan na bigla na lang na napapatulala si Alyssa. "Ly.. wag mo ng isipin ang exam na hindi natuloy. Bata ka pa naman, 22 anyos pa lang, after mo manganak o kung kailan mo gusto, pwedeng pwede mo pa ituloy ang mga pangarap mo." Anito.
"Ate, tama na ang iyak, ayokong pumangit ang pamangkin ko." Biro ni Kian. "Oo nga, at unang apo ko pa naman yan." Segunda ni Art kaya sabay sabay silang natawa.
"Magiging maayos ba kayo dito, Ly, Kian? May flight ako mamayang 11AM eh. Gustuhin ko man sanang pasamahan kayo dito kay Auntie Tarra niyo eh alam niyo naman yun ayaw sa napakalaking bahay."
"Opo naman, Uncle. Andito naman si Ate Luring at kampante naman po ako na umuusad na ang kaso." Wika ni Kian. "Huwag niyo na alalahanin yun, basta kung ano't anuman tawagan niyo ako kaagad ha." Bilin nito sa mga pamangkin.
Pagkatapos kumain ay nilapitan ni Alyssa si Art at niyakap ito. "Ingat ka po sa byahe, Uncle. Huwag na po kayo masyadong mag-alala sa amin ni Kian. Akyat na po ako, magpapahinga lang."
Nang makaalis si Alyssa, sinenyasan ni Art si Kian, "Ikaw na muna bahala sa ate mo."
Tamad na tamad si Alyssa at ang gusto niya lang ay ang humilata sa kama maghapon. Ngunit mukhang mauunsyami pa ang balak nang pinuntahan siya ni Luring at sinabing may mga bisita sa baba.
Labag man sa kalooban ay binaba niya ang mga ito at hindi na siya nagulat pa kung sino ang mga naghihintay.
xx
Atleast 30 votes bago ko ipost next chappy. Pampagana lang. 😉
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)