Chapter 31

962 50 9
                                        

Compromise

"Mahal.. Mahal.." Masuyong hinawakan ni Kiefer ang dalawang kamay ni Alyssa at hinaplos yun para kumalma ito. "Anong nangyari?" Tanong niya habang tinutuyo ang mga luha nito.

Winaksi ni Alyssa ang pagkakahawak ni Kiefer at mas lalong umiyak. "Kief naman eh, di ba sabi ko sa'yo ihiwalay mo ng laundry basket yung mga medyas mo. Yun oh." Turo niya sa rattan na hamper. "Tapos sabi ko di ba pisilin mo yung toothpaste mula sa baba, sa baba Kief, hindi sa gitna, okay?" Naiiyak na sabi nito. Napatakip naman si Kiefer sa bibig, hindi makapaniwala sa dahilan ng pag-iyak ni Alyssa.

Patatahanin na sana siya ni Kiefer nang bigla itong napasabunot sa sariling buhok dahil sa inis. "Tapos Kief yung tuwalya mong basa wag mong pinagtatabi sa ibang towel. Yung salamin palagi na lang may talsik na kung hindi toothpaste eh ung shaving cream mo naman." Patuloy na sermon nito.

Tumayo si Kiefer at pilit na pinapatigil ang paikot-ikot na lakad ni Alyssa. "Mahal, mahihilo ka niyan sa ginagawa mo." Sabi niya at ikinulong ito sa mga bisig niya. "Tahan na, Mahal please?" Alo nito sa nobya. Nang medyo humina na ang mga hikbi nito ay inilayo niya si Alyssa at pilit na pinaharap sa kanya. "Pangako, imememorize ko lahat ng gusto mo at hindi ko na ulit gagawin lahat ng ayaw mo, okay na ba? Kaya sorry na ha? Pero Hal, hindi mo naman kailangan umiyak eh. Sabihin mo lang ang gusto mo makikinig at gagawin ko naman."

Biglang bumitaw si Alyssa nang may nakakuha ng atensyon niya at nilapitan iyon. "Para sa akin ba to, Mahal?" Kinuha niya ang bouquet ng tulips at inamoy ito. "Okay lang ba ang amoy sa'yo Mahal?" Tumango si Alyssa at ngumiti, "Salamat, Mahal. Bihis ka na kaya, may naaamoy na naman akong nakakahilo eh." Inamoy ni Kiefer ang sarili eh hindi naman siya amoy pawis o amoy araw. Pero minabuti niya ng sundin si buntis bago pa ito topakin ulit.

Mahimbing na ang tulog ni Alyssa nang matapos maligo at magpalit ni Kiefer sa banyo. Napagod yata sa pag-iyak at pagdadrama kanina. Inayos niya lang ang pagkakakumot kay Alyssa saka nag desisyong lumabas na muna.

: Hello M—

: Hello Kief? Ano nangyari? Kumusta si Alyssa? Kailangan niya ba ako dyan? Sunod-sunod na mga tanong ni Mozzy nang sa wakas ay sinagot niya ang telepono pagkatapos ng pangatlong tawag ng anak.

: Okay lang ako Ma, thank you sa pagtanong. Puno ng sarkasamo nitong sagot kaya natawa ang ina nito sa kabilang linya.

: Naku yung panganay ko nagiging matampuhin na ha. Anyway pasensya na at hindi ko agad nasagot ang tawag, abala ako kasi may catering booking ako mamaya, Kief. So anong lagay niyo dyan? Si Alyssa ba?

: Ma, tingin ko malapit na akong mabaliw. Walang humpay ang tawa ni Mozzy habang nagkukwento ang anak sa kanya tungkol sa kalagayan ni Alyssa at ang mga trip nito. Lalo na ang nangyari kanina.

: Okay ka na, Ma? Saya natin ah. Sabi ni Kiefer na malapit ng mapikon dahil ang lutong ng tawa ng ina niya na bakas ang pang-aasar.

: Kaya mo yan, Kief. At sinasabi ko sa'yo marami pa yan at mas malala pa. Basta sakyan mo na lang lahat, anak. Kahit anong trip basta hindi niya ikapapahamak. Masamang magtampo ang mga buntis Kief kaya kung ayaw mo na ma outside de kulambo, alam mo na—

: Compromise, Ma. Dugtong ni Kiefer sa sinabi. Malapad ang ngiti ni Mozzy dahil sa narinig. Matindi din talaga magmahal tong anak niya na to.

: Fast learner ka talaga, nak. O sige na tatapusin ko na tong ginagawa ko. I-hi mo ako kay Alyssa.

: Sige po Ma, huwag masyadong magpagod diyan. Tatawag na lang ako ulit. Love you.

"Aray, Mahal!" Reklamo ni Kiefer habang pinipilit na kumawala sa pamimingot sa kanya ni Alyssa. "Aba naman Kief, natulog lang ako, may ka-i love you-han ka kaagad?" Nakapamewang na sabi nito.
Agad siyang niyakap ni Kiefer sa bewang. "Selos ka agad, Hal eh. Si Mama yun noh." Paliwanag niya at dahan-dahan na silang bumaba ng hagdan.

"Siguraduhin mo lang talaga, Kief." Pananakot niya habang kumukuha ng gatas sa ibabaw ng ref. Kinuha ni Kiefer ang cellphone niya at ni loud speaker yun at tinawagan ang ina. "Hello, Kief napatawag ka ulit? Si Alyssa?" Hindi pa man naka sagot si Kiefer ay napindot na ni Alyssa ang end button. Taas kilay niyang tiningnan ito. "Fine, I'm sorry." Padabog niyang sabi.

"Sorry lang? Kiss mo ako." Biro ni Kiefer at nilapit ang pisngi rito na agad ding hinalikan ni Alyssa. "Next time, Mahal buong sentence kasi ang dapat pakinggan mo, wag yung dulo lang ha. Ayan tuloy nasaktan pa ang tenga ko." Pangongonsensya ni Kiefer pero si buntis nagawa lang siyang tawanan at nambelat pa na parang bata.

"Uhm, anong gusto mong kainin, Hal? Lulutuin ko at sasarapan ko, promise." Muling sumimsim si Alyssa sa kopita na may mainit na gatas. "Hmm.. gusto ko ata ng cheesy baked clams, Mahal. Yung medyo sunog ang cheese pero hindi naman. Alam mo yun?"

Pilit na pinoproseso ni Kiefer iyon. Hahanapin niya na lang sa google. "O sige, Mahal. Kaya ko yan. Challenge accepted." Sinilip ni Kiefer ang ref at wala namang clams doon. "Eh Mahal wala naman tayong clams. Bibili na lang muna ako." Paalam ni Kiefer saka pinulot ang susi ng kotse. Hahalik na sana siya kay Alyssa bago lumabas ng kusina nang bigla itong kumapit sa braso niya.

"Huwag ka na umalis, Mahal. Ayoko na lang nun." Biglang palit ng isip niya at mas hinigpitan ang pag yakap kay Kiefer. "Mahal.." Sabi ni Alyssa sa malambing na boses at masuyong tiningnan si Kiefer. "Hmm.. parang gusto ko talaga ng pomelo." Sambit niya na ikinabahala ni Kiefer.

Naramdaman ni Alyssa ang paninigas ng katawan at pagtigil ng paghinga ni Kiefer. Napahalakhak siya at ikinulong ang mukha ni Kiefer sa dalawang palad niya. "Joke lang kasi, Kief." Napailing na lang ito at agad na pinakawalan ang hininga. Mabuti na lang.

Inayos ni Kiefer ang buhok ni Alyssa. "Siya nga pala, Hal, tanggap na ako sa trabaho." Niyakap siya muli ng nobya na nakangiti. "Congrats, Mahal. Sabi ko sa'yo eh kayang kaya mo yun."

"Celebrate tayo, Mahal. Saan mo ba gusto?" Sabi ni Kiefer at nag-iisip ng mga posibleng restaurant.

"Tara, Mahal, akyat na lang tayo sa kwarto." Aya ni Alyssa at malanding kinindatan si Kiefer.

"Mahal, walang ganyanan. Marupok ako eh."

Imbes na sumagot ay tumayo si Alyssa at naglakad na palayo sa binata.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now