Chapter 29

982 53 10
                                    

Pera

"Mahal, bilisan mo na kaya dyan!" Sigaw ni Alyssa mula sa pinto kay Kiefer na halos wala ng balak na lumabas ng banyo. "Papunta na raw dito sina Ella, nasa kusina lang ako, kay?" Muling katok niya rito.

Malalaki ang butil ng pawis sa noo ni Kiefer. Iba talaga ang timpla ng tiyan niya. Pupuntahan na sana niya si Alyssa nang nagsidatingan ang mga kaibigan. "Kief! Mukha kang dehydrated dyan!" Natatawang tukso ni Ella. "Chong, congrats!" Sabay na sabi ni Pao at Luigi. "Grabe, magiging magulang na kayo." Sabi ni Pao at nakipagkamay ito. "Pero teka nga bakit ganyan ichura mo?" Tanong ni Luigi.

Umiling-iling si Kiefer. "Si buntis kasi nagpabili ng pomelo kagabi at ang gusto niya yung pink ang laman, eh wala kaya yung puti binili ko. Ayun, pinaubos ba naman sa akin ang dalawa kanina. Sa isang upuan lang mga Chong ha. At para pa siyang nanonood ng palabas na nakabantay sa akin habang ako purgang purga na. Ay, shet! Excuse me!" Sabi nito at kumaripas na ng takbo habang mahigpit na hawak ang tiyan.

Naiwan naman ang tatlo na sapo-sapo ang tiyan at hindi maubos ubos ang tawa. "Besh! Kanina pa kayo?" Tanong ni Alyssa at isa-isang nakipag beso.
"Hoy para kayong uod na binudburan ng asin." Komento nito nang bumalik naman sa paghalakhak ang mga ito. "Jusko naman besh, bakit mo kasi pinakain yung dalawang pomelo kay Kiefer? Mukhang kakampo na yata ang jowa mo sa banyo eh." Pilyang ngumiti lang si Alyssa. "Eh sa gusto ko siya yung kumain eh." Pagrarason niya.

"Baliw ka talaga besh eh. Pero mukhang lalala pa ata ngayong buntis ka. Dahan-dahan naman kay Kief, besh. Pero besssshhhh!" Tili ni Ella. "Congrats besh. Magiging Mommy ka na talaga. Uhm pero.."

Hinila ni Ella ang kaibigan malayo sa mga lalaki.
"Bakit di ka pumayag sa kasal besh?" Pabulong na tanong ni Ella nang naupo sila sa terrace. "Eh sa di pa ako handa besh eh. Tama na munang pagiging Mommy na muna, saka na siguro yung pagiging asawa." Sabi nito. "Nasa sa'yo naman talaga yan besh eh. Ikaw lang ang makakapag decide niyan." Niyakap nito ang kaibigan. "Pero besh, ilang beses niyo ginawa?" Agad na tinakpan ni Alyssa ang bibig ni Ella. "Yang bunganga mo talaga besh, minsan talaga walang preno eh." Sinundot ni Ella ang tagiliran nito. "Sus, parang virgin, ilan na nga?" Pinigilan ni Alyssa ang pangingiliti nito. "Ang kulit Ella. Fine, isa! Happy?"

"Grabe sharp shoo—" Hindi na tinuloy ni Ella ang sasabihin dahil nagsisulputan na rin ang mga ito. "Aba, nagsosolo kayo ha. Tara kain tayo?" Aya ni Luigi sa mga ito.

++

"Mahal, magsisimula na akong mag apply sa mga kompanya bukas ha? Okay lang namang maiwan ka dito kay Ate Luring di ba?" Inalis ni Alyssa ang tuwalyang nakabalot sa ulo. "Oo naman noh."

Kinuha ni Kiefer sa kamay ni Alyssa ang hair blower at siya na ang nagsaksak nito. "Ako na, Mahal." Tiningnan ni Alyssa ang repleksyon nilang dalawa sa salamin ng dresser. "Sure ka bang marunong ka niyan?" May pag dududang tanong niya. "Ako pa ba?" At sinimulan na niyang tuyuin ito. "In fairness naman ha. Umamin ka nga sa akin Mahal." Lokong tukso nito. "Ikaw lang eh wala kang bilib sa akin beshy, gusto mo sa susunod mani-pedi naman o kaya kulot?" Pag patol ni Kiefer at ginaya pa ang boses ni Alyssa.

Tawang-tawa si Alyssa. "Sira. Pero nga pala, Mahal, gamitin mo na yung kotse simula bukas ha. May sarili naman si Kian eh kaya okay lang." Umiling si Kiefer habang nililigpit ang hair blower. "Okay lang naman na mag commute ako, Mahal. Sanay ako." Natigil si Alyssa sa pagsusuklay. "Seryoso Kief, pag-aawayan pa ba natin to? May issue?" Tanong niyang nakataas na naman ang isang kilay kaya tiklop bigla si Kiefer. "Sabi ko nga magkokotse ako. Tulog na tayo, Hal."

Nagising si Kiefer na wala sa tabi niya si Alyssa kaya una niya itong hinanap sa banyo. At hindi nga siya nagkamali. Mahina niyang hinagod ang likod nito na walang tigil ang pagsusuka. Nang natapos ay inihanda niya agad ang tissue at tubig na iinumin.

"Mahal, parang ayoko na lang tumuloy mamaya." Nag-aalalang sabi niya. Inubos ni Alyssa ang tubig.
"Eh di ba nga normal lang naman daw to, Kief. Huwag kang oa. Saka tuwing umaga lang naman to eh. Pagkatapos kong sumuka okay na ako. Sige na mag ready ka na. Baba lang ako."

Kumakain si Alyssa ng cereal sa island bar ng kusina nang bigla siyang napatakip ng ilong at bibig. "Ano ba yan, Kief! Ang baho mo!" Reklamo niya. "Ha? Eh dalawang taon ko na tong pabango ah. Ikaw pa ang unang nagregalo sa akin nito, Mahal." Nagsimula ng dumigwa si Alyssa kaya lalapitan na sana siya ni Kiefer upang alalayan ng pinigilan niya ito. "Kief, promise lumayo ka sa akin. Ang baho talaga niyan."

Napakamot tuloy ng ulo si Kiefer. For the baby.

"Mahal.." Tawag ni Kiefer rito at dinukwang ang ulo sapat na makita siya ni Alyssa. "Nagpalit ka na ba ng damit?" Tanong ni Alyssa na tinanguan niya.

Mabilis na lumapit si Alyssa at napangiti dahil wala na ang hindi kaaya-ayang amoy. Inayos niya ang pagkabutones ng polo ni Kiefer at itinupi ang manggas hanggang sa siko nito. "Goodluck sa job hunting, Mahal." Hinalikan siya ni Kiefer sa labi na halos ayaw ng bumitaw kaya parehas silang natawa.

"Basta itext o tawagan mo ako agad Mahal kung ano ha." Tumango si Alyssa sabay abot ng susi ng kotse. "Ingat sa pagmamaneho."

"I love you, Ly."

"I love you too. Sige na alis na matatraffic ka na eh." Udyok ni Alyssa.

Bandang alas tres ng hapon nang makatanggap siya ng text galing kay Alyssa at may pinapabili ito. Ano na naman kaya ang trip ni buntis.

"Seryoso ba yan, Mahal? Nestle cream at kaong? Anong sustansya naman ang taglay niyan, Hal?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kiefer. Nagpabili kasi ito ng Nestle cream at kulay berdeng kaong na ngayon ay pinaghahalo niya at nilagyan pa ng whip cream.

"Huwag ka kasi nangigialam sa trip ko. Eh sa ito yung gusto ni baby." Pagrarason ni Alyssa. Napangiti si Kiefer. "Parang tanga to, bakit ka nangiti dyan?" Pinisil ni Kiefer ang ilong ng nobya. "Ngayon ko lang narinig na inacknowledge mo ang baby natin." Natawa si Alyssa. Kinukubli ang pagkamangha sa sinabi ni Kiefer. "Emotional ka na niyan?" Tukso niya kay Kiefer. "Bakit ganun, Mahal? Ang ending lagi ako yung pinipikon mo eh." Iiling-iling niyang sabi.

"Ano pala kinain mo nung tanghalian?" Tanong niya rito. "Uhm, nilagang baka tapos kumain ako nung sahog na gulay. Eh ikaw ano ang nangyari sa pag-apply mo, Hal?" Tanong ni Alyssa habang abala pa rin sa paghahalo ng ginagawa.

"Buti naman at kumain ka ng gulay. Bale, tatawag lang daw sila, Mahal." Nagsandok si Alyssa ng ginawa niya at itinutok ang kutsara sa bibig ni Kiefer na agad na napangiwi. "Sige na, Hal baka kulang pa sa'yo yan eh." Pag-iiwas niya rito. Ipipilit pa sana niya ito nang linapitan siya ni Luring at may inabot na papel.

"Baka may gusto kang idagdag Ly na nakaligtaan ko." Si Luring. Binabasa ni Alyssa ang listahan nang sinilip iyon ni Kiefer. "Para sa grocery, Mahal?" Tumango si Alyssa kaya agad na binunot ni Kiefer ang wallet sa bulsa. Naglabas siya ng iilang libo saka inabot kay Alyssa. "Ano yan, Mahal?"

"Share ko sa groceries, Mahal." Sagot ni Kiefer kaya agad na binalik iyon ni Alyssa sa kanya. Kaso hindi niya iyon tinanggap. "Diyan na nga yan, Hal." Pag pupumilit ni Kiefer.

"Kief, alam natin parehas na nagaapply ka pa lang ng work so kung ano yung hawak mong budget, ilaan mo na muna para sa sarili mo. Ako na muna ang bahala." Inabot muli ni Alyssa ang sinasauling pera na hindi pa rin tinatanggap ni Kiefer.

"Okay nga lang talaga, Mahal. Syempre dito ako nakatira kaya dapat magbigay din ako ng ambag ko." Paliwanag niya.

"Kief, kung gusto mo talaga mag work out tong pagsasama natin, rule number one, ayaw na ayaw kong gawing issue ang pera. Hindi pwede sa akin na porket ikaw ang lalaki eh ikaw mostly magbibigay. Sa ngayon, ako yung may extra kaya ako na muna. Sa susunod pag stable na work mo at sumasahod ka na, sige split na tayo sa gastusin. Okay ba yun o nakakaapak ba yun ng ego mo?" Tanong niya rito na hindi naman sumagot.

"Kief, kung parating ganito na laging parang may issue, ako na nagsasabi sa'yo, hinding hindi tayo magkikita nito sa gitna. Hindi to magwowork." Sabi ni Alyssa saka nilapag ang pera ni Kiefer sa la mesa saka umalis.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now