Gender Reveal
"Okay ka na Ly?" Tanong ni Luring nang inaantay siya nito na matapos maligo at magtuyo ng buhok. "Tara na Ate, nagugutom na ako." Aya ni Alyssa at lumabas na ng silid. Maingat siyang inalalayan ni Luring pababa ng hagdan, kinakalkula ang bawat paghakbang.
"Woah! Nakakahingal na talaga." Habol hininga na sabi ni Alyssa at sapo sapo ang dibdib. Nginitan siya ng katabi. "Dalawang buwan na lang talaga Ly, mabilis na lang yun. Ihahain ko na ba ang agahan mo o gusto mo muna maglakad lakad pa muna sa hardin?" Alok ni Luring kaya natukso si Alyssa sa huli, maaga kasi siyang nagising, mukha ngang masarap magpaaraw.
Nilingon ni Alyssa si Luring ngunit biglang wala na ito sa tabi niya. Nagkibit balikat siya at tinungo na ang pinto palabas. Napaawang ang labi niya nang may nakitang nakaset up na breakfast for two sa hardin. Naroon ang mga paboritong pagkain, may gatas at orange juice at fresh tulips na talaga namang kinagigiliwan niya mula ng nagbuntis siya.
Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Alyssa. Hindi talaga nagsasawa si Kiefer sa mumunting mga surpresa na ginagawa para sa kanya.
Matitipunong mga braso ang pumalupot sa bewang niya nang magsimula na siyang maglakad palapit sa mesa. "Good morning, Mahal. Good morning babies." Bati nito at mahinang hinaplos ni Kiefer ang tiyan ni Alyssa. Hinarap siya nito na hindi pa rin napapawi ang mga ngiti. "Thank you dito, Hal. Hmm. May Saturday meeting pala ha." Tukso ni Alyssa sa ginawang rason ni Kiefer kaya naman napakamot ito ng ulo na parang nahihiya.
Pinaghila ni Kiefer si Alyssa ng upuan at magiliw silang nagsalo ng agahan. Natutuwa si Kiefer sa nakikitang progreso ni Alyssa. Hindi na ito nag iisip ng kung ano anong negatibong bagay at unti unti ay ramdam niya na ang pagtanggap nito sa sitwasyon ng isa sa kambal. Madalas ay nahuhuli niya itong nagbabasa sa internet ng mga bagay na patungkol sa Down's Syndrome.
"Mahal.." Tawag ni Kiefer rito. "Hmm?" Tugon ni Alyssa at nag angat ng tingin. "Pwede tayo mag mall after lunch? Pa trim na rin ako ng buhok. If okay lang naman." Saglit pa na nag isip si Alyssa, "Bili na rin kaya tayo ng baby stuff, Hal? Kahit ung mga puti lang muna sana, tingin mo?" Umiling si Kiefer, "Saka na siguro, Hal. Mga next month kaya? Saka hindi ba may mga nagustuhan ka nun sa online or yung nirecommend kaya ni Ella sa atin na kilala niya?" Tumango tango si Alyssa habang patuloy na kumakain.
"Kief!!!" Sigaw ni Alyssa mula sa banyo. "Yes, Hal"?
Sagot ni Kiefer. "Paki zipper please." Utos ni Alyssa at tumalikod ito para maisara ni Kiefer."Sandals pa please." Muli ay utos niya kaya agad na kinuha iyon ni Kiefer mula sa shoe organizer at pinaupo si Alyssa sa sofa. "Uhm, Mahal, ayaw mo ba yung doll shoes na lang ang suotin mo?" Sabi ni Kiefer habang nagpupunas ng butil butil na pawis sa noo. "Ayoko nun, mas komportable tong strappy sandals eh." Sagot ni Alyssa kaya muli ay hirap na hirap na sinubukan ni Kiefer na isuot yun.
"Mahal, ang luwag naman. Sa ikatlong butas mo kasi i-lock." Reklamo nito. Kaya ginawa ni Kiefer ang sinabi. "Hal, hindi kaya pag sa ikatlo. Parang masikip din eh." Paliwanag ni Kiefer.
Pinagkrus ni Alyssa ang mga braso sa dibdib. "Hmp! Sinasabi mo bang namamanas na ako? O mukha na ba akong butete? Hoy Kiefer baka gusto mo ikaw na magbuntis." Irap na sabi ni Alyssa kaya nataranta si Kiefer na aluin ito. "Hindi naman kasi ganun, Mahal sinasabi ko lang para hindi ka mahirapan maglakad mamaya. At isa pa, Hal kahit anong size ka pa man ngayon o sa future, mahal pa rin kita at inlove pa din ako sa'yo. Okay?" Suyo nito at pinatakan siya ng halik sa labi.
++
"Kief, magmamaneho ka ba o magtetext? Kanina pa yan simula sa bahay pa tayo eh. Sino ba kasi yan?" Naiiritang tanong ni Alyssa rito. Biglang tinago ni Kiefer ang cellphone sa bulsa saka tinapunan ng tingin ang nobya. "Sorry Mahal, sa office lang yun."
Hindi na muling umimik si Alyssa at itinuon na lang ang tingin sa bintana. At hinayaan na lang din siya ni Kiefer. "Oh, akala ko ba sa mall tayo? Eh bakit andito?" Nagtatakang tanong ni Alyssa nang nagpark si Kiefer sa isang restaurant. "Bigla akong nagutom, Hal kain muna tayo?" Wala ng nagawa si Alyssa kundi ang pumayag.
Hawak kamay silang pumasok sa restaurant at sinalubong sila ng nakangiting waitress. "This way, Sir, Ma'am. Enjoy!" At iginiya sila sa isang closed- door na kwarto na ikinataka ni Alyssa. "Bakit dito talaga tayo, Mahal?" Tanong ni Alyssa at pinigilan si Kiefer na pumasok. "Baka dito lang pwede, Mahal. Tara na." Kumbinsi ni Kiefer rito at inalalayan na si Alyssa na nakakunot na ang noo dahil maraming mesa naman talaga ang bakante sa open area.
Bigla siyang napatili ng makarinig ng iilang mga party poppers. "Surpriseee!" Mas tumili pa si Alyssa nang makita ang mga kaibigan na sina Ella, Luigi, Pao, Gretch, Justine at Jia na siyang may pakana ng ingay. Iginala niya ang mga mata sa magarang function room at napaluha na lang nang makita ang mga dekorasyon at ang banner na nakasabit.
"Welcome sa baby shower mo, nak." Bati nila Mozzy at Bong at niyakap siya ng mahigpit. Si Dani at Thirdy naman ang sumunod. "Si Kian, Mahal?" Bulong ni Alyssa sa nobyo. "Pwede bang wala ako rito?" Biglang sagot ni Kian sa likuran nito na may dala dalang bouquet ng tulips. Niyakap siya agad ni Alyssa, hindi na nito napigilan pa ang pagluha ng dahil sa labis na galak.
"Besh! Maya na ang drama. Simulan na natin ang party!" Masayang anunsyo ni Ella sa mga naroon. "Uy Besh, dun ka maupo sa gitna oh, bilang bawal ka na sumali sa games eh, kaya ikaw muna judge ngayon." Turo niya sa upuan na nasa gitna ng maliit na stage.
Hinati ni Ella ang mga bisita sa dalawang grupo at nagsimula na sa mga nakakatawang laro na siya rin halos ang nakaisip. Tawang tawa si Alyssa habang pinagtutulungan nila si Kiefer na lagyan ng adult diaper at nakipagpaligsahan pa kay Luigi na kunin ang feeding bottle na itinago ni Ella sa front desk sa mismong bukana ng restaurant. At maaari lang sila pumunta dun habang gumagapang.
Natatawa pa si Alyssa nang bigla siyang lapitan ni Mozzy. "Tingin mo, nak. Handa na ba yan maging Daddy?" Tanong ni Mozzy na natatawa na rin. "Ma, tingin ko talaga ha mas handa siyang maging panganay ng kambal eh." Nguso ni Alyssa kay Kiefer na hindi pa rin tapos makipag agawan kay Luigi.
"O guys, tara dito. Botohan na kayo kung ano sa tingin niyo ang magiging gender ng kambal. Yung makakakuha ng tamang hula, may premyo. Pero syempre secret para may thrill." Sabi ni Ella.
"Dapat Ells sabihin mo muna ang prize para mas lalo kami ganahan." Tukso ni Luigi kaya inirapan siya ni Ella. "Okay fine, yung prize ay isang napakaespesyal na cake with chocolate icing." Naghiyawan ang lahat, puro mga sabik sa cake.
"Pero yung cake nasa loob ng baby diaper!" Biro ni Ella sa mga ito na sabay sabay na napangiwi.
May inilapag si Ella na dalawang box sa harap na may naka tatak na twinA at twinB. "O Kief, Besh, dito kayo, sabay niyo buksan ni Kiefer pag bilang ko ng tatlo. Okay?" Tumango sila ng sabay.
"3, 3 and a half, 2, 2 and a half." Mabagal na mabagal na pagbilang ni Ella na natatawa.
"Ella! Nakakaasar!!" Sabay na bulyaw ng mga ito.
Ngunit sabay ring napatigil ang lahat nang bumukas ang pinto at may nagsalita. "Late na ba kami?"
xx