**walang ispigi warning
Trip
Gustuhin mang sundan agad ni Kiefer si Alyssa ay pinili niyang ligpitin na muna ang pinag-inuman ni Alyssa at ibinalik ang lata ng gatas sa ibabaw ng ref. Lagi kasing pangaral ng mga magulang na hangga't kaya namang gawin ay sila na mismo ang gumawa at wag ng iasa pa sa iba. Nang matapos niyang tuyuin ang kopita at ang kutsarita ay nagpasya na siyang umakyat.
"Mahal, andito ako. Halika, bilis." Sigaw ni Alyssa mula sa banyo ng kwarto nila. Ano na naman kaya ang trip ni buntis.
Sinilip niya muna kung ano ang pinagkakaabalahan ni Alyssa. Nakita niya itong nagsusuklay ng medyo may kahabaan ng buhok saka niya ito perpektong ipinusod. Nang maramdaman ang presensya ay agad siya nitong kinindatan. Hinatak siya agad ni Alyssa sa loob ng hindi siya kumilos.
Walang pag aatubiling niyakap siya ni Kiefer at pinulupot ang braso sa bewang nito habang ang isa ay nakayakap sa likod ng balikat. Inaasahan ni Kiefer ang isang mapusok na halik ngunit isang simple at mabilis na halik lang ang iginawad ni Alyssa sa kanya.
"Mahal, sumampa ka dito." Turo ni Alyssa sa gilid ng lababo. "Eh baka bumagsak yan, Mahal. Bakit mo ako pinapaupo diyan?" Nagtatakang tanong niya. "Hindi yan, matibay yan eh. Dali na." Kaya wala ng nagawa si Kiefer kundi ang sumunod.
Nang nakaupo na ay tiningala siya ni Alyssa at matiim siyang tinitigan. "Pikit, Mahal." Utos nito sa kanya. "Ha? Anong binabalak mo, Mahal?" Naguguluhang tanong niya. "Basta, trust me. Pikit na, please." Nagdududa man ay tumalima naman si Kiefer. Sakyan mo kahit anong trip basta't hindi niya ikakapahamak.
Napamulat bigla si Kiefer nang may naramdamang malamig na dumampi sa mukha, inilayo niya ang mukha sa bulak na hawak hawak ni Alyssa. "Ano yan, Mahal?" Ngumiti si Alyssa. "Uhm, facial toner. Tanggalin natin yang mga whiteheads at mga blackheads mo, Hal para pogi ka bukas sa first day of work mo." Masayang sabi ni Alyssa. "So sinasabi mong pangit ako? Ouch." Tinampal ni Alyssa ang dibdib nito. "Drama King, para mas maging pogi. Okay na po?" Sabi nito at itinapon ang bulak sa basurahan.
Agad na napangiwi si Kiefer sa nakitang hawak ni Alyssa. "Eh ano naman yan, Mahal?" Nguso niya sa stainless na bagay na kumikinang kinang. "Ito ba? Blackhead extractor." Sagot niya at pinakita ng malapitan kay Kiefer. Agad na pinigilan ni Kiefer na makalapit si Alyssa. "Ayoko niyan, Hal. Hindi naman na kailangan eh." Naiimagine niya kasi kung paanong ididikit sa mukha niya iyon at titirisin palabas ang mga blackheads. Tumatayo ang balahibo niya sa isipang iyon. Hindi na muli umimik si Alyssa at handa na itong mag walkout nang hinatak siya ni Kiefer. "Okay, sige na po, pumapayag na ako. Be my guest, Mahal." Sabi niya at inilahad ang mukha. Pumalakpak naman ito at ngumiti. "Sabi ko sa'yo, baby. Mabait talaga si Daddy mo." Pagkausap ni Alyssa sa tiyan niya na ikinatuwa ni Kiefer. For the baby.
Ilang beses pang napaaray at napangiwi si Kiefer dahil sa mga ginagawa sa kanya ngunit lahat ng yun ay tiniis niya. Pakiramdam niya ay namanhid ang pagmumukha niya. May ipinahid muli si Alyssa sa mukha nito, mahina niya pa iyong tinapik nang matapos. "Uhm, happy now, Mahal?" Umiling si Alyssa. "Kailangan pa nating i-moisturize, Mahal. Pikit na." Muli ay utos nito at agad na sinimulan ang pagpahid ng clay mask sa mukha ni Kiefer. "Huwag mong galawin, Hal, mamaya pa natin yan iririnse." Nagsimula na din si Alyssa na maglagay sa sariling mukha nang pinigil ni Kiefer. "Okay lang ba yan kay baby, Mahal?" May pag-aalala sa tono ni Kiefer. "Tinext ko si Doc kanina sabi niya safe naman." Kaya hinayaan na niya ito. "Tara, Mahal, selfie tayo." Yaya ni Alyssa na hindi na tinanggihan pa ni Kiefer. Halos hindi sila makakuha ng maayos na litrato dahil panay ang harot niya rito, kaya tawang tawa si Alyssa.
Umayos ng tayo si Kiefer at sinuklay ang buhok. Di iyon nakatakas kay Alyssa at may ideya pang pumasok sa isipan. Nakangiti niyang niyakap si Kiefer mula sa likod. "Gusto ko yang clingy ka, Hal pero di ko talaga maiwasan na magduda sa klase ng ngiti mo na yan eh." Buong pagtatapat nito.
"Eh sa naaalibadbaran ako sa buhok mo, Ma—" Di na natapos ang sasabihin ni Alyssa dahil agad na napaatras si Kiefer at tinakpan ang ulo nito gamit ang dalawang kamay. "Wag naman yung buhok ko, Mahal. Promise bukas na bukas magpapaputol ako after work." Awtomatiko na sumimangot si Alyssa at alam na alam ni Kiefer na talo na siya sa argumentong ito. "Okay, anong plano?" Tanong ni Kiefer.
May kung anong pinindot si Alyssa sa cellphone nito bago magiliw na kumilos. "Mahal, I trust you and I love you." Paalala ni Kiefer rito. Hinalikan ni Alyssa si Kiefer sa noo, sa ilong, at sa labi. "You should trust me. And I love you too."
Hinayaan na rin niya ito sa gustong gawin. Maya-maya pa ay may kung anong pinaghahalo si Alyssa at may mga aluminum foil pa itong ginugupit. Nais niya pa sanang mag komento ngunit isang tingin palang sa masayang aura ng nobya ay natitigilan na siyang ibuka ang bibig. Hindi nagtagal ay pinayuko siya nito sa lababo at tinanggal ang inilagay sa buhok. "Huwag mo muna silipin, Mahal. Wag mo akong dadayain ha." Paniniguro ni Alyssa. Ito na rin ang nagblower sa kanya. Nang sa wakas ay nakuntento na ay pinaharap na siya ni Alyssa sa salamin. "Surprise, Mahal, mulat na." Nakangiting sabi niya. Nakahanda naman ang ngiti ni Kiefer sa labi, ayaw niyang makita itong malungkot. Sinuri ni Kiefer ang sarili sa salamin. Light brown ang kulay ng ginamit ni Alyssa bilang highlights at hindi rin naman masama ang pagtrim niya rito. Naninibago man siya ngunit hindi din naman siya nadismaya. "Thank you, Mahal." Sabi niya at niyakap ito. Inayos pa iyon ni Alyssa nang may narinig na katok sa pinto.
"Ako na, Mahal." Prisinta ni Kiefer.
Hindi malaman ni Kian kung mauuna ba siyang tumawa o magulat sa tumambad sa kanya. Pinanliitan siya agad ng mata ni Kiefer. "Oo na, oo na, Kian. Yung ate mo kasi mapilit." Lihim namang natawa si Kian pero agad na pumormal nang makita ang papalapit na kapatid.
"Ate, kain na tayo. Tapos uhm, may sasabihin din pala ako." Bungad nito.
"Ha? Ano?" Kuryosong tanong ni Alyssa. Halata kasi sa mukha nito na mukhang may nagpapagulo rito.
"Basta, mamaya na." Pinal na sagot niya at tutungo na sana ng hagdan ng nagsalita si Alyssa.
"Ikikiss kita pag di mo sinabi ngayon." Banta niya sa kapatid na agad umasim ang mukha.
Inakbayan ni Kian ang kapatid at may binulong ito rito na hindi talaga narinig ni Kiefer. Basta na lang bumagsak ang balikat ni Alyssa at mahigpit itong napayakap kay Kian.
xx
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)