Surprise
Nagising si Alyssa sa isang silid na halos puti ang dingding at ang mga kurtina na nakapalibot. Amoy pa lang ay sigurado na siyang nasa ospital siya. Agad siyang napabalikwas nang pumasok sa isipan ang dapat na kukuhaning exam. Ngunit mabilis siyang napigilan ng isang kamay. Nang magtama ang mga mata nila ay agad niyang binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Kiefer.
"Mahal, ichecheck ka pa raw ng doctor." Napakurap kurap si Alyssa at napapaisip kung bakit nga ba siya biglang nahimatay. Marahil ay stress lang ito o di kaya'y dahil hindi na siya nakapag agahan bago umalis o hindi kaya dahil sa naramdaman niya ng makita si Kiefer kanina.
Lumipat si Kiefer upang makaharap niya si Alyssa. "Mahal, wag ka na magalit o. Pansinin mo naman na ako, please?" Pagmamakaawa nito.
Katahimikan.
"Wala naman akong gustong palabasin, gusto ko lang talaga na samahan ka at makasama ka. Malay mo pwede rin pala ako sa coast guard. Kakayanin ko. At ang totoo niyan, hindi naman ako napipilitan. Talagang gusto ko. Pero sorry kung yun ang naramdaman mo. Sorry na naglihim ako. Sina Pao at Luigi ang lagi kong kasamang mag gym at sa pagtakbo. At kaya rin ako nagpaturo sa'yo na lumangoy, kasi lahat yun para sana dito. Pero mukhang hindi ka sang-ayon. Patawad na, Mahal. Hindi ko na lang itutuloy kung yan ang gusto mo. Sorry na please." Mahabang paliwanag niya.
Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Alyssa at panay ang iwas nito sa nobyo.
"Ma'am, excuse me po." Wika ng nurse. "Pa fill-up po ako ng ibang detalye dito, yung mga may check na lang po na hindi nasagutan ni Sir."
Habang nagsusulat si Alyssa ay agad na bumungad ang hinihingal na kapatid. "Ate Ly! Anong nangyari? Tinext ako ni Kuya Kief kaya nakabalik ako dito kaagad, buti na lang di pa ako nakakalayo. Anong sabi ng doctor?" Nang hindi ito sumagot si Kiefer na ang nagsabing naghihintay pa rin sila.
"Ate.." Lumapit si Kian sa kapatid at inilahad ang cellphone niya. Naguguluhan man ay tinanggap iyon ni Alyssa. Biglang kumabog ng malakas ang puso niya. Isa, dalawa, tatlong beses niya pa iyong paulit ulit na binasa.
"Sorry Ate, ngayon ko lang napansin na may text palang ganyan galing kay Doc nung isang araw pa." Paliwanag ni Kian na hindi na nagawang isipin pa ni Alyssa.
Hindi na niya napigilan ang paglandas ng mga luha. "Hindi, hindi pwede to." Mahinang bulong niya sa sarili. Napatayo si Kiefer. "Teka, ano ba ang nangyayari?" Gulong gulo na tanong niya sa mga ito. Bahagyang natigilan sa paghinga si Kiefer sa nabasa. Tiningnan niya si Alyssa na nagmamalabis pa rin ang mga luha. Gusto niya itong yakapin at kausapin ngunit bigla siyang napipilan at halos hindi makagalaw.
Muling humiga si Alyssa at marahas na ipinilig ang ulo, umiwas sa mga tingin ng nobyo na katulad niya ay gulat rin ang unang rumehistro sa mukha. Ang tanga naman kasi, Alyssa. Ano ka ngayon? Paano na? Ang mga plano mo? Mga pangarap?
Naputol ang pagkastigo ni Alyssa sa sarili nang may humawi ng kurtina at pumasok ang doktor. Mabilis niyang pinalis ang mga luha at inayos ang sarili. "Good morning, I'm Doctor Araneta, OB-Gyne at ni refer ka sa akin ng residente." Nakangiting pagpapakilala nito kaya magalang na tumango si Alyssa.
"Naiforward sa akin ng secretary ni Doctor Cases ang lab results mo, Iha. So for confirmatory purposes, I would like to perform an ultrasound."
Pagkasabi nun ay siyang pagpasok ng nurse na may tulak tulak na wheelchair. Agad naman siyang inalalayan ni Kiefer. Gustuhin niya mang kumontra ay hinayaan na lang niya ito. Hanggang sa paglipat sa kanya sa ultrasound table ay nakaasiste pa rin ito sa kanya.
"You are the?" Nakabinbing tanong ng doktor kay Kiefer. "Boyfriend po, Doc." Sagot niya. Tumango ang doktor at inayos ang suot na salamin bago ito kumuha ng sterile gloves. "Iha kasi 5-6 weeks ka pa lang so mas advisable kung transvaginal ultrasound ang gagawin natin para mas clear ung ma detect natin."
May kinuha siyang mahabang aparato na naka konekta sa machine at iniangat yun kay Alyssa. "Bale babalutin ko itong transducer ng gloves, lalagyan ko ng gel saka ko ipapasok sa parte mo." Napaawang ang labi ni Alyssa sa huling sinabi nito kaya mahinang tinapik ng doktor ang braso nito. "Hingang malalim lang pag sinabi kong ipapasok ko na at medyo malamig sa pakiramdam ang gel." Abiso niya. Wala ng nagawa si Alyssa kundi ang tumango.
Nang handa na at sinabihan na siya ng doktor na ipapasok na, agad na hinawakan ni Kiefer ang kamay ni Alyssa. Napangiwi siya sa sakit at hindi na niya napigilang napalakas ang pagpisil rito.
"Yang parang balloon na yan, yan ang yolk sac," Turo nito sa monitor tv. "Yan ay naka-attach kay baby para sa nutrients niya, mawawala rin yan pagdating ng 12 weeks. Well, based sa size and shape ng yolk sac, I must say healthy si baby. Nasa 6 weeks pa lang siya so ganito pa lang talaga ang makikita natin. Gusto niyo bang marinig ang heartbeat niya?" Sabay namang napatango sina Kiefer at Alyssa.
May kung anong inayos pa roon at pinindot ang doktor bago umalingawngaw ang tunog na parang kumakarera na kabayo. Napakapit si Alyssa sa sariling dibdib, pakiramdam niya lalabas na rin ang puso niya dahil sa lakas ng tibok nito. "Iyan ang heartbeat ni baby. Good, at nasa 140's siya. 140-160 beats per minute ang normal, Mommy, Daddy."
Hindi namalayan ni Alyssa na napaluha pala siya kung hindi pa iyon pinunasan ni Kiefer. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nanunubig rin pala ang mga mata ng nobyo.
Napangiti ang doctor sa nasaksihan. "Congratulations, Mommy and Daddy. It's okay, normal reaction talaga to sa first time parents, being emotional and all."
"Bilhin niyo ang mga vitamins na ito, dalhin niyo sa nurse para mabigyan kayo ng instructions. Tapos pwede na kitang ma release. Basta Mommy, iwas sa stress ha? At kung nahihiya kayong magtanong, ako na ang nagiinform sa inyong sex during pregnancy is safe basta samahan lang ng ibayong pag-iingat." Tipid na ngiti lang ang naitugon ni Alyssa dahil sa hiya kaya si Kiefer na ang nagpasalamat sa doctor.
Hanggang sa maihatid na ni Kiefer si Alyssa at Kian sa parking lot ng ospital, pare-parehas silang nanatiling tahimik. Hindi malaman kung lahat ba ng ito ay panaginip lang o talagang nangyayari.
Akmang sasakay na si Alyssa ng kotse nang pigilan siya ni Kiefer. "Mahal, pwede ba tayo mag-usap?"
Umiling lang si Alyssa saka tuluyang pumasok ng sasakyan.
xx
You know the drill, guys. Salamuch! 😉
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)