Chapter 10

1.2K 51 12
                                    

Past

Biglang nagising si Kiefer nang makaramdam ng ngalay sa braso. 9:45pm. Halos limang oras din pala silang nakatulog. Binaling niya ang tingin sa katabi at ganoon na lang kalaki ang ngiti niya. Hinaplos niya ang makinis na mukha ni Alyssa. Wala sanang magbago pagkagising niya.

Marahil ay nakaramdam ng kiliti, dahan-dahan ring nagmulat ng mata si Alyssa. Nag-init naman agad ang kanyang pisngi. Biglang pumasok sa isipan ang pinagsaluhan kanina.

"Hello, Mahal. Musta tulog mo? Okay ka lang ba?" Tanong ni Kiefer. Napailing si Alyssa kaya agad na bumalot ng pag-alala ang mukha nito. "Bakit, may masakit ba? Saan? Gusto mo bang-" Mabilis na tinakpan ni Alyssa ang bibig ni Kiefer. "Relax, gusto ko lang naman sabihing nagugutom ako."

Mabilis namang tumayo si Kiefer para ilapit sa kama ang maliit na lamesa. "Sabi ko nga gutom ka, pero mas malamig pa yata 'tong pagkain kaysa sa tainga natin, Mahal." Pagbangon ni Alyssa ay agad siyang napangiwi sa sakit. Para siyang naghiking ng dalawang bundok at naglaro ng bowling ng buong araw.

"Araaaay." Daing niya sa umatakeng kirot sa mga hita niya at ang bagay na nasa gitna nito. Dali-dali naman siyang dinaluhan ni Kiefer at tinulungang makaupo ito ng maayos. "Dito ka na lang, Hal. Ilalagay ko na lang ang mga pagkain sa maabot mo."

Tahimik nilang pinagsaluhan ang pagkain at paminsan-minsa'y nahuhuli ni Alyssa ang mga sulyap ni Kiefer sa kanya. At paniguradong ganoon na lang kapula ang mukha niya. Paulit-ulit kasi nagrereplay sa utak niya ang mga bagay bagay. Argh!

"Nginigiti-ngiti ka dyan?" Sabi ni Alyssa habang pinipigilan ang sariling ngiti. "Wala, masaya lang naman ako na kasama kita ngayon." Sagot ni Kiefer at kinindatan pa siya nito. Tingin talaga niya ay sasabog na ang mukha niya sa pagkapula.

"Nagbblush ka, Hal. Ang ganda mo lalo." Tukso ni Kiefer at agad naman nito sinalo ang tinapong tissue sa kanya. "Tigilan mo nga ako sa mga pambobola mo, Kief." Ngumiti lang ito nakakaloko.

Nang matapos kumain ay nagtabi silang nakaupo sa kama. Isinandal ang mga likod sa malamig na dingding. Naghati sila sa maliit at may kanipisan na kumot. Rinig pa rin ang malakas na ulan sa labas at ang pagindayog ng mga puno dahil sa hangin.

Inakbayan ni Kiefer si Alyssa at pinasandal ito sa dibdib niya. "Mahal, pwede ba akong magtanong? Okay lang kung ayaw mong sagutin." Tumango naman si Alyssa bilang tugon. "Una, gusto ko lang mag thank you. Hmm, hindi ka naman nagsisi di ba?"

Naramdaman muli ni Alyssa ang pagakyat ng dugo sa mukha niya. Nahihiya sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kasintahan. "Hindi naman tayo lasing kanina, hindi mo rin naman ako pinilit, so hindi. Wala naman akong dapat pagsisihan. Ay yung ipis pala ang may sala." Natatawang sabi niya.

"Salamat Hal na sa akin mo ipinagkatiwalang ibigay. Gusto ko lang din malaman mo na ikaw rin ang una ko." Mabilis siyang nilingon ni Alyssa. "Ang weird na pinaguusapan natin to pero bakit parang di ako naniniwala sa huli mong sinabi?"

"Ouch. Pero totoo nga kasi." Tinapik ni Alyssa ang dibdib ni Kiefer. "Oo na, naniniwala na ako Hal."

Bumalot ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa binasag iyon ni Alyssa. "Two weeks from now kukuha ako ng scheduled exam sa PCG." Mabilis na hinuli ni Kiefer ang tingin nito. "Philippine Coast Guard?" Gulat na tanong niya. Parang imposible. Tumango naman si Alyssa.

"Nakikinig ako, Hal." Paghihikayat ni Kiefer na umaasang sana'y kusa ng magkwento si Alyssa sa kanya.

Huminga muna ng malalim si Alyssa at umupo ng tuwid. Hinayaan naman siya ni Kiefer. "14 ako noon, nasa second year highschool habang grade 4 naman ang kapatid ko na si Kian. August nun at abala sa klase, pero kinailangan kasi nila Papa at Mama na pumunta ng Cagayan de Oro kasi nagka problema nun sa pinyahan at tubuhan namin. Tag ulan kasi tapos pineste pa ang lupa kaya naiwan kami dito sa Manila ni Kian kasama ni Manang Letty, ung kasamabahay namin."

"..Nakasanayan naman na namin na may times talagang dumadayo pa sila sa Mindanao. Namana kasi yun ni Papa na nagiisang anak lang kaya hands-on siya masyado. Pero nung araw na bago sila umalis nilalambing ko nun si Mama na iresched na lang nila ang byahe, kasi, wala namang dahilan, basta lang gusto ko na wag sila umalis. Kaso syempre hindi naman sila nakinig kahit anong pagpupumilit ko."

"..Tapos nung araw na yun hindi ko ma explain pero mabigat yung loob ko simula nung nasa school pa ako hanggang pag-uwi namin ni Kian. Nung naghahapunan na kami bigla na lang nabitawan ni Manang yung bitbit niyang plato." Hinarap ni Alyssa si Kiefer at pilit na tumawa. "Alam mo yung parang nasa pelikula Hal, may nabasag, magriring ang telephone tapos bad news yung maririnig mo? Clichè pero yun talaga mga naganap nung gabing yun."

Nag-uunahan na sa paglandas ang mga luha nito at agad naman itong pinapahiran ni Kiefer. "Ang dilim dilim ng gabing yun, ang layo ng binyahe namin mula bahay hanggang pier, hindi ko alam saan tatakbo pagkarating, kung saan namin hahanapin sila Papa. Ang alam lang namin maayos silang sumakay nun ng barko, maayos rin ang panahon, tapos biglang sabi sa balita na may kasunod daw na barko nun tapos bigla na lang yun sumabog hanggang kumalat ang apoy sa barko na kung saan sila Mama. Tapos yun, nagkagulo na, ung iba nagsitalon sa tubig." Panay ang singhot ni Alyssa kaya agad naman siyang inabutan ng tubig ni Kiefer.

"Kinukulit ko nun si Uncle Art, kapatid ni Mama na sabihin niya sa rescue team na wag titigil hangga't hindi nahahanap sila Mama. Pero bigo kami, hindi daw nila mapprioritize, kung sino daw una nilang madampot, yun na. Ang sabi pa abangan na lang namin kung may mga iaahon ng mga katawan mula sa dagat. Galit na galit ako nun at naaawa rin sa situation namin lalo na kay Kian. Tatlong araw, ganun katagal kami naghintay bago kami nakatanggap ng tawag."

Tumingala si Alyssa sa pag-asang titigil na rin ang pag-agos ng mga luha. "Pinilit kong tatagan ang loob ko nun habang nasa sasakyan papuntang pier, sa akin nakakapit si Kian nun eh, kailangan kong maging malakas para sa kanya, pero bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko nang makitang magkatabi sila Papa at Mama, nakahiga sa malamig na semento, walang buhay, nangulubot na ang balat dahil sa ilang araw ng nakalutang sa tubig."

Niyakap ni Kiefer si Alyssa ng mahigpit. "Nabuhay ang galit ko nun, lalo na nung narinig ko na kaya raw natagalan hanapin kasi napagod na rin ang mga rescuers. Paano kung hindi sila tumigil, siguro buhay pa ang mga magulang ko, siguro kung di nila inuna yung pagod nila, hindi kami mauulila ni Kian."

"..Sinumpa ko ang araw na yun, sa harap ng mga magulang ko na pag nagtapos na ako ng pag-aaral magttraining rin ako sa PCG at sinusumpa kong magiging magaling ako, na gagawin ko lahat ng makakaya ko para wala ng bata ang magiging ulila gaya namin ng kapatid ko." Buong tapang at galit na sabi nito.

Hinarap niya si Kiefer. "Okay lang naman sa'yo na mawawala ako ng 6 months para sa training, di ba Hal? O masyado ba akong naging selfish na sinagot kita kahit pa alam ko naman una pa lang na aalis ako?"

Napanganga si Kiefer. Hindi mahanap kung ano ba dapat ang tamang isasagot.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now