Chapter 35

984 52 10
                                    


Dalawa

ISPIGI

Sumisipol sipol pa si Kiefer habang paakyat ng hagdan. Kinakalma ang sarili dahil sa isipan ay may hinala na siyang baka may kung ano na namang trip gawin sa kanya si buntis.

Pumasok siya sa silid nila na ubod ng lamig ngunit napakadilim naman. Bubuksan na sana niya ang ilaw para hanapin si Alyssa nang bigla itong sumulpot sa harap niya at agad na nilapat ang labi sa labi niya. Agad na hinapit ni Kiefer ang bewang ni Alyssa habang ang isang kamay ay isinara ang pinto saka sila naglakad papunta sa kama na hindi pinuputol ang halikan.

Mapusok niyang hinalikan si Alyssa habang ang mga kamay ay naglalakbay sa katawan ng nobya, dinadama ang maseselang bahagi. "Mahal, sabihan mo na akong tumigil ngayon pa lang, mauunawan ko naman." Sabi ni Kiefer ng sandaling humugot ng hininga. Mabilis siyang tinulak ni Alyssa kaya naman napaupo siya bigla sa dulo ng kama. "Shut up, Mahal." Iritadong sagot nito saka siya kumandong ng paharap rito.

Muli silang naghalikan at naglaban ang mga dila at sabay na tinatanggal ni Kiefer ang saplot ni Alyssa. Agad na napangiwi si Alyssa nang di sinasadyang tumama sa naninigas niyang nip*ples ang daliri ni Kiefer. Mas naging sensitibo kasi ito ngayong buntis siya.

"Kief.." Ungol niya ng mahinang hinimas at pinisil ni Kiefer ang mayayaman niyang dibdib. Bigla pa siyang napahiyaw nang binuhat siya ni Kiefer at maingat na inihiga sa kama.

Napakagat labi siya habang minamasdan ang pag hubad ni Kiefer sa harap niya. Muli siya nitong sinunggaban ng mainit at mapusok na halik na sinuklian niya sa ganoon ring intensidad. Mas lalo pa siyang napaliyad ng bumaba ang mga halik nito sa leeg niya. Hindi niya mapigilang mapasabunot sa buhok ni Kiefer nang pinagsalit salit nito ang paghimas sa dibdib at pagsipsip sa sensitibo niyang nip*ples.

Napatingala siya sa kisame nang maramdamang mas bumababa na ang mga halik ni Kiefer sa kaselanan niya. Lalo na nang ipasok ni Kiefer ang daliri sa hiyas niya, isa, tapos dalawa, at di kalauna'y dahan-dahan ng pinasok ang sandata niya. Hindi malaman ni Alyssa kung saan pa kakapit ng unti-unting bumilis ang pag-ulos ni Kiefer habang ang isang kamay nito ay nasa may uluhan ni Alyssa, pinoprotektahan na hindi siya tumama sa headboard ng kama.

Napuno ng mga ungol nila ang silid at parehas na bagsak ang mga katawan pagkatapos ng mainit na pinagsaluhan. Maayos naman siyang kinumutan ni Kiefer saka tumabi ito ng higa sa kanya.

"I love you, Mahal." Sabi ni Kiefer at pinatakan ito ng halik sa noo.

"I love you, too, Mahal." Nakangiting tugon nito.

Patagilid na humiga si Kiefer. Ang isang braso ay ginawang unan ni Alyssa habang ang isa naman ay malayang nilalakbay sa katawan nito hanggang sa nakarating ito sa tiyan. "Sa tingin mo ba, Mahal, nakahabol tayo ng kambal?" Biro ni Kiefer kaya natawa si Alyssa.

"Expectations hurt, Mahal. Seryoso ka ba diyan?" Niyakap siya ni Kiefer ng mahigpit. "Joke lang yun, pero syempre kung ano ang ibibigay sa atin ng Diyos, syempre tatanggapin natin. Isa ba o kambal o kahit pa triplet eh." Agad siyang hinampas ni Alyssa, "Wow, ikaw ba ang iire ha?" Umiling si Kiefer. "Kaya nga ngayon pa lang gusto ko na mag thank you, Mahal kasi dadalhin mo ang baby natin sa loob ng nine months, tapos yung iire ka pa at titiisin ang sakit ng panganganak. Kaya, thank you, Hal. Ka lodi-lodi ka dahil diyan." Biro ni Kiefer rito.

"Mas ka lodi-lodi ka kaya. May pa withdrawal pero nakabuo?" Natawa si Kiefer sa naturan ni Alyssa pero agad din naman itong sumeryoso. "Uhm, may pagsisisi ka ba, Mahal?" Mabilis na umiling si Alyssa. "Blessing nga ito si baby, Mahal. Saka parang ang sarap isipin na pag nag 30 tayo eh 8 years old na si baby. Tapos malapit talaga kami sa isa't-isa, kasama ko magshopping, mag salon, kakain sa mga paborito naming kainan.." Matalim siyang tinitigan ni Kiefer kaya napatigil ito sa pagsasalita. "Wait lang, Mahal, wala ata akong participation sa lahat ng yan." Tampong sabi ni Kiefer.

"Meron naman, Mahal. Hindi mo ako pinatapos eh. Syempre sa'yo kami hihingi ng pera para sa lahat ng yun tapos ikaw din ung maghahatid at susundo sa amin." Natatawang biro ni Alyssa at mas lalo pa itong natawa nang simulan siyang kilitiin ni Kiefer.

"Gusto mo talaga girl, Mahal?" Tanong niya rito kaya tumango siya. "Pero syempre okay lang din pag boy. Ikaw ba, Mahal?" Pinagmasdan muna siya ni Kiefer. "Kahit ano na ipagkaloob ni Lord sa atin, okay lang sa akin basta ngayon pa lang, love ko na si baby. Kayo ang priority ko, Mahal. At gagawin ko din ang lahat basta mabigay ko ang lahat ng mga pangangailangan niyo, mabigay kaligayahan niyo. Tapos kahit anong gusto niya paglaki niya, tatrabahuhin ko yun. At susuportahan syempre." Pangako niya rito. Ngumiti si Alyssa at pinunasan ang luha. "Swerte naman namin ni baby sa'yo." Napangiti si Kiefer, naglalakbay ang isip sa pang hinaharap, bumubuo ng mga pangarap para sa kanilang pamilya. Nang lingunin niya ang katabi ay mahimbing na pala ang tulog nito.

Tinawagan niya lang saglit ang OB ni Alyssa at saka nag set ng appointment rito. Gusto lang niya kasi talagang manigurado.

Naglalakad na sila sa loob ng pasilyo ng ospital nang sinulyapan ni Alyssa si Kiefer. Mas mukhang kabado pa ito kaysa sa kanya. Pinisil niya ang magkahawak nilang kamay kaya tiningnan siya ni Kiefer. "Okay ka lang, Kief? Para kang natatae na ewan." Biro nito at pilit na pinapagaan ang loob. "Grabe ka talaga sa akin, Mahal. Hindi ba pwedeng excited lang?"

"Valdez, Alyssa?" Tawag ng sekretarya ni Doctor Araneta kaya halos sabay na napatayo sina Kiefer at Alyssa. Nakangiting sinalubong sila ng doktor habang lihim niyang sinusuri ang kabuuan ni Alyssa.

Inalalayan siya ni Kiefer na makahiga ng maayos sa OB table. "Tingnan natin kung tama ba ang hinala niyo." Saka kinuha ang tape measure at ang fetal doppler. "Mommy, lagyan ko lang ng gel." Paalam nito kay Alyssa.

Agad na nahanap ng doktor kung saan ang heart beat ng baby. Gaya lang rin noong una niyang bisita rito. Samantalang medyo natagalan pa siya maghanap kung meron pa ba talagang isa pa. Kunot noo itong ginalaw galaw sa tiyan ni Alyssa ang hawak na aparato. Kaya agad na lumiwanag ang mukha nito ng makumpirma na talagang dalawa nga ang hearbeat. Nilakasan niya pa ang volume noon at pinagpalit palit sa dalawang locasyon ng tiyan ni Alyssa. Hindi naman makapaniwala si Alyssa na totoo nga ang hinala ni Kiefer.

"Mukhang tama nga si Daddy." Nakangiting tinignan ng OB si Kiefer na hindi maitago ang ngiti sa labi. "Sa ngayon, sure talaga tayong dalawa sila. Pero mas mainam talagang sa ika-limang buwan mo saka tayo mag ultrasound ulit para mas malinawan tayo.. You can continue with your usual daily activities, Alyssa pero syempre doble ingat lang din sa bawat kilos." Bilin pa nito.

Halos lumilipad sa alapaap ang dalawa nang umalis sila sa clinic at halos mapunit na ang mga labi dahil hindi mawala-wala ang mga ngiti nila.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now