Chapter 7

1.2K 45 8
                                    

Secrets

Nahihiyang yumuko si Alyssa. Takot sa mga matang mapag akusa na ipinukol ni Kiefer. Hindi naman kasi talaga siya naglihim, hindi pa lang niya nasasasabi. Ang alam niya magkaiba yun.

Ngunit desidido na siyang sabihin ang lahat ngayon. Ibabahagi na niya ang kwento ng buhay niya. Ibubuka na sana niya ang bibig nang nakarinig ng eskandalosong ring ng cellphone.

Inangat ni Ella ang kanang kamay, "Oops sorry guys that's mine. Wait lang." Mabilis naman niya itong sinagot.

Nang matapos ang tawag ay agad itong tumingin kay Alyssa. "Besh, Auntie Delly mo yun. Pinapauwi ka na. Bakit daw di mo sinasagot ung phone mo."

Gustuhin mang mainis ni Alyssa, pinili na lang niyang manahimik. Anak ng wrong timing naman talaga, oo.

Tahimik silang lahat ng makasakay sa service ni Pao. Gusto sanang lambingin ni Alyssa si Kiefer ay ramdam niyang malamig ang tungo nito sa kanya. Pakiramdam ata talaga nun ay naglihim siya. Nais niyang magkwento at ayusin na agad ang di pagkakaunawan pero uunahin na muna niya itong tiyahin niya. Napakamot na lang siya ng ulo sa inis.

"Ly, ang tagal na nating magkaibigan pero never mo pa kami naimbita sa bahay niyo." Biglang bulalas ni Luigi.

"Aah, gutom na ba kayo guys? Stopover muna tayo para kumain?" Nagaalinlangan na alok niya.

"Hindi naman sa ganun Ly. Hatid ka na lang namin sa inyo kasi hinahanap ka na. Natanong ko lang naman yun." Paliwanag ni Luigi.

"Uhm, Pao? Paki bilisan mo na lang ang pag drive para after ni Ly, ako naman i-drop niyo. Medyo may himagsikan sa loob ng tyan ko eh." Natatarantang sabi ni Ella sabay lihim na kumindat kay Alyssa.

Maging kay Ella wala pang kinukwento si Alyssa tungkol sa personal niyang buhay. Ganunpaman nagpapasalamat pa rin siya dito na handa itong pagtakpan siya kahit hindi naman niya iyon hinihingi.

Naramdaman na lang niyang tinapik ni Ella ang binti niya. Tanaw na niya ang bahay nila kaya nabuhay naman ang inis sa puso niya.

"Salamat guys. Pasensya na talaga. Una na ako." Paalam ni Alyssa nang makababa siya ng sasakyan. Minsan niya pang sinulyapan si Kiefer pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito.

"You're welcome Ly." Sagot ni Pao at tinanguan siya nito. Tinapik pa niya ang gilid ng sasakyan at saka pinagmasdan pa ang papalayong anyo nito.

"Oh oh huwag na huwag niyo akong tingnan ng ganyan, mga epal na chonggo kayo!" Sabi ni Ella sabay takip sa mukha niya.

"Els, yung totoo nga? Saan ba mga magulang ni Ly? Ilan silang magkakapatid?" Tanong ni Luigi habang malalim ang iniisip at naghahanap pa ng kung anong itatanong.

"Guys, kahit ako ang bestfriend ni Ly mula first year college, never naman siya nagkukwento ng ganung level. I mean you know, hindi ko lang din mahanap ang rason para maghalungkat. Bestfriends oo pero I think iba pa din ang may personal space." Sagot ni Ella sa tatlo.

Napakamot naman si Pao sa noo niya. "Come to think of it nga ano, lahat tayo alam ang bahay ni Ly pero ni isa sa atin never pang nakapasok?" May pag aalinlangan niyang tanong. Tumango naman si Ella at Kiefer na nakaupo sa likuran.

"Ikaw ba Kief?" Tanong ni Luigi. "Alam ko lately lang kayo naging official pero di ba two years din kayong nasa M.U stage, wala ba siyang nasasabi?"

"Hindi ko na rin maintindihan tong nararamdaman ko. Nung kumain tayo sa Cafe last time, doon pa lang ramdam kong may tinatago sa akin si Alyssa.. Okay, may hindi na lang sinasabi. Pampa konsuelo na lang sa sarili ko." Natigil siya saglit.

"Tapos noong hinatid kami ng Uncle niya papuntang resort, naramdaman ko ulit na may pinaguusapan silang hindi ko mawari. Alam ko naman minsan na din ako nagtago sa inyo, pero iba naman un. Trauma ko yun eh na pilit kong tinatago at nilalabanan." Agad naman siyang tinapik ni Ella sa braso.

"Tama na guys. Unfair naman kay Alyssa at wala siya dito para ipagtanggol ang sarili niya. I think ang magagawa lang natin is maghintay, maghintay na kusang si Ly na ang mag open up sa atin." Muli niyang hinarap si Kiefer. "Kief, lawakan mo na lang pang-unawa mo ha?" Tumango lang ito at sabay sabay na silang natahimik sa kawalan.

++

Nadatnan ni Alyssa ang kapatid na si Kian sa sala na nagsisintas ng sapatos. Agad naman itong nag angat ng tingin sa kanya nang naramdaman ang presensya niya.

"Ate.." Ngumiti at tumango si Kian. "May group project lang kami sa school, ate. Okay lang po ba?"

Agad na ginulo ni Alyssa ang buhok ng kapatid. "Oo naman, basta school stuff priority yan." Inis namang inayos iyon ni Kian. "Ate naman eh, huwag naman yung buhok ko. Alis na muna ako." At agad naman itong tumakbo palabas.

Natawa si Alyssa. Nagbibinata na nga talaga ang nagiisa niyang kapatid. Ni ayaw na magpahalik sa kanya. Agad naman naglaho ang ngiti sa labi ng marinig ang kinaiinisang boses.

"Ly, nakarating ka na pala."

Mabigat ang mga yapak na lumapit ito at nagmano sa tiyahin. "Bakit niyo nga po pala ako pinapauwi bigla, Auntie?"

"Ay ayun ba. Naputulan kasi tayo ng kuryente kaninang umaga. Nakiusap ako sa taga Meralco na gagawan ko ng paraan at huwag na muna nila putulin kaso wala eh." Agad naman itong nilahad ang palad sa harap ni Alyssa.

Kung pwede lang bumuga ng apoy ay kanina pa ginawa ni Alyssa. Nang kilabutan naman ng kahit kaunti ang tiyahin niya. Kung hindi lang talaga ito kapatid ng nanay niya ay baka hindi na niya ito matantiya. Respetuhin ang nakakatanda, Alyssa. Paalala niya sa sarili.

"Auntie, di ba tuwing ika-bente ng kalendaryo ay nagbibigay na ako ng sapat na halaga para sa bills at pang grocery nating apat—"

"Aba't sinisimulan mo ba ako sa pagbibilang ha Alyssa? Baka nakakalimutan mong ako ang—"

Napabuntong-hininga si Alyssa. "Hindi po ako nagbibilang. Ang sa akin lang po kung ano yung naka budget na, doon na po natin ilaan. Ang alam ko nga po may sobra pa sa ginagawa kong pag budget eh. Saan po ba napunta ang dapat eh bayad sa kuryente?"

Mabilis namang umupo ang ginang at umiwas sa tingin ng pamangkin. "Akala ko kasi suswertehin ako ngayong araw, ayun talo sa sugal. May sa malas ung bangkero kanina—"

Napasigaw bigla sa inis si Alyssa. "Please lang po Auntie Delly. Ayoko ng maulit to."

Mabilis siyang tumalikod para makaiwas sa kung ano pa man at ayaw niyang magsisi kung may maibigkas na masasakit na salita.

"Ang yabang mo Alyssa! Wala ka pang nararating. Wala pa! May pera ka nga, kayo ni Kian, pero yun lang ang maipagmamayabang mo." Walang tigil na sigaw sa kanya.

Inis na inis na tinungo ni Alyssa ang gate. Kailangan niya makalanghap ng sariwang hangin.

At kung minamalas ka nga naman. Ang likod pa ng hindi makasundong pinsan ang makikita niya. Arghh!

"You can call me Trey or T sounds cute." Malanding pagpapakilala nito sa kung sino mang kausap. Dito pa talaga napiling kumerengkeng.

Desido na siyang lagpasan ito. Wala siya sa mood para maging mabait. Isa pa ay natatakam na siya sa kakaisip ng milktea at brazo cups, ang comfort food niya. Pero ganoon na lang ang gulat niya sa kausap ng pinsan.

"Ly..."

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now