Chapter 8

1.2K 43 6
                                        

Ulan

Mas bilisan pa niya ang lakad niya. Patungo sa kung saan man siya dalhin ng mga paa niya. Mainit ang ulo niya mula sa Auntie niya hanggang sa pinsan niyang si Teresita, o sa pinipilit niyang Trey o T na alyas. Alin man sa tatlo, umaalingawngaw pa rin ang baho ng ugali ng anak ng Auntie Delly niya. Mga mapamantala, kadugo pa mang naturingan. At mas lalong ikinainit ng ulo niya ang nakitang kausap ng pinsan.

"Ly, stop! Kausapin mo na muna ako."

Mas lalo yata siyang nainis sa narinig kaya tumigil siya at hinarap ito. "Aba, kanina nung bumaba ako ni hindi mo man lang nga ako tiningnan ah?" Inis na sabi niya.

"Kaya nga Mahal, andito ako para kausapin ka. Sorry na please? Bati na tayo?" Sabay na inabot ang extrang helmet.

Hindi naman iyon tinanggap ni Alyssa bagkus ay humalikipkip pa ito at tiningnan ng seryoso si Kiefer. "Teka nga bakit naka motor ka? Kanino yan?"

"Kay Papa, hiniram ko lang kasi nagbabaka sakali akong maaya kitang ma date. Kaya please huwag na magalit, Mahal." Tumayo naman si Kiefer at mabilis na lumapit sa nobya.

"Hindi ako pupwede. May lakad ako eh." Agad namang nahulog ang mga balikat ni Kiefer sa narinig. "Saan ba? Ihahatid na lang kita, please?"

"Kailangan kong magbayad ng kuryente namin kasi pinutulan kami kanina, napakagaling kasi nung Auntie kong yun." Gigil na sabi niya.

Sinuot ni Kiefer ang helmet kay Alyssa at maayos na iniadjust ang lock noon. "I'll be your driver and slave today, Mahal. Sakay na."

Mabilis namang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Alyssa. Nang makapwesto na ito ay biglang umusbong ang kaba sa dibdib niya. Kaya mabilis siyang nilingon ni Kiefer. "Safe ka sa akin, Mahal." At saka iginiya ang dalawang kamay ni Alyssa sa bewang niya. Nangiti pa siyang maluwag ang pagkakahawak nito.

Mabilis na pinaharurot ni Kiefer ang motor kaya naramdaman niya agad na humigpit ang kapit ni Alyssa. "Dahan dahan nga Kief!" Biglang hampas ni Alyssa sa balikat niya. "Joke lang kasi Mahal, napaka seryoso mo eh."

Habang nasa pila ay halata pa rin ang pagkairita sa mukha ni Alyssa. "Kapag patuloy ka pa rin sa pagiging inis, ikikiss talaga kita dito." Bulong niya dito. Napaderecho tuloy ng tayo si Alyssa at pinilit na ngumiti. "Hindi ngiting natatae, Mahal." Muli ay udyok niya. Bigla namang natawa si Alyssa sa narinig. "Ayan, mas maganda ka talaga pag nakangiti, Mahal."

"Type mo ba, Kief?" Tanong ni Alyssa habang pinapaypay ang resibo sa mukha. "Two years na kitang type, Mahal. Bakit mo natanong bigla?"

"Si Trey tinutukoy ko. Mukhang type ka ata ng pinsan ko." Agad namang pinisil ni Kiefer ang tungki ng ilong ni Alyssa. "Selos agad Mahal? Hinanap lang naman kita kanina tapos tinanong niya ako kung sino raw ba ako tapos nagpakilala siya. Yun lang."

Tumango lang si Alyssa. Dapat talaga mapigilan niya ang pagpunta punta ni Kiefer sa kanila. Trey is bad news. Bad, bad news.

"So, pwede na ba kita i-date Mahal?" Tanong ni Kiefer nang sa wakas ay natapos rin sila sa pagpipila at pagbayad. At anumang oras ay ikakabit na daw ulit ang linya nina Alyssa sa bahay. "Hmm, sige nga saan mo ako dadalhin?"

Inakbayan ni Kiefer si Alyssa sabay ng pag akyat nila sa escalator. "Ano nga kaya ang magpapasaya sa'yo? Tingin ko oreo matcha milktea grande plus half dozen brazo cupcakes!" Agad namang lumiwanag ang mukha ni Alyssa. Hinding hindi yata niya pagsasawaan ang mga yun.

Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain. Gustuhin man niyang itanong ang mga plano ng nobya, hindi ata niya kakayaning mawala ang sigla na mayroon ito ngayon. Ipagpapaliban na lang muna niya siguro.

"Mahal, hindi ko alam na may pagka chismoso ka pala. Ikaw ha." Tukso ni Alyssa sa kanya habang ang tingin nila ay nakatutok sa pintuan ng cafe. "Grabe naman Mahal, chismoso agad? Hindi naman. At hindi ko rin naman gustong maging manghuhula. Mula bata ako gustong gusto kong tinitingnan lang ang mga tao tapos huhulaan kung ano ba ang ginagawa nila sa buhay, anong trabaho, anong sikreto."

Pinunasan ni Kiefer ang gilid ng labi ni Alyssa. "Parang people reader? May ganun bang tawag? O parang human tracker?" Natawa si Alyssa sa mga pinagsasabi. "Pero parang ang creepy Mahal, parang ang labas jinajudge natin sila."

Nagkibit balikat lang si Kiefer. "Pampalipas oras lang naman Mahal. Anyway, saan mo gusto pumunta tapos natin dito? Roadtrip tayo?"

"Ikaw Mahal? Pero parang gusto ko din yun. Ayoko pa munang umuwi eh." Inabot ni Kiefer ang helmet sa kanya. "Naiinis ka na naman Mahal, tingin ko gusto mo talaga ng kiss eh." Natawa bigla si Alyssa. "Daming alam, tara na nga."

Walang saktong direksyon ang tinatahak nila. Gusto lang nilang enjoyin ang hangin at mga tanawin. Nang may makitang isawan ay magiliw silang kumain hangga't nanawa sila. Pagkatapos ay naghanap naman ng mabibilhang buko shake.

Naisip ni Kiefer na dalhin si Alyssa sa dagat, maibsan man lang ang bigat na dinadala nito gawa ng problema nito sa Auntie at pinsan niya.

"Mahal, saan na ba tayo? Parang labas na ito ng Manila. Sure ka bang kakayanin mo mag drive?" Tanong ni Alyssa na palinga-linga ito sa paligid. "Relax Mahal. Kumapit ka lang dyan."

Hinayaan na lang ito ni Alyssa. Ngunit medyo nabahala siya nang biglang lumakas ang hangin at nang tumingala siya ay ganun na lang kaitim ang ulap na kasalubong nila. Naramdaman naman niyang pinapakapit siya ni Kiefer ng hawak sa bewang nito.

At habang mabilis na pinapatakbo ni Kiefer ang motor ay siya ring papalaki ang patak ng tubig ulan. Mas binilisan pa ni Kiefer ang takbo, umaasang may masisilungan man lang sila pero ganoon na lang ang dismaya niya dahil nasa gitna sila ng highway.

Nang sa wakas ay may nakitang isang sari-sari store, hindi na nagdalawang isip pa si Kiefer na makisilong. Parehas silang basang-basa ni Alyssa. "Sorry talaga, Mahal." Pilit naman niya itong tinutuyo gamit ang kanyang panyo. "Okay lang Mahal, di naman natin alam na uulan ng ganito."

Matiyaga nilang hinintay na tumila ang ulan. Ngunit wala nga ata itong balak tumigil. Mas malakas pa ang naging buhos nun kasabay ng malakas na hangin. Hindi nagtagal ay mabilis ding umakyat ang baha hanggang tuhod nila.

Nagsimula ng kabahan si Alyssa ngunit pilit niya itong itinago kay Kiefer. Ayaw naman niyang sisihin ito sa sinapit nila. "Naku Iho, Iha, mukhang masstranded talaga kayo dito. Bahain kasi talaga itong lugar namin dito. Taga saan ba kayo? Tanong sa kanila ng ale na nagbabantay ng tindahan.

"Ganun ho ba 'Nay. Parehas ho kaming taga Quezon City. Hihintayin na lang po naming tumila to saka kami bbyahe pabalik." Sagot ni Kiefer at nagsisimula ng magdasal na sana'y tumigil na ang buhos nito.

"Kung ako sa inyo magpalipas na lang kayo ng gabi. Mas delikado kung pipilitin niyong bumalik at mas lalo kayong ma trap sa daan. Gustuhin ko mang alukin kayo eh wala talaga kaming espasyo rito sa bahay namin." Agad namang nagtinginan si Kiefer at Alyssa. Parehas na nag-iisip ng solusyon.

"Kung nanaisin niyo, sa susunod na kanto mula rito may maliit na travel inn riyan, pwede kayo magpalipas ng gabi doon. Ay excuse me muna," Saad ng ginang saka inasikaso ang bagong dating na customer.

Lalo pa ngang rumagasa ang ulan kasabay ng malakas na ihip ng hangin. At parehas na rin nilang ramdam ang pag nginig ng mga katawan dahil sa mga basa nilang damit.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now