Chapter 22

978 48 14
                                        

Banta

Sabay na kumawala sa pagkakayakap sina Kiefer at Alyssa at ibinaling ang mga tingin sa pinanggalingan ng boses. Agad na napakanunot ng noo si Alyssa sa estrangherong nasa harapan.

"Magandang umaga, Ma'am ako po si Luring, yung pinadala po ng Uncle Art niyo na maninilbihan po rito." Napaisip ito sa narinig dahil wala namang nabanggit si Kian tungkol rito. "Mahal, nasabi to ni Kian sa akin kagabi." Imporma ni Kiefer.

Sasagot pa sana siya nang dumagundong ang isang malakas na baritonong boses. "Alyssa?" Kumaripas ng takbo si Alyssa sa pinto at sinalubong siya ng malaking yakap ng tiyuhin. Masuyo nitong hinagod ang likod ng pamangkin kaya hindi naiwasang maluha at maging emosyonal ni Alyssa.

"Uncle Art, si Auntie Delly..." Sumbong niya sa gitna ng pag-iyak. "Tahan na, Ly. Ako na ang bahala sa lahat, magbabayad siya sa lahat ng ginawa niya sa'yo at kay Kian." Yakap-yakap pa rin siya nito habang ginigiya na maupo sa sofa. Mabilis naman na nag-abot si Kiefer ng tissue sa nobya habang inaalo pa rin ito ng tiyuhin.

"Good morning po, Sir." Magalang na bati ni Kiefer. Tumango ito. "Salamat nga pala sa pag-aalaga dito kay Alyssa at sa pagsama mo sa kanila dito, Kiefer. Naikwento ni Kian sa akin ang mga nangyari."

"Uncle Art, ano po ang plano niyo?" Tanong ni Alyssa nang medyo kumalma na ito. "Kakasuhan natin siya Ly at sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan. Sa ngayon mag fi-file muna tayo ng restraining order na bawal sila ni Trey na lumapit sa'yo at kay Kian." Tumango si Alyssa, iyon rin talaga ang pinakagusto niyang mangyari.

Naputol ang pag-uusap nila nang dumating si Kian. Agad itong nagmano sa tiyuhin at yumakap sa kapatid. "Uncle, nagtext po pala ung police officer. Nahanap na raw po si Manang Letty." Hindi lubos maipaliwananag ni Alyssa ang galak sa balitang narinig.

"O, eh di magsikilos na kaya kayo at pupunta tayong presinto." Anunsyo ng tiyuhin. Awtomatiko namang nagkatinginan sina Kiefer at Alyssa at hindi iyon nakatakas kay Art. "Kian, pahiramin mo na muna ng damit itong si Kiefer para sabay sabay na tayong pumunta."

Napayakap agad si Alyssa rito dahil doon. "Thanks Uncle." Nginitian siya nito. "Alam ko naman na gusto mong nasa tabi mo siya mamaya. At gagawin ko ang lahat para lang bumalik na yang ngiti mo."

++

Agad na sinugod ng yakap ni Alyssa si Manang Letty nang madatnan ito sa entrada ng presinto. "Ly, ly, pasensya na talaga kayo at umalis ako ng wala man lang paalam, patawad na iniwan ko kaya ni Kian. H-hindi ko kaya ang ginawa nila sa akin, Ly." Sambit nitong umiiyak na agad ring niyakap si Kian nang nakapasok ito.

"Manang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil kami rin ay hindi tinrato ng maayos ni Auntie. Pero huwag ka po mag-alala, pagbabayarin natin ang mga ginawa niya sa'yo at kay Ate." Sabi ni Kian na gumagalaw ang panga sa galit.

Nanlaki ang mata ni Letty, walang ka ide-ideya sa sinapit ni Alyssa. Kaya hindi niya mapigil ang mga luha nang ikwento iyon ni Kian. "Dahil sa nalaman ko at dahil na rin kasama ko kayo ngayon, mas pursigido akong isampa ang kaso. Hinding hindi na ako magpapasindak." Buong tapang na sabi niya.

Bigla naman nagkagulo ang mga tao sa mga bagong dating. "No, no! Hindi niyo pwedeng ikulong dito si Mommy!" Nag-aalmang sigaw ni Trey habang pinipigilan ang isang pulis na hawakan ang ina nito. "Ano ba! Get your hands off her!" Maarteng sabi at saka hinawi ang kamay ng isang opisyal.

Matalim niyang tiningnan si Alyssa at Kian. Nanlilisik ang mga mata sa galit. "You can't do this, Alyssa! Gagawin ko ang lahat mapawalang sala lang ang Mommy." Tiningnan lang siya ni Alyssa ng walang emosyon.

Hindi naging madali ang pag proseso. At dahil medyo matatagalan pa bago matapos pinayuhan na lang ni Art si Alyssa na mas mabuting mag-antay na lang sa sasakyan.

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now