Wala
"Ma'am, kanina pa po tayo paikot ikot. Saan niyo po gusto magpababa?" Tanong ng taxi driver kay Alyssa habang sinusulyapan ito sa salamin. Sinilip nito ang suot na relo. Lagpas trenta minuto na nga silang tumatakbong walang direksyon.
Binaling niya ang tingin sa labas ng bintana at pinagmasdan ang kaabalahan ng mga tao at mga sasakyan. "Kuya, sa Paraiso Garden na lang po." Sambit nitong hindi man lang inaalis ang tingin sa mga dinaraanan, hindi na rin niya namalayang nakaidlip siya kung hindi pa siya nakaramdam ng ngalay sa kaliwang bahagi ng leeg.
"Ma'am, bibili po ba kayo?" Tanong ng driver nang malapit na sila sa entrada, tinutukoy ang mga tindang bulaklak at kandila na nakahilera sa gilid ng kalsada.
Agad na bumaba ang tsuper at pinagbuksan si Alyssa. Inalalayan niya itong makababa ng maayos saka iniabot ang mga binili. "Salamat, Kuya ha, sa inyo na po yang sukli." Sabi ni Alyssa at iniabot ang pera rito. "Salamat din, Ma'am. Gusto niyo bang hintayin ko na lang kayo? Medyo madilim na rin po." Mungkahi ng driver nang naisara ang pinto ng pinagbabaan ni Alyssa. "Hindi na siguro Kuya, salamat."
Mabilis na sinusian ni Alyssa ang museleo ng pamilya. Isang beses sa isang buwan ay may tagalinis na nagpupunta para mapanatili ang lugar. Inilapag niya ang dalawang basket ng mga bulaklak saka nag sindi ng dalawang puting kandila. Umusal siya ng maikling dasal bago hinila ang upuan palapit sa puntod ng mga magulang.
"Papa, Mama, miss na miss ko na po talaga kayo. Paano kaya kung andito pa kayo? Sigurado akong sinamahan niyo ako sa ospital kanina pagkatapos Papa sasabihin mong magiging Mommy na talaga ang nag iisa kong prinsesa.. at mag ddrama ka pa. Tapos Mama, alam kong yayakapin mo ako ng mahigpit na mahigpit na hindi ko mararamdaman ang sakit at lungkot." Sabi nito sa basag na boses at kumuha ng tissue sa bag. "Pa, Ma, pinipilit ko po talagang maging matapang at malakas para tanggapin ang sitwasyon."
Nagsimula ng maglandas ang mga luha nito. "Pero Ma, Pa, masakit na masakit po eh. Bakit nga ba ganito? Binigyan nga po kami ng dalawa pero kasi ngayon pa lang.. bakit parang nagdudusa na ang isa sa kambal. Ang bigat bigat po sa loob. Baka naman kasi mali lang yung doktor. Bakit kasi sa baby ko pa? Wala naman akong ginawang masama para ganito ang ibigay ng mundo sa akin. Sana ako na lang ung bigyan ng sakit at hindi na lang itong inosenteng anak ko."
Bumuga ng isang marahas na hininga si Alyssa at isinandal ang likod sa upuan. Hindi pa rin matapos tapos ang pag agos ng mga luha sa mata.
++
Alas otso nang napasugod kina Alyssa ang buong pamilya ni Kiefer. "Kief, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo kanina kaya minabuti na naming makapunta agad dito. Anong yung sinasabi mong nawawala si Alyssa? Paano?" Natatarantang sabi ni Mozzy.
Hinagod ni Bong ang likod ng asawa at pilit itong pinapakalma. "Ano ba ang nangyari? Nag away ba kayo? Baka nagpapalamig lang yun." Sabi ng ama pero mabilis na umiling si Kiefer at nagsimula ulit sa pagtawag kay Alyssa.
"Hindi kami nag away, Ma, Pa... Bale.. Galing kasi kaming OB kanina tapos ano.." Hindi matuloy ni Kiefer ang sinasabi dahil nagsisimula ng manubig ang mga mata nito na siyang nagpabahala bigla kay Mozzy. Hinila niya ito para makaupo. "Anong nangyari, nak?"
Humugot ng malalim na hininga si Kiefer at mahinang napahilot ng sentido. "Medyo may hindi po kasi magandang resulta pero kung maaari sana si Alyssa na lang ang magsabi pagkahanda na po siya. Ang kinababahala ko kasi, ni hindi ko man lang siya nakitaan ng reaksyon kanina bukod sa tahimik lang siya." Kinuha ni Dani ang cellphone ni Kiefer at siya ang sumubok na tawagan muli si Alyssa.
"Ano ang nangyari pagkatapos niyo sa ospital?" Tanong ni Thirdy sa kapatid kaya kinwento niya ang pagiging tahimik at pag iwas ni Alyssa. "Ang paalam niya kay Ate Luring lalabas lang at magpapahangin muna kasi puro palpak yung nagawa niya kanina. Pero Ma, 4pm pa yun, apat na oras na ang lumipas. Kanina tinawagan ko si Ella at ilan sa mga kaibigan nila pero hindi naman daw sila kinontak ni Alyssa."
Kumunot ang noo ni Bong, malalim ang iniisip. "Si Kian ba? Tawagan mo nga, Dani." Utos ng ama rito.
Tumayo si Kiefer at nagsimulang maglakad lakad. "Kanina ko pa tinatawagan kaso nagriring lang eh, duty yata yun. Pero try mo ulit, Dans." Halata ang frustration sa boses habang iniisip ang mga lugar na posibleng puntahan ni Alyssa.
Agad na tumayo si Dani. "Manong, si Kian tuma—"
Mabilis na hinablot iyon ni Kiefer mula sa kapatid.Hello, Kuya Kief? Anong problema? Kinabahan ako bigla sa halos 50 missed calls na nakita ko.
Ah eh, Kian kasi nawawala si Alyssa. I mean umalis kanina ng mga 4pm hanggang ngayon di pa rin siya umuuwi at hindi ko na matawagan ang numero.
Teka, teka lang. Natatarantang sabi ni Kian. Nag away ba kayo?
Hindi. Pero kasi may natanggap kaming hindi magandang balita kaya alam ko mabigat ang loob niya. Hindi ko na lang siya pinilit kanina kasi gusto ko siyang bigyan ng space na makapag isip.
Okay sige. Kung ano man yan, pag uusapan at sosolusyunan natin yan, Kuya. Sa ngayon hanapin ko si Ate. Subukan mong puntahan yung paborito niyang ice cream parlor at sa paborito niyang fast food chain. Ako naman sa sementeryo.
Agad na tumango tango si Kiefer. Basta balitaan mo ako agad Kian. Magtawagan na lang tayo.
Tumayo at handa ng samahan ni Thirdy ang kapatid ng pigilan siya ng ina. "Kief, dito na lang kami para may madatnanan si Alyssa sakaling magkasalisi kayo at para na rin makapag usap kayo ng maayos."
"Kief, kalma lang sa pagmamaneho ha. At mag usap kayo ng mahinahon. Maaayos din ito." Bilin ni Bong at tinapik ang balikat ng anak.
++
Hindi na nagatubiling magbihis pa si Kian. Basta na lang siya umalis sa laboratory at agad na tinungo ang kotse nito.
Ilang beses niya pang tinapik tapik ang manibela dala ng pagkainip sa traffic at panay sulyap sa relo. Hindi na muli matawagan ang numero ng kapatid, siguradong naubusan na iyon ng baterya.
Kumaripas na siya ng takbo pero ganun na lang ang dismaya at nakitang nakapadlock na ang museleo. Ganunpaman, sinilip niya na lang muna ito. Nakumpirma niyang nanggaling doon ang kapatid dahil sa mga nakitang bulaklak at kandila.
Agad niyang tinawagan si Kiefer. Wala rin daw ito sa mga lugar na sinabi niyang maaaring puntahan nito. Hinilot hilot ni Kian ang sentido, pilit na iniisip kung saan ang susunod niyang puntahan.
Asan ka kasi, Ate?
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
Fiksi PenggemarMeet me halfway, I can't be the only one fighting.