Chapter 44

681 59 7
                                    

Fraternal Twins

Agad na binitawan ni Alyssa ang hawak na gunting at sinalubong ang tiyuhin. "Uncle Art! Akala ko hindi po kayo pupunta dito eh." Mahigpit siyang niyakap nito. "Pwede ba naman kami umabsent. Kahit ano basta para sa'yo Ly." Bumitaw sa yakap si Alyssa na nakangiti at niyakap niya naman ang Auntie Tarra at mga pinsan niya. Nagpalitan rin sila ng maikling kumustahan.

Lumapit si Kiefer at nagmano rin sa mag-asawa. "Doon po tayo, Uncle, Auntie." Alok ni Kiefer sa mga ito at iginiya sila sa isang bakanteng mesa. "Sige na ituloy niyo na muna yan, okay na kami rito." Udyok nito sa mga ito.

"Oh game na ba ulit guys?" Tanong ni Ella sa mga bisita. "Pwesto na kayo ulit dito buntis." Utos niya kay Alyssa at Kiefer. "In 3, 2, 1. Open na!" Anunsyo niya kaya sabay na ginunting ng dalawa ang mga ribbon.

Nagsilabasan ang pink na helium balloons sa twinA na box ni Alyssa habang blue balloons naman ang na kay Kiefer na nasa twinB. Nagsipalakpan ang mga kaibigan nila at napatili naman ang mga Lola na sina Mozzy at Tarra.

Niyakap ni Kiefer si Alyssa na lihim na nagpupunas ng mga luha. "Congrats sa atin, Mahal." Sabi nito at ikinulong sa mga palad ang mukha ni Alyssa.

"Congrats sa inyo guys!!!" Sigaw ni Ella at sinugod ng yakap ang matalik na kaibigan. "Wait check ko nga sino ang mapalad na nakahula ng tama." Sabi nito at binasa na ang mga boto sa papel. "Hoy, hoy Alta, halika dito. Tatakas ka pa eh." Saway niya kay Luigi na patungo na sana ng pinto. Napakamot ito ng ulo habang naglalakad palapit kay Ella na may hawak na nakarolyong diaper. Naghiyawan ang mga bisita nang mas itinaas pa iyon ni Ella. "Go Alts!!" Sabay sabay na tukso nila.

Tawang tawa ang lahat ng binuksan na ni Luigi ang diaper at tumambad ang cake na may maraming chocolate icing. Aalma pa sana ito at susuko na dahil ayaw siyang pagamitin ng tinidor ni Ella. "Kainin mo yan Alts diretso sa bibig. In 10 seconds ha." Asar ni Ella kaya mas lalo siyang tinukso ng lahat na sabay sabay pa nilang binilangan.

"Mahal, may gusto ka pang kainin? Ako na kukuha." Sabi ni Kiefer nang tumayo siya. Hinawakan siya ni Alyssa sa may siko, "Okay na ako, Mahal. Sige na, i-entertain mo na muna sila. Puntahan ko lang din si Ella mamaya." Hinaplos ni Kiefer ang likod ni Alyssa saka pinuntahan ang ibang mesa.

"Kief.." Tawag ni Uncle Art sa kanya kaya naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi nito at tinanggap niya ang inalok na bote ng beer. "Salamat po talaga Uncle sa pagpapaunlak ng imbitasyon. Masaya po talaga si Alyssa na nakarating kayo." Ngitian siya ng matanda. "Oo naman basta't para sa inyo, lalo na ngayon at boy-girl pa ang magiging mga unang apo namin. Uhm.. Si Ly, Kief ayos na ba siya ngayon?" May pag alalang tanong nito. "So far po, Uncle nakikita ko naman po na tanggap na ni Ly, kung ikukumpara ko po sa dati." Tinapik ni Tarra ang hita ng asawa, "Ay, teka nga pala alam mo bang sinamahan ko si Alyssa nung nakaraan sa pedia?" Umiling ito bilang tugon. "Uhm diniscuss ni Doc kay Ly kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nandiyan na si baby. Yung paano siya mas maaalagaan, mga dapat i-expect." Kwento nito.

Napalingon si Kiefer kay Alyssa na kasalukuyang abala sa pakikipagusap kay Ella. Masaya niya itong pinagmasdan na tumatawa sa mga sinasabi ni Ella.

"Besh, sobrang thank you talaga sa pa-surprise niyo ah. Grabe, ang galing!" Hinawakan ni Ella ang kamay ni Alyssa. "Awww alam ko happy ka besh. Walang kaso nu basta para sa'yo at para sa mga inaanak ko kaya you're welcome at huwag ka na magselos ha kasi ako lang yung ka-text ni Kiefer kanina. Ang ligalig ng jowa mo. Natataranta eh. Paano pa kaya kapag nag le-labor ka na niyan soon." Natatawang kwento ni Ella.

Binaling ni Alyssa ang tingin sa direksyon ni Kiefer na nakangiting nakatitig din sa kanya kaya agad niyang sinuklian iyon.

++

"Mahal, huwag na kasi makulit. Amoy pintura pa yung nursery, so bawal ka dun. Dito ka na lang sa room natin, okay? Tatapusin ko lang yun." Lalabas na sana si Kiefer ng kwarto nila nang naramdaman niya ang pagsunod ni Alyssa. "Sisilipin ko lang kasi, Hal kung tama yung ginawa mo." Simpleng hirit ni Alyssa, nagbabakasakali na makalusot ito. "Hindi ba binigyan mo na ako nung printed picture ng peg mo na set up galing sa pinterest, so yun ang ginagawa ko, Hal." Muli ay paninigurado niya rito. "Picturan mo na lang, Mahal tapos pakita mo sa akin maya." Napailing iling na lang si Kiefer saka lumabas na at itinuloy ang kanina'y ginagawa.

Hindi pa nangangalahati si Kiefer sa ginagawa nang may narinig siyang kumakatok. Napailing siya sa isipang si Alyssa iyon kaya halos sinilip niya lang iyon. "Uy, Kian." Gulat na bati niya rito. Agad na sumenyas si Kian na huwag maingay at itinuturo ang kung ano sa ibaba ng hagdan. "Andyan na yung mga crib, Kuya Kief. Iakyat na kaya natin?" Mabilis ang mga kilos nila Kiefer at pinagtulungan nila iyong dalawa na maiakyat at maitago kay Alyssa.

"Ate Ly, tara labas na muna tayo." Aya ni Kian sa kapatid nang puntahan niya ito sa kwarto. "Ha? Ngayon na talaga? Inaantay ko matapos si Kief sa nursery eh  kasi gusto ko na makita." Paliwanag nito habang nag aayos ng mga gamit ng mga baby. "Naku Ate, mamaya pa yun matatapos si Kuya Kief, maiinip ka lang lalo. Tara na kasi." Untag nito sa kapatid. Umaasang papayag din.

"Sa park tayo?" Excited na tanong ni Alyssa nang mapansin ang daan na tinatahak ng kotse ni Kian. "Yup, may gusto ka bang pagkain, Ate? Para makadaan muna tayo." Napaisip si Alyssa bago ito nagpasya. "Uhm, gusto ko ng cold taho, please? Promise yung pinakamaliit lang na serving." Sabi nito at mukhang nagpapaawa pa kaya hindi na siya natanggihan pa ng kapatid.

Napatigil si Alyssa nang mapansin ang pagdating ng isang pamilya na pumwesto malapit sa bench kung saan sila nakaupo ni Kian. Napatitig siya sa batang babae na tingin niya ay nasa edad lima na panay ang pagtawa at nakikipagkulitan sa isang mas nakababatang babae. Naghabulan ang dalawa at aksidenteng nadapa ang mas maliit na bata kaya naman napaiyak ito. Agad na dinaluhan ito ng isa. "Okay lang, Faye? Huwag cry." Alo nito rito habang pinupunasan nito ang luha ng batang nadapa.

Napangiti si Alyssa sa nasaksihan. "Ang sweet niya." Hindi niya namalayang nasabi niya pala iyon ng malakas at narinig ito ng babae. Nginitian siya ng nanay ng mga bata. "Natural sa kanya ang pagiging sweet at maalaga sa kapatid niya." Sabi nito kay Alyssa. "Uhm, hindi po ba siya mahirap alagaan? I mean no offense meant po." Tanong ni Alyssa rito.

Umiling ang babae. "Naku okay lang, miss. No worries. Uhm, I think at first, super challenging talaga kasi syempre naiiba siya. Pero once na embrace mo kasi yung katotohanan, madali na lang ang lahat. Alam mo ba na laging sinasabi ng mga tao na kapag may special child kang anak eh nagdadala daw ng swerte sa buhay yun. Pero kasi special o hindi, Down's syndrome o ano pa man na birth defect, swerte talaga kami na biniyayaan kami ng mga anak. Kasi iba ang fulfilment dito." Turo niya sa puso niya.

Nakangiting tumango tango si Alyssa at mahinang hinaplos ang tiyan. Kapit lang kayo mga anak ha. Excited na si Mommy na mameet kayo. Ngayon pa lang love na love ko na kayo.

xx

***Thank you so much sa 33k reads at 2k votes. Mej malapit na tayo matapos.

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now