Chapter 50

616 55 6
                                    

Firsts

Mabilis na kumaripas ng takbo sina Kiefer at Alyssa at hindi nila maiwasan magisip kung anong eksena ba ang kanilang madadatnan. Sa boses kasi ni Cora kanina ay may bahid ito ng emergency.

Habol ang hininga nila parehas at sapo sapo ang dibdib nang makarating sila ng kusina. Sinalubong sila ng madungis na madungis na kambal at halos hindi magkamayaw si Luring sa pagpulot ng mga pagkain na nagkalat.

"Anong nangyari kay Klea?" Tanong ni Alyssa na pilit na kinokontrol ang paghinga, samantalang si Kiefer ay nakayukod na parang asong lawit ang dila sa pagod.

Agad na nagsalin ng tubig si Cora at inalok ang tubig kay Alyssa. "Ate.. Si Klea kasi kanina.." Sabi nito kaya napatingin na si Kiefer sa anak.

"Da— da-da." Sabi ni Klea at tinuro si Kiefer.

Nanlaki ang mga mata ni Alyssa at napatakip ng bibig. Nilingon niya si Kiefer na kumikislap ang mga mata. Agad nito nilapitan ang anak na babae.

"Dada.. dada.." Ulit ni Klea habang nilalaro ang maliit nitong kutsara at tinatambol sa mesa.

"O my God, Mahal. May first word na si Klea." Halos basag ang boses na sabi ni Alyssa. Hindi pa rin makapaniwala at nilapitan na din ang mag-aama niya. Paulit ulit namang sinambit ni Klea iyon.

"Very good, Ate." Sabi ni Kiefer kay Klea at mabilis na pinatakan ng halik sa ulo. Hinalikan niya rin si Kale. "Buddy, dapat first word mo Mama or mommy ha. Para hindi magtampo si Mommy."

Agad siyang hinampas ni Alyssa. "Baliw ka, Kief. Kahit ano pa ang magiging first word ni Kale, okay lang sa akin. Soon, anak. Soon." Sabi niya at pinisil ng mahina ang pisngi ng anak.

"Cora.." Sabi ni Kiefer na may kung anong tono ang boses. Agad siyang hinarap ng yaya at mabilis itong nag peace sign. "Sorry na Ate, Kuya, na excite lang kasi ako masyado kaya nataranta ako."

Pinanliitan siya ng mata ni Alyssa. "Mabuti na lang talaga at good news to. Basta hindi na mauulit ha? Kasi nakakakaba."

++

"O ayan, ayos na. Safe na sila dito, Ate." Anunsyo ni Kian matapos niyang ma set up ang padded play pen sa sala. Pinuno niya rin ito ng kung ano-anong mga laruan para sa dalawang pamangkin.

Nilagay na ni Cora ang kambal sa loob. At hindi maipagkakaila na nasiyahan ang dalawa dahil sa mga makukulay na bagay na naglalaro sa mga mata nila.

"Thank you po, Tito Kian." Sabi ni Alyssa sa maliit na boses at tinabihan ang kapatid na pinanood ang mga bata na naglalaro ng mga bola at plushie toys.

"Klea, say Tito baby. Ti-to." Turo ni Kian na agad rin minasahe ang brasong hinampas ng kapatid.

"Tito agad? Pwedeng Mommy muna?" Taas kilay na biro ni Alyssa kaya natawa ang kapatid. "Sus si Ate naman pakaselosa. Dada pa lang ba malinaw niyang salita? Sabi niya kanina mimi eh. Mommy?"

"Mimi is milk. Oh, kain ka na muna." Sabi ni Alyssa nang naglapag ng meryenda si Luring sa mesa.

"Malay natin, isa sa mga araw na to bigla na lang din magsalita si Kale. Saka ayos lang yan, siyam na buwan palang naman sila eh." Sabi nito saka kumuha ng pagkain.

Marami silang napagusapan habang nagsasalo sa meryenda, lalo na ang tungkol sa negosyong iniwan sa kanila ng mga magulang. Dahil hindi pa kaya ni Alyssa na iwan ang mga anak, si Kian na muna ang bumabyahe sa Cagayan de Oro para icheck ito at masiguradong maayos ang pamamalakad.

Kampante na rin sila parehas na nagbayad na ng tuluyan ang Auntie Delly nila sa kulungan para sa lahat ng mga naging atraso nito.

At alam ni Alyssa sa sarili na sapat na iyon. Ayos na sila ng Papa Bong niya at nakamit na rin ng dating kasambahay ang sinapit nito sa kamay ng tiyahin.

Masyado silang lulong sa paguusap na hindi nila namalayan ang pagdating ni Kiefer at ang buong pamilya nito. Sabado kasi at nakasanayan nila na tuwing araw na iyon ay sama-samang sila kumain, manood ng trip nilang pelikula at higit sa lahat ang halinhinang pagaalaga at paglalaro sa kambal.

Nakisali na rin sa usapan ang mga bagong dating habang si Cora ay abala sa pagbantay sa kambal, si Dani na walang sawang kinukuhanan ng pictures at videos ang mga pamangkin.

Sabay sabay silang napalingon ng kinuha ni Dani ang mga atensyon nila. Tutok na tutok sila sa ginagawa ni Klea. Ininat nito ang dalawang braso at inaabot ang itaas na harang ng playpen upang makakuha ng suporta roon at dahan dahan niyang inangat ang mga binti at pwet para makatayo sana ng tuluyan.

Nakailang beses itong sumubok ngunit nababagsak ito paupo. Lalapitan na sana ito ni Cora pero agad na winagayway ni Kiefer ang kamay para pigilan.

Gustong gusto na ni Alyssa humiyaw at icheer lalo ang anak pero ayaw niya namang magulat ito.

Matiyaga ang lahat na nakaantabay at halos sabay sabay pang napapalakpak nang sa wakas ay tuluyan ng nagawang makatayo ni Klea.

"Very good, Ate!" Sabay na bati nina Kief at Ly.

Maliit na tawa ang tugon ni Klea tapos ay nilingon niya ang kakambal. Binitaw niya ang isang kamay na nakasuporta pa rin at pilit na inaabot ang kamay ni Kale na tila ay iniengganyo nitong tabihan siya sa pagkakatayo.

Napangiti si Alyssa at nilapitan ang mga anak. "It's okay, Ate. Sa susunod kapag ready na si Kale tatabi na siya sa'yo dyan ha?" Pagkausap ni Alyssa na unti unting nababasag ang boses.

Inakbayan siya ni Kiefer at hinalikan ang gilid ng ulo nito. "Soon, Mahal, si Kale naman." Positibong anas ni Kiefer na tinanguan ng Alyssa.

Tango na puno ng pagasa, dasal at tiwala.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now