Chapter 14

1.1K 48 9
                                        

Multo

Isang malapad na ngiti mula kay Mozzy ang sumalubong sa kanila pagkabukas ng gate kaya agad na naglaho ang knina'y kaba sa dibdib ni Alyssa. Ramdam niya ang init ng pagtanggap sa kanya lalo na nang niyakap siya ng ginang.

"Good afternoon po Tita." Bati ni Alyssa. Aabutin niya sana ang kamay nito nang bigla siya nitong hilahin para mayakap.

Agad din namang bumitaw si Mozzy. "Good afternoon, iha. Pasensya na pawisan na pala ako." Lumapit naman si Kiefer upang magmano. "Dala ni Ly, Ma."

"Naku, nag-abala ka pa Ly. Pero thank you. Tara pasok na tayo." Aya nito.

Sumunod naman sina Alyssa. "Ako nga po dapat mahiya Tita, naabala pa po kaya. At pasensya na rin po napaaga kami ng dating. Tutulong na lang po kami sa kusina." Alok nito nang makapasok sila sa bahay.

Simple lang ang bahay ng mga Ravena. Hindi man kalakihan pero malinis at maaliwalas naman ang pakiramdam dito. May saktong mga kasangkapan rin ang naroon.

Paupo na sana si Alyssa sa itinurong pang apatang sofa ng biglang dambahin siya ng yakap ni Dani - ang bunsong kapatid ni Kiefer.

"Hello Ate Ly!! Welcome sa bahay namin." Sabi nitong may malaking ngiti sa labi. Naging malapit na sila sa isa't isa mula nung first year college nila Kiefer at Alyssa. Madalas kasi siyang bumubuntot sa lakad ng barkada lalo na't si Kiefer ang naaatasang tumingin kay Dani. Minsan rin silang nagkikita tuwing may mga volleyball training. Hindi man naseryoso ni Alyssa ang paglalaro ay nakasanayan na rin niyang tumulong sa volleyball team sa highschool kung saan myembro si Dani.

"Dahan-dahan naman Dan." Pukol ni Kiefer sa kapatid. Hinawakan siya ni Alyssa sa braso, nagpapahiwatig na okay lang iyon. "Naku Manong ang oa, lakas kaya nyan ni Ate." Saka tumabi ng upo dito.

"Naku Ly, pagpasensyahan mo na ito at nag hahangad talaga ng babaeng kapatid." Tuwang kwento ni Mozzy. "Ay Dani, ipaghanda mo nga muna ng merienda sila ate mo at may gagawin na muna ako sa kusina... O eto na pala si Thirdy."

"Hi Ma." Bati ni Thirdy sa ina. "Hi Ate Ly." Kumaway pa ito.

"Naku sakto, andito na si Kuya Thirdy. Kuya, pa ready daw ng merienda dito sa sala." Utos ni Dani na pinipigilan ang tawa.

"Oo, Dani, narinig kong ikaw ang inutusan eh. Akala mo talaga makakalusot ka ha." Ganti nito. Napuno naman ng tawa ang salas. Masayang nakamasid si Alyssa sa kanila. Hindi maiwasang makaramdam ng inggit. Inggit ng pagkakaroon ng buo at masayang pamilya.

Pagkatapos mag merienda ay biglang sumalampak sa sahig si Dani sa harap ni Alyssa. Nakuha naman iyon ni Alyssa na gusto nitong magpaayos ng buhok. Kaya agad niyang sinimulan na i-braid ito. Natutunan niya iyon sa Mama Lita niya. Napangiti naman si Kiefer sa nasaksihan.

"Uy Dans, nasa kusina na yung pinapabili mong flour at baking soda ha." Wika ni Thirdy nang dumaan ito sa sala.

"Magbebake ka Dans? Tulong ako." Alok ni Alyssa. At hindi na sumagot si Dani kundi ay agad na itong hinila. Napailing na lang si Kiefer.

Naabutan ni Kiefer ang dalawa na nagiipon ng mga kakailanganin nila sa pagbebake kaya kinuha niya ang apron at isinuot iyon sa nobya. Tinali niya iyon ng maayos sa likod at sinunod namang ipusod ang buhok nito.

"Thank you, Hal." Ngiting sabi ni Alyssa nang umikot ito paharap kay Kiefer.

"Wow! Konting pasintabi naman sa single dito huy." Sigaw ni Dani kaya't parehas silang natawa. "Go na Manong, bawal ka dito. Huwag kang masyadong clingy kay Ate Ly at baka magsawa sa'yo." Pantataboy niya sa kapatid.

"Hindi naman Mahal, di ba?" Lambing nito saka ngumuso. Tinawanan lang siya ni Alyssa kaya mabilis siyang hinalikan ni Kiefer sa pisngi saka kumaripas ng takbo.

"Ang cute niyo ni Manong, Ate. Pero feeling ko talaga under sa'yo yun eh." Natawa si Alyssa habang nagtatakal ng mga ingredients at napabaling ito kay Dani. "Hindi rin siguro Dans. Mabait naman yun kahit makulit."

"Ako ba yung mabait kahit makulit? Pakidagdagan na rin ng gwapo. Thanks Ate Ly." Singit ni Thirdy saka dumerecho sa lalagyanan ng toyo at suka.

"Ang kapal mo Kuya... Huy bakit ka nandedekwat ng chocolate?! Gagamitin namin yan ni ate eh." Hahampasin pa sana niya pero mabilis rin itong nakalabas ng kusina.

"Okay.. Ang kulit rin talaga ni Thirdy." Komento ni Alyssa.

"Ate! Pati gwapo kasi!" Hirit na sigaw ni Thirdy mula sa bintana. Natawa tuloy sila.

"Mahal, sa loob ka na. Mausok dito eh." Sabi ni Kiefer nang nilapitan siya ni Alyssa. Abala siya sa pag baliktad ng mga barbeque. "Okay lang, Hal. Nakasalang pa sa oven eh. Andami naman ata ng hinanda ni Tita. Nakakahiya."

May tumikhim sa likod nila kaya sabay silang napalingon. "Masyado bang halata, Ly?" Tanong ni Mozzy na nakapag pakunot ng noo ni Alyssa. "Na boto ako sa'yo at gusto ko lang na i-welcome ka sa family namin."

Pinamulahan si Alyssa sa narinig. "Hala Tita, nakakahiya po pero super naa-appreciate ko po talaga lahat ng to."

"Naku Ma, baka magkaiyakan pa kayo niyan ha. Pasok na po tayo, ihahabol ko na lang tong iilan pang hilaw." Si Thirdy.

"Mga anak, tara na at maghapunan na tayo. Male-late ng uwi ang Papa niyo kaya mauna na tayo." Kaya agad naman silang tumalima.

Naging masaya ang hapunan nila. Dagdagan pa ng maraming kwento at tawanan. Si Kiefer naman ay abala at todo asikaso kay Alyssa. Mula sa paglalagay ng pagkain sa pinggan nito, pagsalin ng inumin at pati pagbabalat ng hipon.

"Marunong ka bang magluto, anak?" Tanong niya kay Alyssa ng inilapag niya sa mesa ang gawang cookies nila Dani at Alyssa, kasabay ng cake at brownies.

Tinikman ni Alyssa ang cookies at napangiti siyang tamang tama ang lasa nun. "Mga simpleng ulam po Tita keri ko naman lutuin. Pero mas nag eenjoy po talaga ako sa baked goodies. May sweet tooth po ako eh."

"Atleast iha, marunong. Ito kasing si Kiefer college na ng natuto. Nung una tamad pa eh, kaya ginawa namin ng Tito nung one time, hindi ako nagluto, tapos —"

Biglang umalingawngaw ang tunog ng cellphone kaya napatigil ng kwento si Mozzy. "Ay, sorry po phone ko yun. Kunin ko lang po sa bag ko sa sala. Excuse me po." Magalang na sabi ni Alyssa. Marahil ay hinahanap na siya ng kapatid.

Nakayuko si Alyssa habang nagtetext kay Kian ng makaramdam siyang bumukas ang screen door. Awtomatiko siyang napaangat ng tingin sa kung sino iyong bagong dating.

Ramdam ni Alyssa kung pano biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Gusto niyang sumigaw, tumakbo, lumayo pero wala siyang lakas para gawin ang alin man.

Siya iyon. Sigurado akong siya yun..

Ang multo ng bangungot niyang nakaraan.

xx

Salamat sa reads, votes and comments X

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now