***note: last few filler chaps till we get down to business. need to establish characters lang muna.
Emotions
"Mahal, pwede namang kay Ate Luring mo na ipagawa yan." Mungkahi ni Alyssa nang nakitang inihahanda ni Kiefer ang mga polo, long sleeves at slacks na paplanchahin. "Ayos lang, Mahal kaya ko naman eh." Nagkibit balikat na lang si Alyssa at itinuloy ang panonood ng tv.
Magsisimula na sanang mamalancha si Kiefer nang mapansin niyang kumakain na naman si buntis. "Hal, parang ang alat naman masyado ng kinakain mo, maalat yung chips tapos sour cream pa ang dip mo." Puna ni Kiefer. "Promise, konti lang, Hal, saka ngayon lang to." Panlalambing ni Alyssa.
"O, Mahal akala ko natulog ka na." Sabi ni Kiefer nang pumasok siya sa kwarto nila. Nakangiti siyang pinagmamasadan ang nobya. Inihahanda kasi nito ang mga gagamitin niya para bukas, maging ang office bag na gagamitin. Masuyo niyang niyakap mula sa likuran si Alyssa. "Ang sarap naman na may ganitong nag-aasikaso sa akin. Salamat, Mahal." Sabi niya at hinalik-halikan ang batok nito. Umikot si Alyssa upang maharap siya. "Galingan mo bukas, Hal. Sure akong tanggap ka na niyan. Formality na lang yan ang second interview eh." Positibong sabi nito. "Dinner date tayo bukas, Mahal pag natanggap ako ha?" Tumango naman si Alyssa.
Dahan-dahan na bumangon si Alyssa para hindi magising si Kiefer. Maingat siyang humakbang papuntang Cr. Pagkaapak na pagkaapak pa lang ng tiles eh agad na niyang inilabas ang kanina pang pinipigil na suka. Baby, kailan ba tayo gagraduate sa morning sickness na to? Mahina niyang hinaplos ang tiyan na may kaunti ng umbok.
Nagulat pa siyang nag-aantay pala si Kiefer sa pinto ng Cr. "Ayos ka na, Mahal?" May pag-alalang nito sa kanya. Tumango lang siya at bumalik sa kama. "Ano yan, Mahal?" Tanong niya kay Kiefer na may bitbit at inaabot sa kanya. "Nag google ako, Mahal, mainam daw sa morning sickness tong ice cubes and crackers. Try natin kung effective."
++
Naguumapaw sa galak at saya ang puso ni Kiefer. Matapos siyang mainterview ng head ng isang sikat at malaking IT company ay inanunsyo sa kanya na tanggap na siya sa trabaho at pwede nang magsimula bukas na bukas din. Bukod sa malaki ang sahuran ay magaganda rin ang benepisyo na alok ng kumpanya. Nangangati na siyang ibalita iyon kay Alyssa ngunit pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang surpresahin ito mamaya paguwi.
Dahil maaga pa naman ay naisipan niyang kitain sina Pao at Luigi. "Mga Chong, di ako pwede mag tagal ah. Alam niyo naman." Bungad niya sa dalawa. "Grabe Kief, di pa nga nagiinit ang pwet natin dito eh. Ganun ba talaga pag may pamilyang binubuo na?" Pang-aasar ni Luigi. "Naku Alta kapag ikaw napunta rin sa ganitong sitwasyon, sasabihin ko rin sa'yo ang mga bagay na ganito." Sagot niya at kinuha na ang pagkain.
"So kumusta naman ang buhay buhay, Kief?" Tanong sa kanya ni Pao. Tawang-tawa ang dalawa ng sinabi ni Kiefer ang tungkol sa mga kakaibang cravings ni Alyssa. Mismo sila ay napapangiwi sa pag-iisip ng mga kumbinasyon ng pagkain na gusto ni buntis. "Hindi kaya mahilo yang inaanak namin sa kinakain ng Mommy niya?" Natatawang sabi ni Luigi at umakto pang nasusuka.
Bigla namang natahimik si Kiefer at sumeryoso ang mukha. Naalala ang naging pag-uusap nila ni Alyssa patungkol sa pera. Hindi na niya napigilan na ikwento iyon. Nagtaka naman siya na wala siyang narinig na komento sa dalawa. "Talaga ba? Wala man lang kayong reaksyon?" Hindi halos makapaniwalang tanong niya sa mga ito.
Napatigil ng kain si Pao. "Alam mo kasi Kief nasa sa'yo yan kung paano mo tingnan ang sitwasyon niyo ni Alyssa eh. Wala akong kinakampihan chong ha, syempre parehas kayong kaibigan ko, pero kasi it's just a matter of perspective. Tama naman kasi si Ly, na sa ngayon siya yung meron kaya siya muna ang nakatoka. Huwag mong dibdibin ang mga ganitong bagay, Kief. Magka-clash at magka-clash kayo ni Ly niyan pag ganun. Kaya wag mo ikulong sa utak mo yang individual na financial status niyo. Basta be open minded palagi at lawakan ang pang-unawa." Pangaral nito sa kanya.
"Bakit Kief? Tama ba si Ly na naapakan niya ang ego at pagkalalaki mo?" Tanong ni Luigi. "Medyo.." Pag-amin ni Kiefer. "Ayun naman eh. Agree ako kay Pao eh na nakadepende talaga on how you perceive things at kung paano mo lagyan ng kulay at kahulugan. Paano kung ang pakay lang talaga ni Ly eh i-lessen na muna yung burden para sa'yo. Yun lang at wala siyang intensyon na saktan ka, di ba? Gets mo ba, chong? Bakit kaya hindi mo na lang gawing challenge yun sa sarili mo? Mas mag sumikap ka para mas umangat sa buhay. Di ba? At yang pagpapahiram sa'yo ni Ly ng kotse Kief? Walang big deal diyan kung tutuusin. Give and take lang lagi, chong. Wag puro emosyon mo lang paiiralin mo kasi kung tutuusin mas emotional si Ly ngayon lalo na't buntis. Kaya habaan mo pa pasensya mo." Payo ni Luigi sa kanya.
"Umamin nga kayo sa akin, sigurado ba kayong dalawa na wala kayong mga karelasyon? Ang lalalim niyo mga chong." Natatawang sabi ni Kiefer. "Pero seryoso, salamat. Okay lang ba mauna na ako?" Paalam niya sa mga ito. "Sige, lusot ka ngayon." Sabi ni Pao. Aalis na sana si Kiefer nang nagsalita si Luigi, "Dalhan mo ng bulaklak at chocolates, chong. I-hi mo na lang kami kay Ly."
Nababanas at naiinip na si Kiefer gawa ng napaka tinding traffic. Sumaglit lang siya sa flower shop para bilhan si Alyssa ng paborito nitong bulaklak at sa isang gift shop para naman sa chocolates. At ito na nga at naipit na siya sa hindi umuusad na mga sasakyan. Sinilip niya ang oras sa cellphone, 4:10, naitext niya na si Alyssa ngunit wala naman siyang nakuhang reply. Marahil tulog ang antukin na yun.
Dahil sa traffic, hindi naiwasan ni Kiefer ang mag muni-muni. Lalo na sa mga sinabi sa kanya nila Pao at Luigi. Siguro nga masyado niyang dinibdib ang lahat. Ayaw naman niyang dumating ang time na sukuan siya ni Alyssa kaya handa siyang makipag kompromiso rito. Para sa pagsasama nila at lalo na para sa magiging anak.
Mabilis ang naging lakad niya hanggang main door, dala-dala ang bulaklak at tsokolate. "Ate Luring, si Ly?" Tanong niya nang madatnan itong nag wawalis. "Kanina pa yun umakyat sa kwarto, Kief pagkatapos niya magmeryenda." Agad naman nagpasalamat si Kiefer.
Pero ganun na lang ang gulat niya nang buksan ang silid at natagpuan si Alyssa na nakayuko at umiiyak. "Mahal? Bakit? Ano nangyari?" Tanong niya habang naglalakad palapit rito. Mabilis na nag-angat ng tingin si Alyssa at hindi siya makapaniwala sa mga mata nitong nakapukol sa kanya at galit na galit.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.