Self-pity
Agad na dumirecho si Alyssa sa banyo na nasa silid nila ni Kiefer. Isa isa niyang hinubad ang mga suot.
Nang wala ng natirang saplot ay hinarap niya ang sarili sa salamin. Inilugay ang walang ka buhay-buhay na buhok na umabot na sa bewang niya.
Sinuklay niya iyon gamit ang mga daliri, hindi na siya nagtaka na marami ang nalagas at sumama sa daliri. Inilapit niya pa lalo ang mukha sa salamin.
Iilang stress lines ang hindi na niya maitatago pa, dark circles sa ilalim ng mga mata, cracked lips, dry face.Gumilid siya at pinagmasdan ang kabuuan. Nasaan na nga ba ang katawan niya na iningat-ingatan, ni hindi niya na nga maalala kung kailan siya huling nakaapak ng gym o kahit ilang minutong jogging man lang sa loob ng village nila.
Sinuri niya ang mga binti, may mumunting mga balahibo na. Ang mga kuko sa paa ay wala man lang linis at lalong walang kulay. Inangat niya ang mga kamay at tiningnan ang mga ito. Maikli man ang mga kuko ay wala rin itong kakulay-kulay.
Inangat niya ang kaliwang kamay, ang mga mata ay nasa daliring pansingsing. Napailing siya. Mukhang mas malabo na atang may maisusuot siyang singsing rito.
Plain, old and boring Alyssa. Untag niya sa sarili.
Binuksan niya ang shower. Kasabay ng pagragasa ng tubig mula rito na dumaloy sa kanyang katawan ay siya ring pagbuhos ng kanyang mga luha.
Tinakpan niya ang bibig at pinigil na kumawala ang nagbabantang hikbi. Ngayon lang to. Isang buhos lang, isang iyakan lang.
Hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal sa ganoong estado. Tuwid lang siyang nakatayo roon, ang isang kamay ay nakasuporta sa pader, takot na baka bigla nalang siyang mabuwal.
Paano nga ba niya nabalewala ang sarili sa loob ng sampung buwan. Sampung buwan na iginugol niya sa dalawang anak. Sina Klea at Kale muna bago si Alyssa, bago ang kanyang sarili.
Nagulat siya nang marinig ang boses ni Kiefer mula sa labas at tinatawag ang pangalan niya. Mabilis lang siya na nagshampoo at nagbuhos ng shower gel sa katawan tapos ay agad ring tinuyo ang sarili.
Sa loob na rin siya nagbihis at binalot na lang sa tuwalya ang basa pang buhok. Muli pa siyang humarap sa salamin. Namumula ang kanyang mga mata at sigurado siyang hindi na niya iyon magagawan ng paraan na maitago pa.
Nasa hamba ng pintuan si Kiefer nang binuksan niya iyon. Tipid siyang ngumiti.
"Masama daw pakiramdam mo, Mahal? Gusto mo ba ng gamot?" Tanong ni Kiefer at sinalat ang leeg nito ngunit direcho lang na naglakad si Alyssa.
"Okay na ako. Niligo ko lang, mawawala din ito mamaya." Sabi niya at kumuha ng bote ng lotion.
"Bakit namumula mga mata mo, Mahal?" Agad na nag-angat ng tingin si Alyssa at kunwari pang nagulat nang sinipat ito sa salamin. "Aksidente yata na nakusot ko na may shampoo pa ang kamay ko eh. Nagmeryenda ka na ba?" Paglihis niya ng usapin.
Mataman siyang tinignan ni Kiefer kaya agad na tumalikod si Alyssa at tumungo sa pinto. "Mag-pupump lang muna ako ha?" Pagrarason niya.
Naglalakad na siya sa kabilang kwarto nang naalala niyang wala na siyang breast pads sa nursery kaya kinailangan niyang bumalik sa silid nila ni Kiefer.
Pipihitin na sana niya ang doorknob nang marinig niyang may kausap si Kiefer sa cellphone na halos bumubulong na ito. Kaya naman mas idiniin niya pa ang tainga sa pintuan.
"...Okay ba sa'yo ang 9am? Baka kasi tulog pa ang kambal... Mahirap eh... Oh sige sige, see you.. Okay, Bye." Putol putol na mga sagot ni Kiefer sa kausap.
Hawak pa ni Kiefer ang cellphone nito nang biglang pumasok si Alyssa. Napataas ang isang sulok ng labi niya nang makitang nataranta si Kiefer na itago sa bulsa ang cellphone at agad na pumasok ng banyo.
Dali-daling kinuha ni Alyssa ang dapat na pakay niya at saka tumungo ng nursery.
"Ate Ly!" Kuha ni Cora ng atensyon nito. "Puno na po, Ate!" Turo ni Cora sa pump na hawak ni Alyssa kaya agad niyang pinatay ang switch noon at dali daling kumuha ng tissue para punasan ang nabasa niyang hita.
Nang matapos ay napaupo siya sa sofa, hindi na namalayan na natulala na naman siya at kung saan saan naman naglakbay ang isip.
Hindi kaya may babae si Kiefer? Hindi pwede, hindi maaari. Paano na ang mga bata?
Napailing iling si Alyssa sa mga iniisip at handa na sana siyang kastiguhin ang sarili nang bigla ay makaramdam siya ng maliit na kamay na nakahawak sa may binti niya.
"Yes, Ate?" Sabi niya kay Klea na may hawak pang laruan na pilit binibigay kay Alyssa. Kinandong niya ang anak at inayusan ito ng buhok.
Nagpumiglas si Klea na bumaba kaya inalalayan ito ni Alyssa. Ang akala niya'y kukunin nito ang laruan sa sahig ngunit nagulat siya nang humarap si Klea sa kanya at kinuha ang kamay niya.
"Ma-ma.." Sabi ni Klea.
Napaawaang ang labi ni Alyssa sa narinig. Inangat niya pa ang tingin sa kung nasaan si Cora upang makumpirma na tama nga talaga siya ng dinig. Nang mapansin na nakangiti rin ito ng malaki at nakapormang papalakpak ang kamay, awtomatiko na naglandas ang luha sa pisngi ni Alyssa.
Mahina niyang hinatak ang anak para mayakap ito. Iba ang galak na naramdaman niya sa isang salita na iyon. Tila lahat ng iniyak niya kanina lang ay basta na lang naitapon sa labas ng bintana.
Kahit ano pa ang maging itsura niya o kung iiwan man siya ni Kiefer, isa lang ang sigurado siya. Yun ay may dalawa siyang permanenteng kakampi sa buhay niya sa katauhan nina Klea at Kale.
Binuhat niya si Klea at lumapit sila kay Kale.
"Mahal na mahal ko kayong dalawa, higit pa sa buhay ko." Sambit ni Alyssa.
Malaki ang ngiti ni Kiefer na nakasilip sa pintuan. Gusto niyang tabihan ang mag-iina niya at maging bahagi ng kasiyahan, ngunit alam niyang kailangan niyang bigyan ng maliit na espasyo si Alyssa.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
Hayran KurguMeet me halfway, I can't be the only one fighting.