Tiwala
Sabay na sinalubong nila Kiefer at Kian si Alyssa sa hagdan pero agad na kumapit si Alyssa sa kapatid. Mahigpit ang kapit nito na para bang alin mang minuto ay baka maglaho ito sa paningin niya. Ipinag walang bahala at inintindi na lang ito ni Kiefer.
Hindi naman malaman nila Thirdy, Dani at Mozzy kung paano pakikitunguhan si Alyssa kaya parehas silang walang mga imik.
Pinilig ni Alyssa ang ulo sa direksyon ni Kian. Ngunit bago pa ito makapagtanong, naunahan na siya ni Kian. "Ate, baka panahon na para harapin natin to. Hayaan natin silang magbigay ng side nila tapos kung ano magiging desisyon mo, andito lang ako." Tumango si Alyssa at tinapik ang braso ng kapatid, nagpapahiwatig na tunguhin na nila ang sala.
Nagkasya silang dalawa sa pang isahang sofa. Naglakbay ang tingin ni Alyssa kay Kiefer at nagtama ang mga tingin nila, matipid na tumango ang huli sa kanya ngunit hindi niya nagawang tugunan.
Pumuyos ang galit sa puso ni Alyssa nang makita niya ang ama ni Kiefer at nung isang lalaki. Gusto niyang singhalan, sigawan, saktan ang mga ito kung hindi lang siya tinapik ni Kian at may binulong dito.
"Alyssa, uhm a-alam ko wala akong karapatan pe-pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na makapag paliwanag." Panimula ni Bong na siyang ikinabuhay ng galit sa loob loob niya. Gusto sana niyang sumabat kung di lang niya nakita na parang nagmamadali ang tiyahin niya na bumaba ng hagdan, nakagayak at may kalakihang bag ang nakasukbit sa balikat.
"Auntie..." Aniya.
Agad namang natigil ng hakbang ang tiyahin at napatayo ng tuwid ngunit di man lang niya nilingon ang pamangkin.
"Auntie, bilang guardian ka naman namin ni Kian, gusto ko sanang maupo rin ho kayo dito at makinig." Matiim siyang tinapunan ng tingin nito, ramdam ang sarkasmo sa sinabi ni Alyssa. Mabigat man sa loob, napasunod naman ito at nakayukong umupo sa isang gilid.
Binalot ng katahimikan ang kabahayan.
"Alyssa.." Si Bong. "..Gusto ko lang sanang malaman mo na hindi ko talaga ginusto ang mga nangyari. Alam mo namang tinuring kitang parang anak ko na rin." Pagak ang tawa na umiling si Alyssa. Hindi makapaniwala sa narinig. Habang nagpapalit palit ng tingin naman sina Mozzy at ang mga anak nito.
Nang hindi nagsalita si Bong, inipon ni Alyssa ang kanyang lakas bago magsalita. "Alam mo kung gaano ko isinumpa ang pagdala dala ni Auntie Delly ng mga lalaki dito sa bahay namin..." Nag-angat siya ng tingin kay Bong samantalang nanlaki naman ang mata ni Mozzy sa narinig.
"..Pero akala ko iba ka sakanila.. Sa hindi ko alam na kadahilanan, parehas kami ni Kian na naging magaan ang loob sa'yo. Palagi ka naming kakwentuhan hanggang sa ramdam kong napapawi mo yung pangungulila ko sa mga magulang ko. Akala ko talaga iba ka. Akala ko totoong nagmamalasakit ka sa amin ng kapatid ko. Tuwing mag-aalas nwebe ng gabi lagi mo kaming sinasabihan na pumasok na kami sa mga kwarto namin kasi magsisimula ng dumami ang mga tao para magsugal.. Sinasabi mo sa amin na sa kwarto lang kami para mag-aral o tumambay at sinasabi mo pang magdala na rin ng pagkain para hindi na kami lalabas pa. Madalas ka pa ngang may dalang kung anong pasalubong para kay Kian para masiyahan siya. Nasanay kami sa ganung trato sa loob ng anim na buwan. Nagtiwala kami. Nagtiwala ako sa'yo!" Hindi na mapigilan ni Alyssa ang mga luha kaya agad itong inalo ng kapatid.
Muli niyang inangat ang tingin kay Bong at nagpatuloy magsalita sa gitna ng pag-iyak. "Sabi mo kaya ka lang nun pumupunta dito kasi may malaki kang utang kay Auntie Delly." Tiningnan niya ang tiyahin na walang emosyon. "Sabi mo taga bantay ka lang at taga alerto kung sakaling matunugan ng mga pulis na may sugalan sa bahay na ito. Kampante ako nun eh, na sa dagat ng mga estrangherong pumupunta dito, alam kong may isa akong kakilala na mapagkakatiwalaan. Nagtiwala ako..." Nag-uunahan pa rin ang mga luha niya at napahagulhol na. Kahit pa hirap ng huminga, pinilit pa rin niyang ituloy.
"Pero anong ginawa mo, ha?" Bulyaw niya kay Bong. "Mahimbing na ang tulog ko nun, tapos biglang nagising ako sa kung anong kaluskos na parang ilang beses ng pinipihit ang pinto ng kwarto ko. Alam natin na walang pinapayagan si Auntie na may makaakyat sa second floor, alam mo yun! Pero ano? Nakapasok ang lalaking yan!" Turo nito sa lalaking katabi ni Bong na puno ng pag-aakusa ang mga mata. Agad namang napayuko ang lalaki. At nang ibaling ang tingin, biglang naging balisa ang tiyahin niya sa kinauupuan nito.
"Alam mo ba ang naramdaman kong takot nun? Nang pinwersa ako ng hayop na yan na pahigain at agad niya akong kinubabawan? Ha?!" Sigaw nito habang madilim na nakatingin sa mga inaakusahan. "Gusto kong itulak siya nun, sipain, suntukin pero hindi ko man lang magalaw ang katawan ko. Wala akong mahanap na lakas.. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Takot na takot ako, takot na takot." Ulit niya habang nagpupunas ng mga luha saka nilingon si Kian.
"Laking pasalamat ko nang biglang pumasok si Kian sa kwarto ko nung oras na yun na ang tanging pakay ay may hihiraming gamit. At nang makita niya ako sa ganung sitwasyon mabilis niyang inabot ung vase at hinampas ang ulo ng lalaking yan. Pero alam mo ba kung anong nakakagalit lalo ha Mr. Ravena?" Mapanghamon niyang tanong. Nanatili namang tikom ang bibig nito.
"Alam mo kung ano?! Nasa labas ka lang ng pinto, nakatayo at alam mo kung anong hawak mo? Ang putang inang susi ng kwarto ko! Paano mo naatim yun ha? May anak kang babae pero ganoon kadali mo lang akong pinahamak! Pinagkatiwalaan kita!!!" Pagsusumigaw niya sabay duro dito.
Bakas ang gulat sa mga mukha ng mga naroon. At hindi maiwasan ni Kiefer ang makaramdam ng galit sa ama at sa lalaking kasama nito. Alam niyang ipagtatabuyan siya ni Alyssa pero hindi na niya matiis pa, tumayo siya at agad na dinaluhan ang kasintahan. At hindi na siya nagulat pa na mabilis na hinawi ni Alyssa ang kamay niyang masuyong humahagod sa nagtatangis na nobya.
Ilang minuto pang humikbi si Alyssa. Wala namang pagod na inaalo siya ni Kian. Hihilahin na sana niya patayo ang kapatid dahil awang awa na siya rito nang biglang magsalita ang lalaking kinamunuhian.
xx
Malapit na talaga. Haha. Ayoko lang kasi lumagpas sa 1200 words per chappy eh, arte. Inip na ba? X
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.