Harana
Biglang napatigil ng lakad si Kiefer. "O, kararating mo lang ba? Kumusta ang naging lakad mo?"
"Opo eh. Pasensya na Kuya. Natagalan ang pag-uusap kasi pumunta rin sa presinto ang asawa ni Uncle Art. Ayun, medyo napahaba ang sermon at panunumbat niya kay Auntie Delly kaya nagkagulo. Ayaw ko nga sana silang awatin dahil sa totoo lang nanggagalaiti din ako sa galit." Sagot ni Kian na bakas ang pagtagis ng bagang.
Tinapik ni Kiefer ang balikat nito. "Naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo, pero mas mabuti kung idadaan na lang natin ang lahat sa legal at maayos na paraan. Magbabayad din siya, sisiguraduhin natin yan, Kian." Deklara nito.
"Panigurado yan, Kuya. Ay, teka nagutom ba ulit si Ate?" Tanong niya nang mapansin ang bitbit nitong tray. "Nilagnat kanina Ate mo. Naghanap ako ng gamot sa kusina tapos nakita kong may instant oriental soup mix kaya ginalaw ko na din ha."
"Walang kaso yun. Salamat talaga Kuya Kief ha. Okay na ba si Ate? Baka magising pa siya kaya bukas ko na lang pupuntahan." Tumango si Kiefer. "Huwag ka na mag-alala, pahinga ka na rin."
Magpapaalam na sana si Kian nang biglang may naalala. "Paano ka pala, Kuya? Uuwi ka pa ba? Gamitin mo na lang ang kotse, late na rin kasi eh." Mabilis na umiling bilang pagtutol si Kiefer.
Naramdaman naman ni Kian na nahihiya ito kaya mabilis siyang nag-isip. "Pwede kang mag stay na muna sa guest room, Kuya. Tapos bukas ka na lang umuwi para mas safe. Yung nasa kanan na kwarto." Turo niya rito.
"Okay na ako sa sala, Kian. Sige na, dalhin ko lang muna ito sa kusina, pahinga ka na." May pag-aalinlangan man si Kian pinili niyang hindi na ito ipagpilitan. Bagkus ay inabutan na lang niya ito ng unan at kumot.
Alas onse y media nang natapos magligpit si Kiefer sa kusina at inihiga na ang katawan sa sofa. Pero nag alas tres na lang ay hindi pa siya dinadalaw ng antok. Panay galaw nya sa hinihigaan pero gising na gising pa din ang diwa niya. Kung ano ano na ang binilang niya sa isipan ngunit di niya talaga mahanap ang tamang pwesto.
Nang mag-alas kwatro y media ay napagdiskitahan niya ang kusina. Sinuri niya ang laman ng ref at kung ano ang pwede niyang maluto. Nang makuntento sa kinalabasan at mukhang tama naman na ang lasa, nagpasya siyang sumubok muli matulog.
Kinukusot ni Alyssa ang mga mata habang pababa siya ng hagdan nang may napansin siyang bulto na nakahiga sa sofa. Nakatalukbong ang kumot sa buong katawan kaya napaisip siya kung sino iyon. Parang imposible naman kung si Kian.
Dagli niyang kinuha ang nakasabit na kawayang back scratcher at lumapit sa sofa. Hirap na hirap siyang silipin kung sino ba talaga ito kaya nang gumalaw iyon ay bigla niya itong nahampas sa gulat.
"Aray!" Reklamo ni Kiefer at agad na minasahe ang brasong napalo.
"Kief?!" Gulat na gulat na sabi ni Alyssa.
"Okay ka na ba, Mahal? Bakit bumaba ka na? Plano kong iakyat ang breakfast mo, sorry nakatulog pala ako. Teka, initin ko lang." Tarantang wika niya. Inalis niya ang kumot at akmang babangon nang, "Aray, aray.." Daing niya. Di malaman kung paanong alalayan ang balikat, ang bewang o ang mga binti.
"Kasi naman bakit ba dito ka natulog eh ang liit ng sofa para sa'yo, ayan tuloy sumakit at nangalay ang katawan mo." Panenermon nito habang tinutulungan niya itong maupo. "Nangawit lang to, kaya ko to. A-arayy ko!" Muli ay pagdaing niya sa sakit. Hindi maiwasang matawa ni Alyssa.
"Na miss ko yan!" Nakangiting komento ni Kiefer.
"Ha?" Kunot-noong tanong ni Alyssa. "Na miss ko makita kang naka smile, Mahal." Nakangiting sagot niya. Agad na tumayo at umiwas si Alyssa. "Kain na tayo?" Yaya niya.
Walang pagod na pinagsilbihan ni Kiefer si Alyssa habang nag-aagahan. Kulang na lang ay siya na rin ang ngumuya para rito. Gustong gusto niyang magbukas ng mapag-uusapan nila, yun nga lang ay natatakot siyang umiba ang timpla nito. Kaya hinayaan na muna niya.
"Iwan mo na lang dyan, hugasan ko maya." Bilin ni Alyssa nang matapos ito kumain. Hindi pa nakakasagot si Kiefer ay mabilis na itong nakaalis. Agad siyang sinundan ni Kiefer at naupo sa sofa ng di kalayuan kay Alyssa.
"Mahal, okay ka na ba?" May pag-alinlangang tanong niya. Inabala ni Alyssa ang sarili sa paglipat-lipat ng channels sa tv at wala sa sariling tumugon, "Ayoko na munang pag-usapan."
Tumango lang si Kiefer. Pinipigilan ang sarili na isatinig ang mga opinyon. "Thank you nga pala sa pag-aalaga at sa pagluto ng breakfast, masarap!" Ani Alyssa.
Luminga-linga si Kiefer na parang may hinahanap. Agad na lumiwanag ang mukha nang may nakita. "Peram ako nito, Mahal."
Nagsimulang tumugtog si Kiefer ng gitara kaya agad siyang nilingon ni Alyssa. Hindi niya pa kailanman nakita na tumutugtog si Kiefer.
We got the afternoon
You got this room for two
One thing I've left to do
Discover me, discovering you
"Your body is a wonderland talaga, Kief?" Komento ni Alyssa at natawa. Sa lahat talaga ng kanta yun pa ang naisip.
Nag-angat ng tingin si Kiefer at ngumiti. "At least napasmile kita. Uhm, sige ito na lang."
See Ive been waiting all day
For you to call me baby
So let's get up, let's get on it
Don't you leave me brokenhearted tonight
"Brokenhearted ka?" Nagtatakang tanong ni Alyssa kaya napatigil si Kiefer at tiningnan siya. "Eh, baka papunta pa lang dun. Hindi mo sinagot tanong ko kagabi eh. Tapos Kief na lang talaga ako sa'yo? Kaya nirerendahan ko na ang puso ko ngayon pa lang." Malungkot na sabi niya.
Mabilis na inihagis ni Alyssa ang throw pillow sa direksyon ni Kiefer. "Ang arte ha. Paka assuming mo po. Di ka ba nagtataka na di pa kita pinapaalis dito?" Hamon na tanong niya rito.
Nanlaki ang mga mata ni Kiefer sa narinig. "So meaning, okay tayo? As in, Mahal? Walang bawian ha? Sinabi mo na yan." Natawa si Alyssa. "Ang kulit, baka bawiin ko na talaga."
Agad na umalma si Kiefer at niyakap ito. "Walang ganyanan. Ito na, seryoso na." Muli siyang naupo at kinandong ang gitara.
There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now
There goes my heart racing
'Cause you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now
I'll climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh! 'Cause I need you to see
That you are the reason
Agad na lumapit si Kiefer at hinagkan si Alyssa sa bisig niya. "Mahal, bakit ka umiiyak?" Tanong niya at pinalis ang mga luha nito.
"Hindi ko alam basta naiiyak ako eh." Sagot nitong sumisinghot. Hindi tuloy alam ni Kiefer kung mag-aalala ba siya o matatawa.
Nanatili silang nakayakap nang biglang may narinig silang tumikhim.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)