Kale
"Mahal, may bisita ka." Sinilip ni Alyssa ang mga bagong pumasok sa silid niya at napangiti. "Hi, Ly. Pasensya na at hindi kami nakadalaw kahapon ah."
Kumaway si Alyssa at inanyayahan na maupo sa couch ngunit agad silang naglakad para sumilip sa natutulog na si Klea. "Ganda niya, Ly." Si Nadia.
"Mahal, si Nadia nga pala. Husband niya, si Jaime. Sila yung nameet ko sa park na nakwento ko sa'yo. Inilahad ni Kiefer ang kamay sa dalawa. "Kiefer.." Pagpapakilala niya sa mga ito.
"Saan na si baby boy ninyo, Ly?" Tanong ni Nadia nang naigala na ang mga mata sa kwarto. "Nasa nursery pa Nads, may mga tests pa raw eh." Inalok sila ni Kiefer ng makakain. "Medyo mahina rin kasi sucking ni Kale." Kwento ni Kiefer sa mag-asawa.
Tumango si Jaime. "Ganun din dati si Reii eh. Pero don't worry madadaan naman sa training yun, ang kailangan lang talaga ibayong pasensya dahil common talaga sa kanila na medyo delayed ang mga development." Mataman siyang tinitingnan ni Kiefer habang nagkukwento ito.
"Five years old na yung anak ninyo di ba? Mahirap ba?" Tanong ni Kiefer. Tinutukoy ang parehas na kalagayan ni Reii at Kale. "Mahirap kung tutuusin pero kaya ninyo yan." Nakangiting sagot ni Nadia.
Maraming naikwento ang mag-asawa kina Kiefer at Alyssa. Mga bagong nalaman na impormasyon at mga natutunan na tiyak na magagamit din nila. Kaya naman mas determinado silang dalawa na kung nagawa ng mga ito ay siguradong makakaya din nila iyon.
Nang makapagpaalam at nakaalis na sila ay siya namang pagpasok ni Doctor Doroja. Napansin agad ni Alyssa ang pilit na ngiti na iginawad ng doktor sa kanila kaya hindi niya maiwasan na mag alala sa kung anuman ang maaari nitong dalang balita.
Kinamusta niya muna ang mga ito sa mga naging karanasan nila sa pagaalaga kay Klea at sinuri din niya ang sanggol pagkatapos.
"Kiefer, Alyssa, uhm, kinailangan kong lagyan ng tubo yung ilong ni baby Kale para doon ipadaan ang gatas niya." Parehas na bagsak ang mga mukha nila Kiefer at Alyssa, hindi malaman kung ano ang dapat sabihin o tanungin.
"We don't want him to be undernourished. And I believe I have discussed this with you, Ly? Na may possibility talaga na poor ang sucking reflex niya at medyo madedelay talaga na matututo siya. But, don't worry once ma establish na natin at kaya na niya, we will remove the tube and hopefully pure breastfeeding na siya, soon."
May pumasok na nurse at karga na nito si Kale. Hindi maalis alis ni Kiefer at Alyssa ang tingin sa anak. Hindi maiwasan ang makaramdam ng awa para rito.
Mabigat man sa loob at pilit na nilulunok ang bara sa lalamunan, ibinigay ni Alyssa ang buong atensyon sa nurse na nagbibigay ng mga dapat na gawin para kay Kale. At ganoon din naman si Kiefer, pilit niyang isinasaulo ang mga tinuturo sa kanila.++
"Mahal, what if kuha tayo ng isang yaya para may katuwang tayo sa kambal? Isang buwan maximum lang ang leave ko, Hal. Para naman kahit papaano may time ka din para magpahinga. Syempre kasi si Ate Luring sa gawaing bahay naman siya." Sabi nito habang pinapatulog si Klea.
Isang linggo na silang nakauwi sa bahay. At hindi nga biro ang mag-alaga lalo na't kambal pa ito at lalong may mga espesyal na pangangailangan ang kanilang bunso.
Hindi sumagot si Alyssa kaya nilingon siya ni Kiefer.
"Mahal, hindi ko naman sinasabing hindi mo kaya, ikaw pa ba. Eh sa one week na nandito na tayo sa bahay, nakita ko kung gaano ka ka-hands on sa kanilang dalawa. Ang sa akin lang na—"
Inangat ni Alyssa ang hintuturo sa bibig, senyas na tumahimik si Kiefer at nginuso si Kale na nakatulog na ng mahimbing sa bisig niya.
"Mahal.." Hinarap ni Alyssa si Kiefer nang maihiga na niya si Kale sa crib nito. "Okay sa akin if kukuha tayo ng yaya. Alam mo namang wala din akong ibang hangad kundi ang ikabubuti nila." Nilapitan siya ni Kiefer at hinaplos ang pisngi nito.
"Nakakaproud ka, Mahal, alam mo ba yun? Mas lalo akong naiinlove sa'yo eh. Kung paano mo alagaan at mahalin mga anak natin, kung paanong mas lagi na sila ang priority mo, wala kang katulad ka, Hal." Mahina siyang hinampas ni Alyssa. "Ang arte, Kief pero sige na nga kilig ako." Kaya agad na pinisil ni Kiefer ang tungki ng ilong ni Alyssa.
"Pero sana, Hal matuto na si Kale na dumede nu? Para matanggal na ang tube at maging normal na ang galaw niya. Hindi yung maya't maya kailangan natin hawiin ang kamay niya." Tiningnan ni Kiefer ang anak. "Soon, Mahal. Saka, hindi rin naman tayo nagkukulang na sundin kung paano ma-improve ang sucking reflex niya eh. Lalong lalo na sa part mo. Pero Hal, please kumain ka lagi sa tamang oras at magpahinga ng mas mahaba." Paalala nito.
"Okay, Hal. Promise. Hindi ko rin makakaya na magkasakit ako, mahirap na at kawawa naman ang kambal nun." Nakangiting tumango si Kiefer at unti unting nilapat ang labi niya kay Alyssa. Pero nagulat siya nang biglang tumigil at lumayo si Alyssa.
"Sorry, Mahal, kailangan ko na mag-pump, ang bigat na eh." Nguso niya sa mga dibdib kaya nailing at natawa nalang sila parehas.
++
"Iiwan ko na siya dito sa'yo, nak? Tanong ni Mozzy kay Alyssa nang dumalaw ito sa kanila kinabukasan kasama ang inirekomenda na magiging yaya.
"Opo, Ma. Ako na po mag-oorient kay Cora sa mga gagawin niya at para malaman niya na rin po kung saan nakalagay ang mga bagay bagay." Sagot nito at siya namang pagpasok ni Kiefer na buhat si Kale.
Nilibot ni Alyssa ang bagong katulong sa kabuuan ng nursery at sa banyo nito. Itinuro ang lahat ng dapat na matutunan para sa magiging trabaho.
"Basta Cor, yung kay Kale dapat talaga every day nating palitan tong tape sa tubing niya para hindi masyadong matrauma yung skin." Sabi ni Alyssa nang naihiga na ito ni Kiefer sa kuna. "Gamitan mo lang ng basang bulak para hindi masaktan." Dagdag niya rito.
Nilingon niya ang kinatatayuan ni Kiefer. "Mahal, paabot nga ako ng lalagyan ng cotton balls." Utos niya rito. Kinuha naman iyon ni Kiefer kaso nga lang dumulas ito sa kamay niya at nahulog sa sementong sahig na gumawa ng malakas na ingay.
Agad na umiyak si Klea dahil sa gulat.
Samantalang si Kale na gising na gising ay hindi man lang nila nakitaan ng kahit anong reaksyon mula rito.
Nagpalitan ng makahulugang tingin sina Kiefer at Alyssa.
xx
•photo credit @/mars google (for description reference use only)
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.