Pamilya
Mariing pinagmamasdan ni Ella ang kaibigan nang bumababa ito sa hagdan. "Grabe besh matunaw naman ako sa kakatingin mo. May dumi ba ako sa mukha? O may utang ba ako sayong hindi ko man lang naaalala?" Sunod sunod na tanong ni Alyssa rito. "Paanong di kita tignan besh, eh pababa ka kasi kanina pero yung ngiti mo abot hanggang tenga. Eh parang imposible naman para sa akin yang mga ngiting yan. Yan ooh!" Turo niya sa labi ni Alyssa na hindi man lang namalayang kanina pa pala siya nakangiti.
Nagulat na lang siya ng hila hila na pala siya ni Ella papuntang hapag. "Besh, ano na loading ka dyan? Epekto ba ng bagong dilig?" Tukso nito at tiningnan pa ang kaibigan mula ulo nito hanggang paa. "Uy besh, laki na ng tiyan mo!" Puna niya rito. Bigla tuloy napahiyaw si Alyssa na kinagulat ni Ella. "Galing kaming OB kanina besh, tapos guess what?!" Pabitin na sabi nito. "Fine, what?" Walang pasensya na sagot nito. "Kambal besh! Kambal ang dinadala ko." Masayang anunsyo niya at agad na napayakap sa kaibigan.
"Ang galing talaga ng jowa mo besh. Nakabuo ng dalawa kahit isang beses niyo lang ginawa.. Aray!" Reklamo niya ng hinampas siya ni Alyssa. "Bibig mo talaga besh eh." Ngitian ni Ella si Ate Luring nang naglapag ito ng meryenda nila. "Salamat, Ate."
"Binili to besh? Masarap ha." Tukoy ni Ella sa kinakain na pichi-pichi at sapin-sapin. "Pinabili ko kay Kian kahapon tapos hinatid niya lang." Sagot ni Alyssa at nagsimula na ring kumain. "Bago mo tong pinaglilihian, noh? Nung college naman kasi tayo ako lang mahilig kumain ng mga ganitong kakanin eh.. Well atleast tapos ka na sa nestle cream with kaong at whip cream. Eew." Komento nito at napailing sa imahinasyon.
"Aba't nakarating pa sa inyo ang balitang yan ha." Irap ni Alyssa kaya natawa si Ella. "Hindi ka na kasi talaga naawa sa tiyan ni Kiefer. At alam ko ring may regalo siya sa'yo na bagong set ng baking materials. Hep!" Pigil niya bago pa man makapag salita si Alyssa ng kung ano. "Alam ko kasi tinanong niya ako yung sa kulay na malay ko ba kung ano."
"Terracotta besh. Sarap kasi sa mata eh. Sobrang maaliwalas lang." Kwento niya habang umiinom. "So, ano na plano mo niyan, besh? Don't tell me pipirmi ka lang maghapon dito sa bahay hanggang sa kabuwanan mo na. Imagine, 7 months pa kaya."
Napaisip si Alyssa. "Eh ngayon alam kong kambal besh syempre mas maingat talaga ako dapat pero yun nga parang nakakabato din pag nasa bahay lang ako maghapon, well aside sa pagbebake na hindi naman mabigat gawin."Tinapos ni Ella ang pag nguya saka napangiti. "Well, speaking of besh, bakit hindi mo gawing negosyo yan? Magaling ka naman dyan eh, passion mo kasi. Uhmm.. Gawa ka kaya ng mixed goodies mo besh tapos ipapatry ko sa officemates ko, tapos malay natin di ba na maging constant customers mo na sila. At pwede kita pakilala sa friends ko besh. Panigurado, click kayo ng mga yun." Agad na humalukipkip si Alyssa, "Pinagpalit mo na ako besh?" Malungkot na sabi nito kaya agad na nataranta si Ella. "Officemates besh. Syempre ikaw pa din ung best friend ko. Wag ka na tampo." Alo niya rito at niyakap pa ito.
Napahagalpak ng tawa si Alyssa kaya padabog na umupo ulit si Ella. "Alam mo ikaw, ang baliw mo talaga. Babies, wag na wag talaga kayo magmana sa kabaliwan ng nanay niyo ha." Pagkausap nito sa tiyan ni Alyssa na hindi pa rin humuhupa ang tawa at tukso kay Ella. "Mga anong oras yan matatapos besh? Kailangan ko ng umalis eh." Sarkastikong sabi ni Ella.
++
Kakahiga lang ni Alyssa sa kama nang biglang kinatok siya ni Luring at sinabing may bisita siyang naghihintay sa baba ngunit di naman nabanggit kung sino iyon.
Nakangiti ang mag-asawa na naghihintay sa kanya sa sala. Agad niyang tinanggap ang yakap ni Mozzy. "Congrats, Ly." Sabi nito at hinagod ang likod ni Alyssa. "Thank you po, Tita. Sagot niya saka sila sabay na umupo.
"Ly, alam ko wala pa talaga sa plano ninyo ni Kief ang pagpapakasal, pero maaari ba akong humingi ng pabor?" Malumanay na sabi nito. "Ha? Eh ano po yun?" Tanong ni Alyssa. "Uhm, pwede bang Mama na lang ang itawag mo sa akin, Ly? I mean kung.. if okay lang naman Ly, pero kung hindi ka talaga ku-"
"Okay po, Ma- Mama." Ulit ni Alyssa kaya mukhang kinilig si Mozzy sa narinig at niyakap siya ng mahigpit nito. Naputol lang iyon nang may narinig na tumikhim. "Sa akin ba pwede na ring ma-promote ang Tito sa Papa?" Nagbabakasakali na sabi ni Bong rito. Inabot ni Alyssa ang isang kamay kay Bong saka sinali ito sa pagkakayakap kay Mozzy.
"Papa.." Mahinang sabi ni Alyssa at mas dinama ang pagkakayakap nilang tatlo. Ilang taon na rin siyang nangulila sa mga magulang kaya naman hindi niya na palalagpasin ang pagkakataong ito. Hindi rin naman kasi sila ibang tao dahil mga magulang to ni Kiefer, ang ama ng mga anak niya.
Malaya silang pinapanood ni Kiefer mula sa pinto ng bahay. Nagagalak siyang nakahanap ng pamilya si Alyssa sa pamilya niya. "Ehem, pwede ba akong makisali diyan?" Tudyo niya sa mga ito at agad na pinagkasya ang tatlo sa mga bisig niya.
"Bihis lang ako, Mahal." Paalam niya rito saka niya hinalikan sa ulo si Alyssa. "Go, Kief. Nasa kusina lang kami ni Ly at maghahanda ng hapunan." Ang ina nito ang sumagot. "Ma, bawal yan mapagod ha." Bilin ni Kiefer kaya mahina siyang tinulak ni Alyssa. "Ang oa, Kiefer." Natawa tuloy ang mag-asawa.
Magkatulong na nagluto at naghanda si Mozzy at Alyssa habang nakakaalalay naman si Luring sa kanila. Todo asikaso ang mag-asawa sa lahat ng pangangailangan ni Alyssa. Sa haba ng panahon na nakalipas, ngayon na lang ulit nakadama si Alyssa ng kumpletong pamilya at kasalo pa ang mga ito sa isang masarap na kainan. Kaya hindi niya naiwasang sumagi sa isipan ang kapatid.
Napansin naman iyon agad ni Kiefer. "Mahal, bawi na lang raw sa susunod si Kian. Hanggang 11 pa raw kasi shift niya eh." Kwento ni Kiefer rito. Nalungkot man sa nalaman, masaya pa rin siya na nag effort si Kiefer na subuking kumpletuhin ang gabi niya.
"Pa, hindi na po. Busog na talaga ako." Pigil ni Alyssa kay Bong nang nagsandok pa ito ng ulam. Si Mozzy naman ang sumubok na bigyan siya ng pang himagas ngunit agad din siyang tumanggi. "Thanks, Ma pero wala na talagang space."
"Ay, baka gusto niyo akong alukin? Ako talaga yung anak di ba?" Pagdadrama ni Kiefer at kunwari pang nagtatampo. "Ly, yung totoo, si Kiefer ba ang mas madrama sa inyo?" Tukso ni Mozzy at kinikilatis ang anak na ngumuso kaya mas lalong natawa ang mga ito kay Kiefer.
"Mahal, nga pala galing dito si Ella kanina tapos napagusapan namin ang possibility na baka mag benta ako ng baked goodies ko soon, sa officemates niya." Pagbibigay alam ni Alyssa. "Okay lang naman sa akin, Mahal basta ayaw ko lang na mastress ka o masyado kang mapagod. Basta yung kaya mo lang talaga ha. Paano mo pala idedeliver? Magtataxi ka? O kukunin nila dito? Eh kung si Ate Luring na lang kaya o pwede din naman akong —"
"Kiefer! Ang oa!" Sabay sabay na sabi nila Bong, Mozzy at Alyssa at pinagtawanan ito.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.