Diet
Malakas na tawanan ang dinig na dinig sa pintuan pa lang ng Cafe Margherita. Napangiti agad si Alyssa sa isipang ang makukulit na mga kaibigan yun.
"Hay naku alas tres ang usapan, late kayo ng 30 minutes, lovebirds! At dahil dyan kayo ang taya ha?" Kantyaw ni Ella sa mga bagong dating.
Natawa naman si Kiefer habang pinaghihila ng usapan si Alyssa. "Ang naging usapan lang natin sa group chat Els eh dapat every Wednesday tayong naka schedule na magkikita kita. Wala namang may nag suggest na kung sino ang late ay siyang taya. Di ba mga chong?"
Sabay sabay namang nag apiran sila Luigi, Paolo at Kiefer. "Oo nga Els, once a week na bonding ang usapan. Walang ungguyan sa pagkain at pambayad." Tawang tukso ni Paolo.
Birong pairap lang ang tugon ni Ella sa mga kaibigan sabay buklat ng menu. At nag kanya kanya na silang order ng pagkain.
Ipinagdikit naman ni Ella ang upuan sa kay Alyssa at mabilis itong hinila palapit sa kanya para mabulungan. "San kayo galing besh? Kayo ha." Malisyosang biro niya.
Napangiwi naman siya ng kurutin siya sa tagiliran ng kaibigan. "Ang malisyosa ng utak mo besh kahit kailan. May dinaanan lang kasi kami."
"At bigla ko naalala, ano na plano natin besh? Gusto ko sabay tayo besh mag apply tapos sana sabay rin tayo matanggap. Di ba?" Ella said dreamily pero napansin niyang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Alyssa. Itatanong niya sana ang napansin kung hindi lang siya naunahan ni Kiefer na magsalita.
"Mahal, anong kakainin mo? Pili ka na, ako na magbabayad ng para sa atin." Tanong ni Kiefer habang abala ang mata sa pagbabasa ng menu.
"Mango juice lang ang akin, Mahal. Ikaw order ka na."
"Ly, diet ka ba?" Tanong ni Luigi nang marinig ang sagot. "Kailan ka pa naging conscious sa katawan mo, aber?"
Natawa naman si Alyssa sa naturan ni Luigi. "Hoy Kiefer, dinadiet mo ba yang girlfriend mo? O kinukuripot mo? Nakuuu!" Sabat naman ni Paolo.
Bigla naman nahiya si Alyssa sa narinig. Alam niyang medyo sapat lang ang pera ng nobyo. Pero hindi naman iyon ang rason niya.
"Mahal, kumain ka na kasi. O ako na lang ba ang mag oorder?" Bulong ni Kiefer sa kanya kaya hinawakan niya ang braso nito, "Mahal, busog kasi talaga ako. Saka huwag mo na lang isipin yang sinasabi nila ha." Tumango lang si Kiefer at hindi na nagpumilit pero itinatak niya sa isip niya na kailangan na niya agad maghanap ng trabaho hindi lang para kay Alyssa kundi higit para sa pamilya niya.
**
Isinukbit ni Kiefer sa kanang balikat ang duffle bag ni Alyssa habang nasa likod naman niya ang kanyang backpack. Halos sampung minuto na rin silang nakatayo at nag aabang ng tricycle. Panay naman ang ring ng cellphone ni Alyssa, paniguradong ang makulit na Ella na naman ang tumatawag.
Biglang may pumaradang owner type na jeep sa harapan nila at nakatingin kay Alyssa ang driver kaya pasimple niyang siniko ito para kunin ang atensyon nito na abalang nagtetext.
"Ay, Uncle Art, magandang hapon po." Bati ni Alyssa nang mag angay ito ng tingin. Ngumiti naman ang lalake. "San ang punta niyo, Ineng?"
Hinila ni Alyssa si Kiefer sa siko at lumapit sila sa jeep. "Uncle, si Kiefer po, boyfriend ko. Pupunta po kaming Highland Resort, nagkayayaan po kasi ang barkada ng overnight." Mabilis na pinasadahan ng tingin si Alyssa ng kanyang tiyuhin.
Biglang nakaramdam ng kaba si Alyssa pero nagulat siyang binuksan noon ang pinto ng paasenger seat. "Ihahatid ko na kayo, Ineng." Alok nito.
"Good afternoon po, Sir." Bati ni Kiefer habang inilalagay ang mga bag nila sa likuran at doon rin pumuwesto si Alyssa.
Medyo naging mabagal ang takbo nila patungo sa resort gawa ng traffic. Naging tahimik naman sila sa byahe. Hindi kasi ganoon kalapit si Alyssa sa Uncle Art niya kahit pa nakababatang kapatid ito ng tatay niya. Madalang kasi kung magkita sila dahil abala ito sa trabaho. At minsanan lang kung mag lagi sa Maynila.
Na sa may bukana na sila ng resort nang magsalita ang kanyang tiyuhin. "Alyssa, maging maingat ka sa mga pinagkakain mo ha?" Paalala ng lalaki sa kanya.
"Opo naman Uncle." Sagot ni Alyssa habang nakatingin sa salamin. "Handa na ba lahat ng requirements mo? Malapit na ha, mag aral ka ng mabuti." Muli ay paalala nito.
Naramdaman ni Alyssa na lilingunin siya ni Kiefer kaya yumuko siya at kunwari'y inaayos ang mga bag nila.
"Okay na po iyon Uncle." Mahinang tugon niya. Laking pasalamat naman niyang nasa labas na si Ella at binati sila kaya iniabot na niya ang mga gamit nila sa harap na upuan.
"Mag-iingat kayo ha?" Muling bilin ng tiyuhin sa kanila nang nakababa at nagpasalamat sila dito.
Ramdam ni Alyssa na naghihintay si Kiefer na may sasabihin siya dito. Alam naman niyang kailangan na nila iyon pag usapan. Hahawakan na sana siya ni Kiefer ngunit mabilis namang nahigit ni Ella ang kamay niya at nauna na silang dalawang pumasok ng resort.
xx
![](https://img.wattpad.com/cover/225225088-288-k233177.jpg)
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.