***note: sensitive topic to be discussed from this point onwards. Paunawa. X
Baby
Isang lugar na lang ang tanging nasa isip ni Kian na posibleng kinaroroonan ng kapatid. Napatingala siya sa langit, nagdarasal na sana'y tama ang hinala. Pinaharurot niya agad ang sasakyan niya pagkaupo pa lang. Palinga linga pa siya nun sa lugar umaasang baka naglalakad lakad ang kapatid.
Nang maipark ng maayos ang kotse ay agad niyang kinuha at sinukbit ang jacket sa balikat. Malalaki ang mga hakbang patungo sa paboritong parte ng park. Biglang naglaho ang kanina'y pangamba nang sa wakas ay natanaw na niya ang likod ni Alyssa.
Pinatong niya ang jacket sa balikat ng kapatid na siyang nagpalingon at nagpaangat ng tingin rito. Pero ganun na lang rin ang gulat niya nang nakitang namamaga at namumugto ang mga mata nito. Walang sabi sabi ay umupo siya sa tabi nito at niyakap ng mahigpit ang kapatid. Maya maya pa ay naramdaman niya ang paghikbi nito. Hinayaan niya lang itong umiyak sa balikat niya.
Nang mahimasmasan ay ipinilig niya ang ulo sa kaliwang balikat ni Kian. "Sorry kung pinagalala kita, kayo." Inangat ni Kian ang hintuturo kay Alyssa nang biglang may naalala. "Itetext ko lang muna si Kuya Kief na nahanap na kita." Hindi na hinintay ni Kian ang reply ni Kiefer. Agad niyang tinago ang cellphone sa bulsa at itinuon ang buong atensyon sa kapatid.
"Sinong nagpaiyak sa'yo, Ate? Matagal tagal na rin akong hindi napapaaway. Baka kinakalawang na ako, sino ba yan at mahamon ko nga." Tumawa ng pagak si Alyssa. "Sana nga ganun na lang kadali to. Alam mo ba kanina nakatulog ako kakaiyak eh tapos nung nagising ako, pawis na pawis ako pero parang totoo talaga na niyakap ako ni Mama. Para talaga siyang nagpakita at nagparamdam sa akin." Sabi niya kaya hinaplos ni Kian ang braso ni Alyssa.
"At alam mo Ate kung ano ang rason bakit ganun lagi ang panaginip mo kapag problemado ka. Kasi laging sinasabi ni Mama sa atin dati —
"Everything happens for a reason." Sabay na sabi nila at nagkatinginan. Napatahimik si Alyssa ng matagal pagkatapos. "Ate, paghanda ka na mag kwento, andito ako para makinig o kung gutom ka pwedeng kumain tayo o kung gusto mo na magpahinga at umuwi, pwede din naman."
Ilang sandali silang parehas na tahimik.
"Trisomy 21." Halos pabulong na sabi ni Alyssa pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Kian. "Ano, Ate Ly?" Hindi makapaniwalang tanong ng kapatid. Ilang beses pang tumikhim si Alyssa, nagiipon ng sapat na lakas para sabihin ang talagang nangyayari.
"Nagpaultrasound ako kanina para nga sana maconfirm kung talagang kambal. Tapos napansin ng OB na yung isa sa dalawa eh parang may fluid raw sa likod ng leeg. Kaya nag suggest ng screening test." Nagsimula ng manlabo ang paningin ni Alyssa kaya agad siyang inalok ni Kian ng panyo.
"Tapos na confirm nila sa nuchal translucency screening test na may fluid buildup nga sa likod ng baby, tapos ano, reliable marker daw yun for birth defect, chromosomal defect na trisomy 21 or, or, Down's Syndrome." Hindi na napigilan ni Alyssa na mapahagulhol na. Kahit pa nasabi na niya ang totoo ay mas lalo lang bumibigat ang loob niya.
Hinagod ni Kian ang likod ng kapatid. Hindi makapa ang mga salitang dapat sabihin para kahit paano'y gumaan ang kalooban. "Ate, medtech ang course ko so hindi ko talaga gamay ang ganyang topic. Pero baka may paraan pa para maconfirm talaga ng 100 percent? O baka may magawa pa tayo?" Pilit niyang pagtanggi sa nalaman.
Pilit na hinalukay ni Alyssa sa isipan ang mga sinabi ni Doctor Araneta. Hindi kasi talaga siya lubos na nakinig. "May sinabi yung OB na isa pang test eh. Basta parang magiinject sa akin na local anesthesia tapos may itutusok na needle sa may tiyan para kumuha ng sample. Ayoko na ng ganun, Kian." Napapailing na sabi niya at mas sumiksik sa kapatid.
"Sa ngayon talaga Ate Ly, ang magagawa natin ay magdasal, humingi ng himala na sana mali lang yung doctor." Hinarap ni Kian si Alyssa at kinuha ang dalawang kamay nito. "Kahit ano pa man ang kinalabasan, mahal mo naman sila parehas, di ba? Di ba?" Ulit nito nang hindi sumagot ang kapatid.
Nagkibit balikat si Alyssa. "Alam mong hindi ko kayang magtago sa'yo ng kahit ano. Kaya naman gusto kong malaman mo na, sa ngayon, in denial talaga ako. Hindi ko matanggap. Ang sakit, Kian. Ang bigat sa loob. Bakit ako pa? Naging masama ba ako? May kasalanan ba ako para ito ang naging kabayaran? Karma ko ba to? Bakit sa baby ko pa?"
Iginala ni Alyssa ang mga mata sa playground. Ang sarap sa tenga na marinig ang mga tawa at walang katapusang tuksuhan ng mga bata roon. Magiging normal din kaya ang buhay ng isa sa mga kambal? Mararanasan din ba niya kung paano ang maging bata na hindi siya hinuhusgahan nino man?
Magsasalita pa sana si Kian pero agad na tumayo si Alyssa. "Pagod na ako. Uwi na tayo." Yaya niya sa kapatid. Inakbayan siya ni Kian at parehas silang tahimik sa byahe hanggang makarating ng bahay.
Lihim na sinensyasan ni Kian si Kiefer na nag hihintay sa pagdating nila sa terasa na hayaan na lang muna ang kapatid kaya tumango si Kiefer kahit na bakas sa itsura nito ang pag aalala para sa nobya. Nakayuko lang si Alyssa na pumasok ng bahay habang nakaalalay sa kanya ang kapatid. Iginiya ni Kian si Alyssa patungong kusina pero agad siya nitong pinigilan. "Sa kwarto na lang ako kakain, please?"
Hinatid niya ang kapatid hanggang kwarto at hindi nagtagal ay nakasunod na si Luring dala dala ang hapunan ni Alyssa at ang isang baso ng mainit na gatas. "Ate Ly, please naman pilitin mo kumain ng marami rami, tatlo kayo ang nangangailangan ng sustansya eh." Pangaral ni Kian nang mapansin na kaunti lang ang kinuha ni Alyssa.
"Uubusin ko to, pero promise mo muna na dito ka sa bahay matutulog. Kahit ngayon lang." Lambing ni Alyssa. Hindi nag dalawang isip na tumango si Kian. Sa katunayan ay mas mapapanatag siyang masubaybayan ang kapatid lalo na't hindi pa nito tanggap ang katotohanan.
"Kian?" Tawag ni Alyssa kaya nag angat ng tingin si Kian rito. "Promise nga, Ate." Sabi nito. "Uhmm, pwede bang ikaw na lang ang magsabi sa kanila ng mga kinwento ko kanina? I mean yung totoong lagay ni baby. Sigurado ako di pa nila alam sa baba, alam kong hinihintay ni Kiefer na ako ang magsabi. Pero kasi hindi ko na yata kakayanin na mag breakdown ulit, sobrang masakit dito." Turo niya sa kaliwang bahagi ng dibdib.
Tumayo si Kian at niyakap ang kapatid. "Makakaya at malalagpasan natin lahat ng ito, Ate. Pero please huwag ka na masyado mag isip ng kung ano ano at huwag na puro iyak, Ate. Sabi nga ni Mama di ba everything happens for a reason. Soon malalaman din natin kung ano yan. Basta Ate, andito lang ako. Mahal kita, kayo ng mga pamangkin ko."
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)