**sorry for some medical terms, mabilis lang to. X
Takot
Naging maayos ang pagbubuntis ni Alyssa sa loob ng limang buwan. Sinigurado niyang panatilihin ang pagkakaroon ng masayang disposisyon sa buhay. Kaya laking pasasalamat niya na parating andiyan si Kiefer para umalalay sa kanya at ang mga magulang nito upang gabayan sila parehas. Kahit pa madalas ay hindi mapigilan ni Kiefer na maging over protective kahit sa pinakamaliit na detalye.
Kinaugalian din niyang regular na basahan ng libro o di kaya'y pinapakinig ng kanta ang mga anak na nasa sinapupunan. Ang mas naging libangan naman niya ay ang pagbebake at ikinatuwa niya pa lalo dahil nakakakilala at nakakapag halubilo siya sa mas maraming tao.
"Hi buntis! Madami bang delivery?" Bati ni Gretch sa kanya at nakipagbeso rito. Sumunod naman kay Justine at kay Jia. Mga officemates to ni Ella at tama nga ang sinabi ng huli sa kanya na mag cli-click sila. Unang pagkakilala palang nila ay agad silang nagkagaanan ng loob at ito nga at naging malapit na sa isa't-isa.
"Hi! Kanina pa ba kayo? Diyan lang kami nagdeliver ni Ate Luring sa kabilang building. Medyo nag-antay pa kasi kami eh." Sagot niya at tinawag nito ang waiter na pwede ng dalhin ang inorder nila para sa kanya. "Si Ella ba?" Hanap niya sa kaibigan. Agad na nginuso ni Jia ang kinaroroonan ni Ella. "Aba't may katawagan ang babae ha." Komento ni Alyssa.
"Ate Ly, ang laki laki na. Mabigat na ba?" Turo ni Jia sa tiyan niya. "Oo nga eh, ang bigat na din. Mukha na ba akong naglalakad na bola?" Tanong niya sa mga ito. "Sus, ano ka ba Ly kahit dalawa yang andyan, masexy ka pa rin kaya. Nakita ko kaya yung mga pictures niyo ni Ella dati." Ani Justine. "Naku, bolera ka din eh." Natatawang sabi ni Alyssa at siya ring pagbalik ni Ella sa mesa nila.
"Besh.." Bati niya at humalik sa pisngi ni Alyssa. "30 minutes." Sabi ni Alyssa at makahulugang tinignan si Ella. "Ha? 30 minutes ka dyan? Aalis ka na?" Nagtatakang tanong sa kaibigan. "Yun yung tagal na nakaupo ako rito, marami na rin kaming napagusapan at lahat lahat. So sino yung kausap mo ha?" Patay malisya lang si Ella saka sinimulan ang pagkain. "Lumalove life na yata yan Ly. Kahit sa office kasi laging busy sa cellphone eh." Tukso pa ni Gretchen kaya inirapan lang sila ni Ella at patuloy lang sa kain.
Kahit ano pang kulit at kantyaw nito kay Ella eh mukhang desidido itong hindi magkwento kaya't hinayaan na lang niya iyon.
"Uy ano? Tuloy ba plano nating outing o kahit yung overnight na plano?" Paglilihis ni Ella ng usapin. "Ako itatanong ko pa kay Kiefer eh." Sabi ni Alyssa. "Ako ichecheck ko pa kay Miguel." Si Jia. "Uhm ako depende kung may laro si Baser, so di na muna ako mangangako." Si Justine. Tiningnan ni Ella si Gretch. "Oo na, alam ko may mayor ka. Fine. Sabi ko nga sabihan niyo na lang ako kung tuloy o hindi, masyadong nakakahiya sa mga jowa niyo eh." Sabi nito kaya naman tawang tawa si Ella sa sariling hirit. Tinaasan siya ng kilay ni Alyssa. "Kung sana nagkukwento yung iba dyan at pinapakilala sa amin eh di sana lahat happy."
Hindi umimik si Ella bagkus ay siniko si Alyssa at may tinuturo ito sa labas na agad ring nilingon nito. Malaki ang naging ngiti niya ng makitang si Kiefer iyon at sinusundo na siya.
"O siya, una na ako girls ah. See you again soon?" Paalam ni Alyssa at isa isa na silang hinalikan at niyakap. Nag-hi lang saglit si Kiefer sa mga kaibigan ng nobya at nagpasya na ring mauuna na sila.
"Okay ka na ba, Mahal? May gusto ka pa bang daanan natin o bilhin ba?" Tanong ni Kiefer na nakaakbay kay Alyssa at sabay na lumabas ng resto. "Uhm.. Gusto ko ng revel bars sa Conti's, Mahal. Daan tayo saka uwi sa inyo?" Pinagbuksan siya nito ng pinto saka inalalayan na makaupo ng maayos.
"Ate Ly!!!" Sigaw ni Dani nang nasa gate na sila ng mga Ravena's. "Hi babies!" Bati nito at hinaplos ang tiyan ni Alyssa pagkatapos ay umabri siete na rito at giniya papasok. Napailing na lang si Kiefer. Ni hindi man lang siya binati ng sariling kapatid.
Mas lalo pang nagkagulo ang bahay nang salubungin si Alyssa ng mga magulang niya at ni Thirdy. Halos lahat sabay sabay na nagsasalita na kung hindi kinakamusta si Alyssa ay pinupuna naman ang tiyan niya. Lahat ay abala sa pag-aasikaso rito.
"Ahh, hello? Hi? Andito rin ako oh." Paramdam niya sa mga ito kaya humagalpak ng tawa si Thirdy at Dani habang ginulo naman ni Bong ang buhok niya. "Naku babies yung Daddy niyo oh masyadong seloso eh." Biro sa kanya ni Thirdy kaya tiningnan niya ito ng masama.
"Nak, huwag masyado sa matamis ha." Paalala ni Bong kay Alyssa ng mapansing naka dalawang piraso na siya ng revel bars. "Opo Pa. Last na po ito." Turo ni Alyssa sa kinakain. "Aba kay Papa, agree agad, Hal? Pag ako nagreremind sa'yo laging may hirit pa eh." Nagtatampong sabi ni Kiefer.
Natawa lang si Alyssa. "Sarap mo kasing asarin kung minsan eh. Umuusok ilong mo sa gigil." Tukso niya kaya nagsitawanan sila. "Naku Kief, pinaglilihian ka lang talaga niyan. Buti nga hindi ka napapalayas sa kwarto niyo?" Sabi ni Mozzy.
"Anong hindi, Mama? Nung four months si Ly, halos two weeks akong pinapatulog sa sofa na nasa kwarto eh. Sabi nga nina Luigi buti raw nasa iisang kwarto pa rin kami. Tapos nung kaka five months niya lang ayaw niya akong kasabay na kumain sa mesa." Kwento ni Kiefer na nakangiti pa rin. Alam niya kasing lahat magiging sulit pagkalabas ng mga anak.
++
Malalaki ang mga ngiti nila Kiefer at Alyssa habang tutok na tutok ang mga mata nila sa ultrasound monitor habang magkahawak kamay.
Namamangha sila sa nakikitang dalawang buhay na panay ang galaw. "Gusto niyo na bang malaman ang mga gender nila?" Tanong ni Doctor Araneta kaya tiningnan ni Kiefer si Alyssa. "Uhm next month na lang siguro, Doc pag saktong six months na sila." Sagot nito. May kung ano pang sinusuri roon ang doctor at hindi nakatakas sa paningin ni Kiefer na mukha itong nalilito at problemado.
Sandali siyang umusal ng maikling panalangin.
"Uhm.. Alyssa, Kiefer, I suggest na kailangan nating i-subject si Alyssa for Chorionic Villus Sampling para lang makasigurado ako dito sa nakikita ko sa ultrasound.
"Bakit po Doc?" Nababahalang tanong ni Kiefer sa doktor na abala pa rin sa ginagawa.
"Mahal.." Sabi ni Alyssa na biglang nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)