Chapter 23

960 52 11
                                    

Traydor

Nakaramdam si Kiefer ng malamig na bagay na tumama sa kanyang braso kaya't agad itong napalingon ngunit nanatiling tahimik.

"Nak, kumusta si Alyssa?" Napalunok si Kiefer. Ang totoo'y hindi niya alam kung saan ilulugar ang sarili sa ama.

Kinuha niya ang inalok na bote ng beer at uminom roon. "Medyo okay naman po. Inaasikaso ng Uncle nila yung kaso dahil nahanap na ung dati nilang kasambahay. Si Ly pinipilit niya maging maayos, nagpapaka abala sa magiging exam at training niya."

Tumango si Bong saka tiningnan ang anak. "Eh, tayo ba Kief, kumusta tayo? Aminin mo man o hindi, ramdam ko ang pader na itinayo mo sa pagitan nating dalawa. At hindi rin naman kita masisisi. Alam ko ang pagkukulang ko lalo na at natagalan bago ko naitama ang mga naging pagkakamali."

Sumandal si Kiefer sa barandilya ng terasa, malalim ang iniisip. "Alam ko anak, kulang pa ang salitang patawad. Pero gusto ko lang talagang malaman ninyo na pinagsisisihan ko ang lahat."

Napailing si Kiefer. "Alam niyo ang nakakatawa Pa? Yung taong nasaktan at muntik ng mapahamak, siya pa ang nagpayo sa akin na dapat raw hindi ako magtanim ng galit sa inyo. Sabi niya huwag ko raw itong gawing rason na mapalayo ang loob ko sa'yo." Tumawa siya ng pagak at umiling-iling.

"Sa maikling panahon na nakasama at nakilala ko siya, alam kong mabait talaga si Alyssa. Sana anak mahanap mo sa puso mo na mapatawad ako. At sana rin balang araw, mabalik sa dati kung ano tayo." Uminom muli ito ng beer. "Kung itutuloy mo talaga ung sa coast guard para makasama si Alyssa, susuportahan kita." Tinapik nito ang balikat ni Kiefer saka iniwan ito.

Natigil ang pag-iisip ni Kiefer nang may narinig na yapak sa likod niya at naramdamang yumakap ito sa bewang niya. "Take your time, anak. Sooner or later, magiging maayos din ang lahat." Alo ni Mozzy sa panganay.

"Nagiging unfair na ba ako kay Papa, Ma?" Tanong niya rito. Umiling ang ina. "Hindi naman anak. Hindi namin tinatanggal ang karapatan mong maramdaman yan. Syempre mahal mo si Alyssa eh. Ang sa amin lang naman, palipasin mo tapos intindihin at eventually, mag move on at ayusin."

"Thank you, Ma." Wika niya at niyakap ang ina.

++

"Besh, third straight day na natin ito, pero pansin ko lang ha, no offense meant, pero parang mas bumabagal talaga takbo mo besh." Puna ni Ella nang makabalik na si Alyssa sa pwesto ni Ella.

"Ha?" Hingal na tugon nito. "Hanggang ngayon ba hindi ko pa rin ba na beat yung fastest record ko besh?" Umiling si Ella saka pinakita ang time record na hawak niya.

Naupo si Alyssa sa tabi ng kaibigan. "Binibilisan ko naman ang kilos ng mga paa ko besh pero parang ang bilis ko talagang mapagod."

"Which is very unlikely of you, besh. Baka naman kasi stressed ka masyado kaya di ka makapag focus? Si Kiefer, okay ba kayo? Three consecutive days na tayo magkasama pero di ko nakikita anino nun." Komento ni Ella.

Tinapos ni Alyssa ang pag-inom ng tubig saka tumayo ulit. "Okay naman kami besh, sabi ko kasi sa kanya mag spend din ng time sa family niya kasi lately kami laging magkasama di ba. Saka naghahanap nga din yun ng work."

Nginuso ni Alyssa ang timer kay Ella. Hudyat na handa na ulit siyang takbuhin ang buong oval. Agad namang inangat ni Ella ang kamay at pinipigilan itong gumalaw. "Besh, alam ko ang goal is i-beat mo yung sarili mong record, pero please lang huwag mo masyado sagarin sarili mo ha."

"Yes besh. Last two rounds tapos kain na tayo." Kaya tumango si Ella at sumenyas na ito na humanda na pagkatapos ng tatlong segundo.

Habol ang hininga ni Alyssa habang naglalakad palapit kay Ella na agad itong tinapunan ng bote ng gatorade. "Ano besh?" Tanong ni Alyssa na ang tinutukoy ay ang oras. Nagkibit balikat si Ella, "Wala pa rin besh. Cool down ka na dyan at huwag mo na dibdibin, malay mo naman sa actual mas maayos mo magawa." Payo nito.

"Besh, parang masarap mag unli wings ngayon. Dun tayo?" Suhestyon ni Ella habang naglalakad sila patungong parking. "Parang lahat naman masarap para sa'yo besh eh." Tukso ni Alyssa habang abala ang mga mata sa pagtingin tingin sa mga tao sa paligid.

Natawa si Alyssa bago tiningnan si Ella. "Ang OP ng outfit mo besh, tingnan mo naman oh." Nguso niya sa mga tao. "Hala sige tawa pa Ly. Alam mo namang office girl ako tapos pinapadirecho mo ako dito, kaya wag kang epal."

"Masaya work mo besh?" Tanong ni Alyssa habang nagmamaneho. "Well, wala pa naman akong one week pero so far okay naman. Hindi naman ako na bobore or hindi naman ako ung tipong nag aabang na lang ng oras ng out. Ikaw ba besh, sure ka na ba dyan sa gusto mo?"

Napaisip si Alyssa. Ang totoo hindi naman kasi talaga siya napipilitanhi sa gagawin. "Masasabi kong oo besh. Pursigido naman ako tungkol dito. Isa pa sa makalawa na ang written exam. At ilang buwan ko na rin tong pinaghandaan, physically, I mean."

Napahawak si Ella sa braso ng kaibigan. "Basta besh ang mahalaga naman talaga, masaya ka sa gagawin mo." Napatigil si Ella nang may mapansing pamilyar na kotse kaya agad niya itong itinuro. "Besh, di ba kay Pao yun?"

Tinutukan ni Alyssa ang itinuro ng kaibigan. "Oo nga ano. Uy, si Alta at si Kiefer." Sabi niya nang bumaba ang mga ito sa kotse. Hindi man lang ako tinext.

"Aba't kailan pa natuto mag gym ang mga yan. Puntahan ba natin, besh?" Patuloy lang ang pag maneho ni Alyssa. "Huwag na besh, yaan na natin sila sa trip nila."

++

Mahinang niyugyog ni Kian ang balikat ng kapatid ngunit ang hirap talaga gisingin nito. "Ate Ly, 6:30 na, bumangon ka na." Muli ay subok niya.

Hinawi ni Kian ang mga kurtina at binuksan ang mga bintana. "Ano ba yan, ang silaw naman." Reklamo ni Alyssa at itinakip ang unan sa mukha.

"Bahala ka Ate ha. Ginising na kita. 7:30 yung exam mo. Matutulog na ako ulit, dalhin mo na lang yung kot- Aray!" Hiyaw niya ng tinamaan siya ng unan sa batok.

Natarantang bumangon si Alyssa at kinuha ang tuwalya ngunit bago pumasok ng banyo ay tiningnan muna ang kapatid. "Maliligo lang ako tapos alis na tayo."

"Goodluck sa exam, Ate. Kaya mo yan, ikaw pa ba. O, ito." Sabay abot niya ng nutri bar at chocolates.

Naglalakad na siya patungo sa classroom na assigned sa kanya habang nagchecheck ng cellphone. Kagabi pa ang huling text sa kanya ni Kiefer, sinabihan lang siya nito ng goodluck tapos ay wala na.

Pagpasok niya sa classroom, agad siyang napako sa kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa nakikita. Paanong nandito din si Kiefer? Nakaputi rin itong t-shirt at maong pants sabay pinarisan ng rubber shoes. Saktong uniform para sa examinees.

Agad na nanikip ang dibdib ni Alyssa. Ni hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya si Kiefer.

"Surprise, Mahal!" Sabi ni Kiefer at agad siyang niyakap. Ngunit nanatiling estatwa si Alyssa at nakatulala. "Kukuha rin ako ng exam." Nakangiting sabi nito.

"Bakit mas nananaig ang pakiramdam kong na-traydor ako kaysa sa na-sorpresa?" Sagot nito habang sinasapo ang noo.

"Kasi Mahal.." Hindi na natuloy ni Kiefer ang sasabihin dahil maagap niyang sinalo si Alyssa na biglang nawalan ng malay.

xx

Atleast 30 votes bago ko ipost next chappy. Pampagana lang. 😉

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now