Parents
May inabot na breast cleanser at cotton ang isang nurse kay Alyssa. "Mommy, try po natin silang ipabreastfeed." Sabay na inabot ang baby girl kay Alyssa nang matapos niyang malinisan ang dibdib.
Hindi malaman ni Alyssa kung matatawa ba siya sa kiliti o kung mapapangiwi ba ito dahil sa sakit. Kaya parehas niyang ikinubli ang emosyon.
Pero taliwas iyon sa reaksyon ng sanggol dahil mukhang naiinis na ito at wala siyang madede na gatas. Napansin iyon ng nurse kaya may naisip ito.
"Uhm Sir, try niyo po na kayo muna ang mag suck para po ma stimulate lang ang flow ng milk."Nagkatinginan sina Kiefer at Alyssa. "Seryoso?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Alyssa rito. Tango ang tugon ng isang nurse. "Ganun po talaga lalo na't first po ninyo. We'll give you privacy po Sir, Ma'am. Balik na lang po kami in 10 minutes."
"Mahal, huwag ka na kasi malikot para matapos na tayo at gutom na ang kambal." Saway ni Kiefer rito dahil tuwing lalapit na siya eh nilalayo ni Alyssa ang katawan. "Eh kasi naiilang ako." Pagrarason niya.
Pilyong nginitian siya ni Kiefer. "Sus! Parang hindi pa natin to nagawa eh." Taas baba ang kilay na sabi niya. Umirap si Alyssa. "Iba yun. At talaga namang naisingit mo pa yan ha."
Matapos ang ilang kulitan at tawanan ay sa wakas nagawa rin nila ang dapat gawin.
"Very good ang sucking reflex ni baby girl." Puna ng nurse. "Nurse, kusa lang ba siyang titigil pagkaayaw na niya?" Inosenteng tanong ni Kiefer.
Tumango ang nurse. "After sa isang breast, bale sa kabila naman po. Tapos kusa din niya yan bibitawan then yung isang baby naman po. Uhm, komportable naman po kayo, Ma'am?" Tanong niya kay Alyssa na tila hindi mawala ang tingin sa anak. "Medyo naninibago lang talaga." Sagot niya at inabot kay Kiefer ang baby nang tumigil na ito sa pagdede.
"Masasanay rin po kayo kinalaunan." Sabi naman ng isang nurse at inabot kay Alyssa ang baby boy.
Maingat siyang kinuha ni Alyssa. Pinagmamasdan ang anak na lalaki at mas lalo pang hinagkan sa mga bisig.
Mahal kita, baby at pinapangako ko sa'yo na walang pwedeng humusga sa'yo. Mabubuhay ka ng normal gaya ng kakambal mo.
Sinubukan itong padedehin ni Alyssa pero tingin niya ay wala talaga itong nasisipsip kaya tiningnan siya ng makahulugan ni Kiefer. Inilipat niya iyon sa isa pang dibdib ngunit ganoon pa rin ang nangyari.
Nagsimula nang bumakas ang pagalala sa mukha ni Alyssa at napansin iyon ng nurse. "Huwag po kayo masyado mag worry Ma'am, ipapaevaluate lang po natin si baby sa pedia. Ibabalik na po muna namin sila sa nursery."
Wala na silang nagawa kundi ang pumayag at lubos na umaasang magiging maayos naman ang lahat.
"Ly, kumain ka nito. Makakatulong to para dumami gatas mo." Alok ni Mozzy sa kanya at pinagsandok siya ng sabaw. Agad siyang napangiwi sa unang subo pa lang. "Ma, wala ba ibang options?" Tanong niya rito at mahinang natawa si Mozzy. "Naku, ganun na ganun din reaksyon ko dati, Ly. Pero kasi itong soup na to ang super effective eh." Kaya sa bawat subo niya ay napapatakip na lang siya ng ilong.
"Ako na." Prisinta ni Bong nang may narinig na katok. "Sir, pa fill up na lang po ako nitong birth certificates sa parents. Balikan ko po ulit mamaya paki double check na lang po after." Bilin ng isang staff kay Bong.
"O Kief." Sabay na abot nito sa anak. Kinuha iyon ni Kiefer at tinabihan si Alyssa. "Mahal, ako lang ang magsusulat. Ano pangalan nila baby?" Napatingin naman si Mozzy sa dalawa. "Wala pa pala kayong naiisip na mga pangalan?" Umiling si Kiefer.
"Sabi ko kasi Mama, si Ly ang magpapangalan sa kanila. Syempre mas may karapatan naman talaga si Ly kasi siya umire eh." Napahalakhak ang ama nito. "Naku! Ngayon pa lang ramdam ko ng under pala to si Daddy." Tukso niya sa anak.
"Uhm, Klea Alessa, Kief. Valdez-Ravena." Hindi halos maigalaw ni Kiefer ang hawak na ballpen. Iba pa rin pala talaga na may magdadala na ng apelido niya. Napangiti siya nang matapos. "Ang isa naman, Hal." Sabi niya rito. "Kale Alesso Valdez-Ravena."
Pumalakpak si Mozzy sa narinig. "Ang gaganda ng mga pangalan nila, nak. Bagay na bagay sa kanila."
"Klea at Kale." Mahinang bulong ni Kiefer na may malaking ngiti sa labii.
++
"Ay hello po, Doc." Bati ni Alyssa sa pediatrician ng kambal na si Doctor Doroja nang dumalaw ito nung hapon din na iyon.
Ngumiti ang Doctor at binati ang mga bagong magulang. "Ly, si baby girl nabigyan ko na siya ng clearance para ma-room in na siya dito sa'yo since well baby naman siya. However for the baby boy, I need him to stay for a few more days pa so I could run some tests for him." Pagbigay alam nito.
Hindi naman maiwasan ni Alyssa na bumagsak ang mga balikat sa narinig. "Mga ilang araw pa po kaya, Doc?" May pag alalang tanong ni Kiefer. "Uhm, max na siguro ang two days. Sa ngayon, pwede niyo ng iuwi ang girl. That is if may order na rin si Alyssa na madischarge."
Tumango si Kiefer. "Anytime now dadalhin na dito si baby, at ang nurse na ang siyang magbibigay ng instructions sa inyo. I'll go ahead." Paalam nito sa kanila.
"Ly, ang pretty pretty ni Klea." Sabi ni Justine habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog nito sa bassinet. Agad namang lumapit si Ella dito. "Syempre naman sa magandang ninang kaya yan nagmana."
"Naku huwag lang sana ang height." Biglang hirit ni Luigi kaya minasamaan siya ng tingin ni Ella.
Sinaway agad ni Kiefer ang mga ito. "Magigising anak ko sa kulit niyong dalawa eh."
"Si Klea ang unang lumabas, Ate Ly?" Tanong ni Jia at nakiusyoso na rin. Tumango si Alyssa. "Yup. After nine minutes pa si Kale, Ji."
"Grabe, idol ka talaga, Ly. Nailabas mo ang dalawa eh." Puri ni Gretch. "Two nights pa kayo dito nu? Pag nakauwi na lang kayo ulit ako dadalaw ha. Alam mo na busy eh." Agad siyang binara ni Ella. "Oo, Greta busy ka maging first lady eh. Uy, Kief isang malaking goodluck sa'yo sa first night mo mamaya bilang Daddy." Asar ni Ella.
"Besh, yung bilin ko ha. Huwag mo kalimutan yun." Paalala nito at kinindatan ang kaibigan. Napailing na lang si Kiefer. Mga babae at ang mga sikretong lenggwahe talaga ng mga ito.
++
"Sige na, Mahal. Matulog ka na. Ako na muna kay Klea." Pangungumbinsi ni Kiefer nang makitang di mapakali si Alyssa sa higaan.
Umikot si Alyssa sa kanan at inayos ang hospital gown nito. "Hindi ako komportable sa diaper, Hal." Reklamo niya. "Eh hindi pa kasi pwede tanggalin, Hal di ba kasi may blood discharges ka pa. Kung palitan na lang natin ng bago?" Mungkahi nito at inalalayan itong makatayo at tumungo ng banyo.
"Hal naman, ang sikip masyado ng pagkatape mo." Sabi niya habang sinubukan na humakbang kaya muli ay inayos iyon ni Kiefer. "Naku, Kiefer ha baka naman di ka marunong mag change ng diaper pag sa kambal na. Lagot ka talaga sa akin." Banta nito.
"Sorry na kasi agad, Mahal. O ayan okay na ba?" Tanong niya at binaba na ang gown ni Alyssa at inalalayan pabalik sa kama.
"Mahal, try mo din umidlip, okay? Magigising lang tayo niyan pag umiyak si Klei." Tumango si Kiefer at pumwesto na sa upuan sa tabi ng bassinet.
"Okay, Mahal. Sleep ka na. I love you, Mommy Ly." Nakangiting sabi ni Kiefer. "I love you, too, Dada."
Ilang sandali pa lang na nakapikit si Alyssa nang marinig niya ang iyak ni Klea. Hindi siya tuluyang nagmulat ng mga mata, kundi pinakiramdaman at sinilip lang ang magiging kilos ni Kiefer.
Maingat na kinuha ni Kiefer si Klea. "Ssh, nak wag tayo maingay. Kailangan ni Mommy bumawi ng rest eh. Di ka naman gutom kasi kakadede mo lang."
Kinapa niya ang diaper nito at muli ay umiyak ito. "O eto na, prinsesa ko. Papalitan na kita ng diaper kaya tahan na."
Gustong matawa ni Alyssa dahil ang tagal bago matapos ni Kiefer ang ginawa. "Okay na anak ha, sakto yan ang pagkakatape ni Dada. Mahirap na at magalit si Mommy sa atin. Sssh. Sleep ka na ulit." Pagkausap niya rito at mahinang hinele ito.
Lihim na napangiti si Alyssa bago tuluyang nagpahila sa antok.
xx
-Kale is pronounced as 'Keyl'
![](https://img.wattpad.com/cover/225225088-288-k233177.jpg)