Chapter 6

1.2K 48 7
                                        

Plano

Nangangatog man ang mga tuhod ni Kiefer, pilit pa din niyang binibilisan ang mga hakbang pabalik ng silid. Napantig ang tainga niya sa narinig. Samu't saring bagay ang naguunahang pumasok sa isipan niya.

Napabalikwas siya kanina at pagmulat ng mga mata ay agad na hinanap si Alyssa. Napansin niyang wala ito at maging si Ella. Kaya agad siyang nagtungo sa labas. Yun nga lang ay hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.

Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Alyssa habang malayo ang tanaw, nung una akala niya'y labis lang ang pag aalala nito para sa kanya. Pero bakit? Bakit may plano si Alyssa na iwan siya? Ganoon ba na nakaka turn off ang isiniwalat niyang nakaraan? Ganoon lang ba siya kadali para bitawan?

Gusto niyang magtanong. Gusto niyang alamin ang katotohanan. Gusto niyang ihanda ang sarili kung ano man ang matutuklasan. Pero natatakot siya, natatakot siya kung kaya niya bang tanggapin.

Mabilis na ipinikit ni Kiefer ang mga mata nang makarinig ng mga papalapit na yabag. "Night besh, may utang kang chika sa akin." Mahinang bulong ni Ella kay Alyssa.

++

Nagising si Kiefer kinabuksan na may mainit na brasong nakayakap sa kanya. Maingat siyang gumalaw at nagmulat. Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Alyssa. "Good morning, Mahal. Feeling better?" Marahan lang siyang tumango.

Naupo si Alyssa at mahina siyang hinila sa braso. "Breakfast na tayo? Nauna na sila Ella sa resto, sabi ko kasi aantayin na lang kitang magising." Tumayo siya at agad na tumungo sa banyo. Paglabas niya ay nakapangalumbaba na Alyssa ang bumungad sa kanya. Agad naman itong nag angat ng tingin sa kanya, "Galit ka ba, Mahal?"

"Saan naman yan galing, Mahal?" Tanong niya habang nagpupunas sa tuwalya.

"Asan na good morning ko kung ganun? Bakit di mo ako kinakausap kasi? May nagawa ba ako, Kief?" Ngumuso pa ito.

Agad na lumuhod si Kiefer sa harapan ni Alyssa at hinawakan ang pisngi nito. Agad niya itong ginawaran ng halik sa labi. "Good morning, Mahal ko. Sorry late kasi di pa ako nag totoothbrush kanina eh."

Napahilot naman siya sa braso niyang tinampal ni Alyssa. "Eh bakit ka nangnanakaw ng halik?" Maktol ni Alyssa at mabilis na lumakad sa pintuan.

Mabilis niya itong hinabol at hinawakan sa kamay. "Bakit tayo naman ah? At kasi naman po, huwag kang nagpopout, nangaakit ka eh." Agad naman inalis ni Alyssa ang kamay niyang hawak ni Kiefer.

"Tigilan mo ako sa mga maka mundo mong utak, Kiefer ah. Makikita mo talaga." Pananakot niya at naunang nagmartsa patungong resto. Ngingiti ngiti lang si Kiefer kaya naman mas lalo itong ikinairita ng isa.

"Hoy ang aga niyong dalawa. Good morning naman!" Sarkastikong bati ni Ella sa dalawa.

Kahit pa nagtatampo ay wala namang humpay ang pag asikaso ni Alyssa sa kanya nung agahan. Pabaon niya ba ito bago siya tuluyang iwan nito? Biglang sumakit ang dibdib niya sa kaisipang iyon.

"Mga chong, ano na? Mag sswimming pa ba tayo? 12 noon pa naman check out natin? Sulitin natin, 8:30 pa lang naman eh. Baka matagal bago maulit to, alam niyo na magiging busy tayo sa job hunting." Suhestiyon ni Luigi.

Napatigil naman sa pag nguya si Ella. "Speaking of, bakit hindi na lang tayo mag kulong sa kwarto till check out time? Pag usapan kaya natin ang kanya-kanyang plano natin? Watchatink?"

"Wooh parang ang drama mo ngayon, Els. Baka magkaiyakan pa tayo niyan?" Tukso ni Pao.

Hindi naman halos mapakali si Alyssa. Ngunit mukhang wala na siyang takas sa mga ito ngayon.

"Sige, para maiba naman, alphabetical order tayo?" Loko lokong suggestion ni Luigi pag pasok nila sa kwarto. "At dahil A nga pala simula ng apelido ko, eh ako pala talaga magsisimula. Galing ko dun." Natawa naman silang lahat.

"Well malamang talaga ako mag te-take over ng printing press ng family namin. Siguro pag may kaunting ipon na ako soon, gusto ko naman mag design at mag mass produce ng t-shirt printing. Basta ganun. O ikaw na Darroca!" Turo nito ke Pao.

"Ako? Siguro manghihiram ako ng puhunan sa mga magulang ko para makapagpatayo ng maliit na restaurant, alam niyo na hilig ko talaga magluto. Yun.."

"So, bakit nga ba nag IT kayong dalawa? Relate na relate ah!" Kantyaw ni Ella sa dalawa. "Pero, Pao bet na bet ko yang resto na yan, support kita dyan, chong!"

"Oo, Ella, pag pagkain talaga eh." Pag sang-ayon naman ng kaibigan. "O siya ikaw na de Jesus."

"Syempre, syempre pa panahon na para isakatuparan ang pangarap ko mula ng bata pa ako.." Panimula ni Ella.

"At ano naman yun, besh?" Tanong ni Alyssa.

"Maging beauty queen, ano pa nga ba!"

"Woot woot. Ella baka naman kasi little Miss Philippines yan?" Tukso ni Luigi at tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.

"Epal mo forever, Alta. Hmp! Pero seryoso mag aapply lang siguro ako randomly, basta kung saan may hiring na Technical Support Specialist o kaya Database Manager, basta hindi na muna ako magpapaka choosy. Importantante lang magkaroon ng stable job." Pagtatapos niya at pabiro pa itong tumingkayad sa mga kaibigan. "Thank you, thank you!" Sabay wave pa ng palad sa ere.

Natuon naman ang atensyon ng lahat kay Kiefer. Tumikhim na muna ito saka nagsalita. "Gaya rin siguro ni Ella, random application lang rin muna ako. Kung saan matanggap na ayos ang pasahod, doon ako. Alam niyo naman ang nakapatong na responsibilidad sa balikat ko. Kailangan kong tumulong kina Papa at Mama, sa pag papaaral ng dalawa kong kapatid. Kung saan may pera, doon ako."

"Makakahanap ka rin agad niyan, Mahal. Ikaw pa ba." Pangungumbinse ni Alyssa sa kasintahan. Bigla namang lumalim ang gatla sa pagitan ng mga mata ni Kiefer. Bakit parang may iba.

"Bakit besh, don't tell me hindi ka sasama sa amin ni Kiefer sa job hunting? Ang others ha, I'm hurt." Pagdadrama ni Ella. Bigla namang napailing si Alyssa kaya lahat sila ay napatingin sa kanya.

"May iba kang plano para sa sarili mo, Ly?" Hindi maiwasang tanong ni Kiefer. At alam niyang ganoon na lang kapakla ang tono ng boses niya.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now