Chapter 13

1.1K 48 6
                                        

Kaba

Pilit na inaabot ni Ella ang natipuhang slacks na nakadisplay sa clothes rack nang bigla niyang narinig ang pinipigilang tawa ng kasama. "Hoy Alyssa imbes na tumatawa ka dyan, bakit kaya di mo na lang iabot yang pants sa 'kin?" Turo nito sa nakasabit.

Inirapan lang siya ng kaibigan at di man lang sinunod ang sinabi. Abala rin ito sa pag tingin tingin ng mga nakadisplay.

Besh, wag ka kasi mag pants. Itong  plaid skirt kaya oh, fit mo rin kaya to kasabay nung itim, parang bagay to sa gray top na pinili mo." Sabay abot ng dalawang palda sa kaibigan.

"Eh Ly, mas kumportbale nga kasi ang pants. Kasi naman dapat sabay tayong magpapa interview e, nubayan!" Maktol nito.

"Hay naku Ella, wala na akong tinatago sa'yo at alam mo na lahat ng plano at dahilan ko, so wag mo akong i-guilt trip ngayon. Wag kang clingy masyado besh." Biro pa nito at pilit na pinapagaan ang loob ng kaibigan.

"Fine. Ito na po, magsususkat na. Shut up ka na dyan besh." Saka naglakad papuntang fitting room. "Ay, ano ba yan ang amoy utot naman dito besh. Dun nga tayo sa kabila." Sabay hila nito at sabay silang natawa dahil sa naalala.

Flashback

"Besh, cr tayo." Aya ni Alyssa sa kaibigan.

"Bakit, besh? May sasabihin ka? Ano ba yun? Kanina pa talaga ako hindi mapakali." Sabi ni Ella nang makapasok sila ng banyo.

Huminga ng malalim si Alyssa. "Ito na nga besh. Kasi ano, uhm... Yung isa sa mga lalaking dinala noon ni Auntie sa bahay.. uhm, muntik na akong gahasain ng hayop na yun.. muntik na besh kung hindi lang—"

"Jusko! Ang wrong timing naman kasi nung babae pagpasok kahapon sa CR eh, grabeng pasabog yun. Ang hayup ng amoy, ilang araw ba yun hindi jumebs." Halakhak na kwento ni Ella.

Natawa na rin si Alyssa habang naglalakad sila sa ibang fitting room. "Pero besh nakita ko talaga patulo na ung luha mo kahapon eh." Anito.

"Syempre besh, hindi kaya biro yung sinabi mo. Muntik kang ma-rape sa sarili mong bahay? Naalala mo ba mukha nun besh? Mabulok nawa ang kaluluwa nun. Teka, ano na pala nangyari dun? Ituloy mo na kasi kwento mo." Paghihikayat nito.

Tinulak ni Alyssa ang pinto ng fitting room saka itinuro kay Ella. "Pass na muna besh, ayokong bumigat na naman ang loob ko." Ngumiti si Ella sabay sara ng pinto. 

Pero agad rin niya itong binuksan at sinilip si Alyssa.  "Besh, nagtext si Alta. Swimming daw bukas sa clubhouse ng village nila."

"Seryoso besh, plain white shirt at white socks lang talaga bibilhin mo? Ang boring naman." Sabi ni Ella habang nagbabayad na sila sa counter.

"Huwag ka nga. Eh sa ito yung required outfit sa exam day. Boring o wala kang libre ngayon?" Pananakot nito.

"Ang sensitive mo naman besh. Sabi ko nga bagay sa'yo kahit basahan pa eh. Panloloko nito at parehas silang natatawa na lumabas ng department store.

++

"Kief!!! Ano bang problema mo sa buhay at nadamay ako dito? Paki paalala niyo nga sa aking dalawa kung bakit?" Buong pusong paghihimagsik ni Luigi habang hingal na hingal sa pagtakbo.

"Ang weak mo naman Alts. Buti pa tong si Pao tahimik at walang reklamo." Nilingon naman niya ang isa pang kaibigan at ganun na lang ang lisik ng mata nito. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin kanina pa siya bumulagta sa daan.

"Tara na mga chong! Last two rounds, buong oval. Tapos 15 minutes break, push ups at squats naman." Mando ni Kiefer at inakbayan na ang dalawa patungong oval.

Pilit pa rin na pumipiglas si Luigi ngunit wala din siyang nagawa. "Wow naman Kief, makautos ha, wagas! Conditioning coach ka ba?" Sabay na hinampas sa likod ang kaibigan.

"Don't tell me Kief tama tong naiisip ko kaya mo to biglang ginagawa lahat? Seryoso ka ba?" Tanong ni Pao habang mabagal na nag lakad-takbo.

Tanging tawa lang ang sagot ni Kiefer. "Tara na, timer starts in 5 minutes. Basta bukas sa gym naman tayo bago mag swimming sa hapon."

"Hoy ha—" Sigaw ni Luigi ngunit di na niya natuloy dahil iniwan na siya ng magaling niyang kasama. Naiwan naman siyang napapaisip sa sinabi ni Paolo.

++

Masayang nagkukwento si Alyssa kay Kiefer habang nasa tricycle sila patungo sa bahay ng huli. Iyon kasi ang araw na itinakda nang pagpunta ni Alyssa. Maghahanda si Mozzy ng hapunan kaya naman bago maghiwalay sina Alyssa at Ella sa mall ay naisipan niyang bumili ng cake at brownies bilang panghimagas. Nakakahiya naman kasing pumunta na wala man lang siyang dala.

Natatawa pa siya nang may naalalang sinabi si Ella. Napa angat siya ng tingin sa repleksyon nila sa salamin sa harap at nabahala siya ng mapansing parang may iniinda si Kiefer.

Mabilis niya itong binalingan at hinawakan sa balikat, "Okay ka lang ba Mahal? May masakit sa'yo?" Aniya at mabilis na tiningnan ang kabuuan nito.

Agad naman umiling si Kiefer. Pilit na itinatago ang sumasakit na katawan. Nasobrahan yata sila ng takbo at exercise.

Mabilis lang ang naging byahe nila at nang tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay nila, agad na kumunot ang noo niya nang mapansing natahimik si Alyssa at mukhang nag-aalala.

Kinuha niya ang mga dala ni Alyssa habang ang isang kamay ay ipinagsikop sa kamay ng nobya. "Relax, Hal. Alam mo namang boto sila Mama at mga kapatid ko sa'yo."

Huminga ng malalim si Alyssa saka sumagot. "Eh ang Papa mo kaya Hal? Never ko pa siya na meet, parang nakakakaba naman." Pinisil ni Kiefer ang magkahawak nilang kamay. "Mabait yun si Papa, Hal. Nauna kasi siyang umalis nung graduation kaya di mo na nakita."

Hindi rin maunawaan ni Alyssa kung bakit bigla ay parang binalot siya ng makapal na lamig.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now