Insecurities
Padabog ang bawat hakbang ni Alyssa habang nagliligpit sa nursery. Walang kapaguran naman siyang sinusundan ni Ella na patuloy ang pagsalita.
"Besh, halika na kasi. Saglit lang naman tayo eh. Milktea and brazo cups lang tayo tapos kaunting rampa sa mall. O tapos uwi na rin tayo." Kulit ni Ella sa kaibigan.
Hinarap siya ni Alyssa kaya nabitin sa ere ang dapat na sasabihin. "Eh ayoko nga kasi iwan ang kambal besh, kita mo nga oh at hindi pa ako ulit bumalik sa pagbake at pagbenta ng goodies ko eh. Balik ka na lang sa office."
Napahawak si Ella sa dibdib na animo'y sinaksak.
"Ouch besh. I'm so hurt. Nag half day nga ako para makadalaw dito sa kambal tapos para ayain ka na rin ng date. Hindi mo man lang ako mapagbigyan? Ganyan ka eh." Pagdadrama pa nito."Ang kulit besh. Yung kambal nga kasi." Agad na inangat ni Ella ang kamay upang patigilin na magsalita si Alyssa. "Andyan naman si Cora at si Ate Luring eh saka maximum na ang two hours. Promise."
Marahas niyang pinasadahan ng tingin ang buong katawan ni Alyssa. "Isa pa besh, you badly need a haircut. Tapos kailan ka pa huling nagpa mani-pedi? Kaya sige na please."
Namewang si Alyssa at tiningnan si Ella. "Sinasabi mo bang pangit na ako besh? Talaga ba? Haggard na o losyang level na talaga? Eh kasi naman besh parang na gu-guilty talaga ako na unahin ko ang sarili ko..."
Napaupo na si Alyssa sa daybed na nasa tabi ng kuna ni Klea. Tiningnan niya ang mga natutulog na anak. "..Feeling ko kasi besh dapat buong oras ko nasa sa kanila dapat. Ayokong malingat man—"
Maagap siyang tinabihan ni Ella at hinagod ang likod ng kaibigan. Hindi napansin ni Alyssa ang basa niyang pisngi. "Besh, hindi ko sinasabing haggard ka o what. Ang gusto ko lang naman sabihin eh dapat may time ka rin para sa sarili mo. Naiintindihan ko na sila na priority mo pero that doesn't mean eh pabayaan mo na ang sarili mo. Gets mo ako, di ba?"
Lihim na nagpunas ng luha si Alyssa.
Estrangherong mga ideya at pakiramdam ang pumasok sa isip pero pinili niyang balewalain ang mga iyon.
"Two hours lang besh ha?" Paniniguro niya kay Ella na mabilis na inangat ang palad na nangangako.
"Magpapaalam lang ako kay Kief." Sabi nito at akmang tatayo na para kunin ang cellphone sa dresser nang nagsalita si Ella.
"Alam to ni Kiefer, besh." Sabi niya at nag peace sign sa kaibigan.
Napabuntong hininga si Alyssa at sumalampak sa kama. "So pati si Kiefer pala eh napapangitan na sa akin. Mukhang ilang taon ba talaga ang itinanda ko besh?" Binangga ni Ella ang balikat sa balikat ni Alyssa. "Sssh, kilos na, besh. Para makaalis na tayo, habang di pa ako natutukso na kulitin ang dalawang yan." Nguso niya sa kambal.
Mabilis ang mga kilos ni Alyssa. Wala pa yatang limang minuto ay nasa harap na muli siya ni Ella.
Nagpaalam lang siya sa kambal sa pamamagitan ng paghalik at hinarap si Cora. Nakailang kamot na si Ella sa ulo bago niya kinalabit si Alyssa. "Besh, ang haba naman ng bilin mo kay Cora. Two hours lang tayo mawawala besh, alam na niya yan, di ba Ya?" Tanong niya rito at kinindatan.
Nakasalubong nila si Luring sa baba ng hagdan at sinabihan silang nasa labas na ng gate ang grab taxi kaya napalingon si Alyssa kay Ella. "Huwag ka na magdrive besh para less hassle.
Wala nang nagawa si Alyssa kundi ang tumango at magpatinaod.
Pagkapasok pa lang ng mall ay inabala na niya ang mga mata sa paligid habang mahina siyang hinihila ni Ella sa kung saan.
Napangiti siya sa namataang isang pamilya na masayang nagsasalo sa isang restaurant, sa grupo ng highschool girls na nagtatawanan, nagtutulakan, nagtutuksuhan. Sa college couple na nagbubulungan ng kung ano.
Sa kabilang dako naman ay grupo ng mga babae na naka office attire. Unti unting napawi ang ngiti ni Alyssa. Pinasadahan niya ng tingin ang mga ito.
Planchadong uniporme, kumikinang na mga low- heeled shoes, de kulay at sunod sa galaw na mga buhok, mga koloreteng sumakto lang sa mga mukha na naayon sa kulay ng balat.
Yumuko siya at tiningnan ang sarili. Naka maong shorts siya na kupas ang kulay, naka loose shirt na basta na lang niya hinila sa cabinet, ang basa at mahabang buhok na basta na lang pinusod pataas, ni lipgloss ay hindi na niya naisip pang maglagay, ni hindi rin siya nagatubiling magsapatos pa dahil sa naisip niyang magpapapedicure naman ay basta na lang niya isinuot ang flat na flipflops. Ni wala nga siyang dalang bag maliban sa bitbit na wallet at cellphone.
Tumigil si Ella at tumingin tingin sa mga nakadisplay na damit. Kinuha iyon ni Alyssa na pagkakataon na pagmasdan ang kaibigan.
Nakapalda ito na hindi umaabot sa tuhod. Tapos ay tinernohan ng kulay abo na short sleeved na blusa, tatlong pulgada ang heels ng itim na sapatos, may shoulder bag na sakto lang din ang laki. Natigil siya sa pagpuna nang kunin nito ang atensyon niya.
"Besh, ikaw ano bibilhin mo?" Tanong ni Ella na abala pa rin sa pagkuha ng mga natitipuhang mga damit.
Lumipad na naman ang isip ni Alyssa. Kailan nga ba siya huling bumili na para sa kanya? Nahilig siya sa online stores pero halos lahat ay gamit para sa mga kambal, minsan para kay Kiefer, ni isa'y wala para sa sarili.
Napalunok na lang si Alyssa at kunwari'y abala din sa pagtingin tingin hanggang sa wakas ay nagsawa na si Ella.
"Sure ka ba besh na wala kang bibilhin?" Tanong nito ng nasa counter na sila. Umiling lang si Alyssa.
"Kain na tayo after nito, besh?" Medyo sumama ang pakiramdam ko eh. Next time na lang siguro tayo mag salon?" Aalma pa sana si Ella ngunit sa mukha ni Alyssa alam niyang hindi na niya ito mapipilit.
Naging tahimik ito nang kumain na sila. Kahit ano pa ang banat na biro ni Ella ay simpleng ngiti lang ang tanging tugon niya. Wala ng ibang reaksyon kaya tahimik nilang tinapos ang pagkain.
"Salamat sa libre, besh. Promise bawi ako sa'yo next time." Sabi ni Alyssa at bineso ang kaibigan. Hindi pa man nakakasagot si Ella ay mabilis nang sumakay si Alyssa sa nakaparadang taxi.
"Cor, ang kambal?" Ani Alyssa nang sinilip niya ang nursery pagkarating ng bahay.
"Kakatulog lang ulit Ate Ly, nagising at naglaro kasi kanina pagkaalis niyo ni Ate Ella." Tumango lang si Alyssa at hindi na pumasok pa.
"Sa kwarto lang ako." Tipid na sabi niya.
Halos sampung minuto ng nakaupo si Kiefer sa kama nila ni Alyssa. Sampung minuto at tunog ng naka-on na shower lang ang ingay na naririnig niya mula sa banyo.
Gusto na niyang katukin si Alyssa kaso baka isipin nitong minamadali siya kaya hindi niya tinuloy.
Lumipas ang sampung minuto ngunit ganoon pa rin.
Hindi na niya natiis at mahina na siyang kumatok sa pinto.
"Mahal??"
Katahimikan.
"Mahal? Ly? Ayos ka lang dyan?"
Katahimikan.
xx

YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
ספרות חובביםMeet me halfway, I can't be the only one fighting.