Hinala
Biglang napamulat si Alyssa nang maramdamang wala na ang kanina'y hinahawakan na bag. "Sorry po, Ma'am, nasaktan ko po ba kayo?" Gulat na tanong ng manicurista at itinigil ang paglilinis sa kuko ng paa ni Alyssa. "Ay hindi naman, nakita mo ba yung bag ko, Ate?" May itinuro ang babae kaya nabigla si Alyssa nang lingunin iyon.
"Kanina pa ba siya, Ate?" Inangat ng babae ang tingin sa dingding, "Uhm, nasa 20 minutes na po yata naghihintay ang boyfriend niyo, Ma'am. Siya na nga rin po ang pumili nito dahil ayaw niyang gisingin ka pa." Napatingin si Alyssa sa mga kuko sa kamay at malaki ang naging ngiti. Tamang tama ang pinili ni Kiefer. Nabaling naman ang tingin niya sa pagod na itsura ng nobyo. Nakapikit na ito ngunit nakakunot pa rin talaga ang noo.
Nagulat si Kiefer nang may marinig na kung anong bumagsak kaya awtomatiko niyang tiningnan si Alyssa na ngayon ay tinitingnan rin siya. Mabilis niya itong nilapitan at hinalikan sa ulo. "Gutom ka na ba, Mahal? Bilhan kita something?" Umiling naman si Alyssa at tiningala siya. "Pagod na pagod ka. Naiinip ka na ba?" Tumayo ng tuwid si Kiefer, "Hindi naman, Mahal. Nakakaantok lang yung lamig ng aircon." Palusot niya rito kaya pati ang manicurista ay natawa rin. "Malapit na po to, Ma'am, Sir."
Titigil pa sana si Kiefer sa counter at akmang bubunot ng wallet nang bigla siyang hilahin sa kamay ni Alyssa palabas ng salon. "Kanina pa ako nagbayad, Mahal. Tara, kain na tayo. Gutom na kami ni baby." Hawak kamay silang naglibot sa mall, hinahanap kung ano ang gusto ni buntis. "Mahal, ano ba ang gusto mong kainin? Parang nadaanan na ata natin halos lahat ng resto eh." Hindi sumagot si Alyssa bagkus ay abala ang mga mata sa kung saan saan. "Mahal, parang gusto ko mag food court. Oo, tama, food court."
"Sure ka ba dito, Mahal?" Tanong ni Kiefer sa kanya. Dalawang tray ang sa kanya habang isa ang hawak ni Alyssa. Hindi na niya mabilang kung ilang ulam ang tinuro at pinili ni Alyssa. Kinokontra niya ang mga tingin niya'y masyadong mamantika o di kaya'y maalat ngunit ang laging palusot ng isa ay ngayon lang naman daw kaya hinayaan na lang niya si buntis. Sigurado naman siyang hindi iyon mauubos ni Alyssa at puro takam tingin lang.
"Oops, sorry. Thank you, Lord." Sabi ni Alyssa ng dumighay ito. Hindi halos makapaniwala si Kiefer na muntik maubos ni Alyssa ang mga pagkain. Kung may mga tira man at pinaubos sa sakanya eh halos kakarampot o kakaunti na lang iyon. "Grabe, Hal sobrang busog ko." Reklamo niya kay Kiefer. Huli na ng matanto ni Kiefer na kinain niya nga pala ang mga tira ni Alyssa. Baka antukin siya nito pagkatapos. "At least, magana ka na kumain ngayon, Mahal. At mukhang friends na kayo ulit ng sibuyas." Puna ni Kiefer na ikinatawa ni Alyssa. "Oo nga, ano? Very good, baby." Sabi niya at hinaplos ang tiyan.
"May gusto ka pa bang puntahan o bilhin, Mahal?" Tanong ni Kiefer nang makaalis sila sa food court. "Gusto ko sana bumili ng iilang mga damit, kaso parang ayoko sa masyadong crowded, Mahal eh." Napansin niya namang mas naging mabagal ang paghahakbang ni Kiefer. "Okay ka lang ba?" Ilang beses pang humikab si Kiefer bago nakasagot. "Inantok ako bigla, Hal. Di ko dapat kinain ung tirang food mo eh." Natawa tuloy si Alyssa kahit mukhang nakakaawa si Kiefer. Mula ng nabuntis kasi siya napansin niyang naging submissive si Kiefer sa mga bagay bagay. Takot yatang sumama ang loob niya rito.
"Ganito na lang, Mahal, since tinatamad na rin ako maglibot at inaantok ka, uwi na lang tayo pero ako na yung magdrive." Maagap niyang tinakpan ang bibig ni Kiefer na tiyak niyang kokontra na naman. "Kaya ko, Mahal at para safe din tayo makauwi. Saka ngayon lang to, pangako."
"Mahal, bakit never ka nagdadala ng kotse nung nasa college tayo?" Takang tanong ni Kiefer nang nasa daan na sila pauwi. "Uhm, wala lang. Parang di ko lang feel nun eh." Tumango si Kiefer tapos ay ibinaling ang tingin kay Alyssa. "Mahal, pinipilit ko talagang di makatulog pero nakakaantok talaga yung bagal mo mag drive." Biro nito kaya agad siyang tinampal sa braso. "Mang-iinsulto pa eh. O siya idlip ka na, gigisingin na lang kita mamaya, Hal."
"Good evening Ly, Kief." Masayang bati ni Luring nang pagbuksan niya ang mga ito. Patago namang sinenyasan ni Luring si Kiefer kaya tinanguan niya ito. "Mahal, inom ka kaya muna ng gatas mo?" Paalala niya rito. "Ha? Eh busog pa ako, Hal. Maya na lang siguro." Hinawakan siya ni Kiefer sa kamay at mahina tong hinila. "Samahan mo na lang ako sa kusina kung ganun." Napailing na lang si Alyssa. Nag-iisip kung ano ba ang meron at bigla itong umaakto ng ganito.
"So..?" Sabi ni Alyssa at patanong na tinitigan si Kiefer. Hindi naman siya tinugon nito kundi mas hinatak lang papunta sa mesa na nasa gilid ng oven.
"Oohh." Mahiwagang sambit niya. "Anong meron?" Tanong niya nang may nakitang isang kalakihang kahon na puti at may ribbon sa tuktok. Nagkibit balikat si Kiefer at napamulsa. Masuyong sinuri iyon ni Alyssa ng malapitan at nang may nakitang card na may pangalan niya ay mabilis na gumuhit ang malaking ngiti sa labi.
"Mahal?" Tumango si Kiefer at sumupil ang ngiti. "Surprise ko sa'yo, Mahal. Buksan mo na." Parang bata itong sabik na sabik ng buksan iyon. Agad siyang napasinghap nang makita ang mga laman nun. Isa-isa niyang nilabas ang mga iyon at hindi na napigilang humiyaw nang makitang isang complete set yun ng baking materials at may hand mixer pa. Lahat sa paborito niyang kulay. O yung bago niyang kinahuhumalingan simula ng nabuntis siya.
Sinugod niya ng yakap si Kiefer at hinalik halikan pa ito ng ilang beses. "Thank you, Mahal. Kaya pala may senyasan kayo ni Ate Luring ha. Grabe paano mo nalaman yung sa kulay?" Pagtataka nito. "Well, keen observer ako, Mahal." Mayabang niyang sagot at natawa pa ito. "Medyo nalito pa nga ako kung red orange ba o kaya lighter shade ng brown. Tapos pinakita ko sa saleslady yung sample, sabi niya ang tama raw eh color..
"Terracotta." Sabay na sabi nila at natawa.
Muling niyakap ng mahigpit ni Alyssa ang nobyo. Kaya biglang naalala ni Kiefer ang dapat niyang itanong rito. "Mahal, napansin ko lang tiyan mo kanina tapos ngayon naramdaman ko kasi niyakap mo ako.. Uhm.. Wala ba kayong lahing kambal, Mahal?" Kuryosong tanong ni Kiefer kaya agad na bumaba ang tingin ni Alyssa sa umbok ng tiyan niya.
"Nagbasa basa kasi ako, Hal. Usually kapag two months parang hindi pa naman talaga halata, or baka iba iba lang talaga." Paliwanag niya pero mas natuon na ang atensyon ni Alyssa sa sarili at hinaplos haplos ang tiyan.
"Kayo ba, Mahal, may lahi ba kayong kambal?" Balik tanong ni Alyssa. Umiling si Kiefer habang malalim na nag-iisip. "Parang wala din yata, Hal eh, sa pagkakaalam ko ha."
"Sure ka?" Tumango si Kiefer. "O eh di tara na at baka maihabol pa natin at malay natin eh maging kambal na talaga." Natatawang sabi ni Alyssa saka iniwan si Kiefer na napatulala.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)