Chapter 18

977 50 10
                                    

Huli

"Uhm, ah. Ma- uhm, magsasalita na ako." Nauutal na sambit nito kaya natuon ang atensyon ng lahat sa lalaki. Hindi naman nakatakas kay Alyssa ang matatalim na tingin na ipinukol ng Auntie Delly niya para sa lalaki.

Ramdam ng lalaki ang mabibigat na titig ni Delly ngunit hindi siya nagpatinag dito. Bagkus ay tinuon ang tingin kay Alyssa. "Ako nga pala si Rommel, magkarelasyon kami ni Delly nung mga panahong yun."

"Pumirmi ka riyan Delly!" Sigaw ni Rommel nang akmang tatayo na ang babae at mukhang iiwas sa usapin. Nasindak ito kaya napabalik din ito agad sa pagkakaupo.

"Isang pang karaniwang gabi lang naman ang gabing iyon. Mga taong nagsusugal, nagtatawanan, nagkakantiyawan, nagiinuman. Naglalaro si Delly nun sa isa sa mga mesa. Nung medyo malalim na ang gabi nilapitan ko siya, naglalambing. Kaso medyo mainit ulo niya nun, panay talo eh. Kaya hinayaan ko muna."

"..Nung nilingon ko siya ulit wala na siya sa kinauupuan niya kaya hinanap ko. Natagpuan ko siya sa kusina nun. Medyo badtrip pa rin siya nun eh. Tapos biglang inalok niya ako ng isang baso na may lamang alak na malugod kong tinanggap at tinungga. Tinanong ko pa siya nun kung bagong alak ba yun kasi sobrang init sa lalamunan pero nagkibit balikat lang siya. Inabutan niya ako ulit ng isa pa, tatanggi pa lang ako nun nang biglang sinabi niya na ibigay ko raw kay Bong." Tiningnan niya si Bong at agad naman itong tumango.

Napansin ni Rommel na hindi na mapakali si Delly at pinandidilatan siya nito. "Saktong pumasok rin ng kusina si Bong nun at naglapag ng pinggan sa lababo kaya si Delly na mismo ang nagbigay ng inumin. Narinig ko pang tumanggi si Bong kaso nagawa niyang mapilit hanggang sa naubos nga ni Bong yun."

"..Nang maiwan kaming dalawa sa kusina hinigit ko siya palapit sa akin para mahalikan kaso umiwas siya. Hinawakan niya ako sa kwelyo at binulungan na hintayin ko raw siya sa kwarto niya at susunod na lang siya. Nagtanong ako kung saan ba at sinagot niya akong pag-akyat ko ng ikalawang palapag, yung unang kwarto na nasa kaliwa." Napaawang ang labi ni Alyssa sa narinig at napakuyom ng kamao.

"Sinabi niyang kunin ko na lang raw ang susi kay Bong kaya agad ko tong hinanap. Nagpasuray-suray na akong naglalakad nun paakyat, iba ang pakiramdam kong epekto ng alak na yun. Nag-iinit ang katawan ko na para akong lumilipad sa hangin. Napansin ko namang ang bagal ng lakad ni Bong, pawis na pawis siya at halos napapatulala lang kaya hinila ko siya agad patungo sa silid na sinabi ni Delly. Dahil sa hilong hilo na ako ilang beses ko pang pinihit ang pinto kaso nga nakalock kaya inantay ko si Bong na masusian yun. Nang magawa ay agad na akong pumasok at naghubad ng pang itaas. Napukaw na lang ako nun nang may maramdamang bagay na inihataw sa ulo ko. Patawad Alyssa pero yun talaga ang katotohanan. Hindi ko binalak na bastusin ka. Patawad na pinilit kong halikan at hawakan ka, patawad." Napatayo si Kiefer at nagdilim ang mukha, mabilis naman siyang napigilan ni Mozzy na humakbang palapit kay Rommel.

Agad namang nagsiunahan ang pagpatak ng mga luha ni Alyssa. Hindi makapaniwala sa mga natuklasan. Gusto niyang magsalita pero pakiramdam niya ay bigla siyang napipi.

"Patawad Alyssa na naging mahina ako nung gabing iyon at hindi kita naprotektahan. Patawad na nagpatalo ako sa epekto ng kung ano mang inumin ang ibinigay ni Delly sa akin. Patawad rin na natagalan bago ako nakapagpaliwanag. Sa tuwing binabalak kong pumunta rito noon para mabigyan hustisya ang nangyari, hinaharang at tinatakot ako ni Delly. Ilang beses niya rin akong binalaan na pag tinuloy ko ang balak ko eh babaliktarin niya lahat ng nangyari. Kaya dumistansya ako. Wala akong ideya noon na magkakilala kayo ng anak kong si Kiefer. Nagulat na lang din ako nang makita ka sa graduation niya. Gusto kita nun lapitan pero naisip ko na dapat mahanap ko muna si Rommel bago ka harapin. Pasensya na at nahirapan din akong hanapin siya. Nang una kong narinig ang kwentong to kay Rommel, abot langit din ang galit ko dahil naloko kami ng isang babae para lang masaktan ang sarili niyang pamangkin kaya minarapat kong magsama na rin dito ng pulis."

Nilingon ni Bong ang isa pang lalaking kasama nila. Tumayo ito at tumingin kay Alyssa, "SPO3 Jimenez po Miss Valdez. Kung ano man ang magiging desisyon mo dahil sa mga narinig mo ngayon, nandito ako para alalayan ka."

Mabilis na tumayo si Alyssa at mariing tiningnan ang tiyahin. "Auntie, siguro naman hindi mo nakakalimutan ang usapan natin. Sabi ko isang pagkakamali at palalayasin ko kayo rito ng anak mo!" Napailing si Delly, takot na takot na salubungin ang tingin ng pamangkin.

"Umalis ka na Auntie habang may natitira pa akong maliit na respeto sa inyo. At huwag na huwag kang magkamaling magdala ng kahit isang gamit dahil pera ko, pera ng magulang ko ang ginamit mo! Pinagkatiwalaan kita! Naturingan ka pa namang kapatid ni Mama pero nagawa mo to sa akin! Sa amin!" Akmang susugurin nito ang babae nang agad siyang niyakap at pinigilan ni Kian. Ramdam ni Alyssa ang panghihina ng mga tuhod kaya napadausdos siya ng upo sa sofa habang walang tigil pa rin ang paghikbi.

"Auntie, please lang umalis ka na!" Asik ni Kian. Hinarap naman niya ang pulis," Ah Sir, bale magrerequest po sana ako na hindi siya pwedeng lumapit sa amin ni Ate at lalong lalo ng hindi na sila pwedeng umapak dito sa bahay ng anak niyang si Trey."

Tumango ang pulis na mabilis na nilapitan ni Kiefer at may mga sinabi ito rito.

"Auntie, isang tanong. Anong ginawa mo kay Manang Letty?" Tanong ni Alyssa nang makitang pahakbang na ang tiyahin. "Sumagot ka! Hindi yun basta aalis dahil sampung taon na siyang naninilbihan sa amin at tinuturing niya kaming anak ni Kian. Anong ginawa mo sa kanya? Sagot!" Umaalingawngaw na sigaw niya.

"Ginalaw siya ng isa sa mga—" Bigla siyang dinuro ni Alyssa. "Hayop ka! Wala kang puso! Maghanda ka na Auntie at rehas na ang kapiling mo simula mamaya." Umiling si Delly, nagmamakaawa. "Sir, kayo na po ang bahala, ipapahanap ko po agad yung biktima para makapagbayad ang mga taong may sala." Sabi ni Kian sa pulis na agad namang nilapitan si Delly.

Nilapitan ni Kian ang kapatid na walang tigil pa rin ang pag-iyak. Inalalayan niya ito tumayo. "Ate Ly, tara na, pahinga ka muna."

Nakailang hakbang palang sila nang biglang mawalan ng malay si Alyssa.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now