Chapter 9

1.2K 47 14
                                        

Ipis

ISPIGI

Naiilang na nakasunod si Alyssa kay Kiefer nang pumasok sila sa Inn. Agad naman nila itong nakita kanina, medyo may kaulamaan na ang istruktura kaya naman hindi niya maiwasan ang matakot.

"Sir, short time po ba? Tanong nung nasa front desk kay Kiefer. Napantig ang tainga niya sa narinig kaya mabilis na lumapit si Alyssa dito. "Two regular rooms po yung kukunin namin.. Sir."

Masungit siyang tiningnan ng lalaki. "Short time po o 12 hours?" Muli ay tanong sa kanya. Alam ni Alyssa kung ano ang ibig sabihin nun at ayaw na niya itong patulan kaya mabilis siyang sumagot ng 12 hours. Sandaling umalis ang lalaki at pumanhik sa second floor noon.

Hinihingal pa itong bumalik saka sila muling hinarap. "Ma'am, Sir, isang room na lang po kasi ang available namin. 900 pesos po yung 12 hours. Pa fill up na lang po ako nito." Sabay na inabot ang papel kay Kiefer.

"Wala na ba talagang iba, Sir? Kahit yung pinakamaliit na lang na mayroon kayo." Si Kiefer.

"Naku may isa kaming bakante kaso nga lang andaming tulo ng kisame." Napangiwi naman si Alyssa sa narinig. "Yung isang available po ba na sinasabi niyo ay two separate beds?" Inosenteng tanong nito.

Impit namang natawa ang lalaki. "Naku Miss, motel po ito so tig iisang kama lahat ng silid namin." Nagulat man ay piniling hindi na nagsalita ni Alyssa. Masyado na siyang napahiya.

Parehas silang tahimik ni Kiefer nang nilalakbay nila ang pasilyo sa ikalawang palapag. Nasa dulo pa noon ang kwarto nila. Hindi na masyadong nag expect si Alyssa sa itsura ng magiging kwarto. At hindi nga siya nagkamali. Masyadong maliit ang double sized bed. May aircon nga pero ganoon na lang kaingay ang makinarya nito, at may nag iisang silya sa gilid. Mabuti na lang at malinis naman ang kabuuan ng kwarto at maging ang maliit na banyo.

"Sorry talaga Mahal. Kung hindi ko sana plinanong dahil ka sa dagat eh hindi tayo mapapadpad dito." Muli ay paghingi ng paumanhin ng nobyo.

Inilapag ni Alyssa ang maliit na bag sa upuan bago hinarap si Kiefer. "Isang sorry mo pa Mahal, magagalit na talaga ako sa'yo." Banta nito.

"Okay, hindi na. Mauna ka ng mag shower Mahal. Para mapatuyo na rin natin ang mga damit natin pagkatapos." Tahimik namang sinunod iyon ni Alyssa. Mabuti naman at may dalawang tuwalya at isang roba ang maayos na nakatupi sa kama.

Pagpasok sa banyo ay may maliit na sabon naman at sachet ng shampoo. Iba ang pakiramdam ni Alyssa sa lugar na iyon. Tingin niya anumang oras ay may lilitaw na kung ano sa banyo. Dagdag pa ang nakakatakot na itsura ng salamin. Luma na kasi ito at may kung anong mga mantsa na rito. Gustuhin man niyang tawagin si Kiefer ay ganoon na lang din ang hiya na nararamdaman niya. Una, sila lang ang nasa silid na ito. Pangalawa, parehas pa silang basang-basa. Napakamot na lang siya sa ulo at nagpasyang ililigo na lang ito at baka magkasakit na talaga siya.

Iyon na ata ang pinakamabilis na ligo ni Alyssa sa tanang buhay niya. At ang weird ng feeling niya na nakaroba man siya ay wala naman siyang saplot sa ilalim noon. Basa rin kasi ang underwear at bra niya kaya wala siyang ibang choice.

Hindi siya makatingin ng maayos kay Kiefer pag labas niya ng banyo. At hindi niya rin matanggal ang naka krus niyang mga braso sa dibdib. Masyadong presko ang pakiramdam niya sa bahaging iyon. "Mahal, nag order na ako ng makakain natin. Pagbuksan mo na lang, maliligo lang ako." Tumango lang si Alyssa at naupo na sa kama. Itetext na lang niya ang kapatid na si Kian na hindi siya makakauwi at magpapalipas ng gabi sa kaibigan. Sorry Lord, white lie po.

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now