Duda
Halos lutang si Kiefer habang pauwi ito. Hindi mawaglit sa isip ang lahat ng nangyari sa umagang iyon. Aminado naman siyang nagulat siya noong una, tingin niya'y normal na reaksyon lang naman iyon. Ngunit ang totoo buong puso niyang tinatanggap ang dinadala ni Alyssa at handang handa siyang panagutan ito.
Dire-direcho siyang pumasok ng bahay at tutuloy sana sa kwarto niya nang napansin siya ni Mozzy. Maging si Bong na naghahanda para mag trabaho ay napatigil sa pagsuot ng medyas. "Tapos na ba ang exam, nak? Ang bilis naman yata?" Kuryosong tanong ng ina.
Napakamot ng ulo si Kiefer at naupo sa sofa. Bakas ang pagiging balisa kaya agad na tinabihan siya ng mag-asawa. "Pa, Ma, hindi nasiyahan si Alyssa na nakita ako kanina sa exam venue. Tapos bigla na lang siya nawalan ng malay kaya dinala ko agad sa malapit na hospital. Tapos, bale, ayun nalaman namin na, na buntis siya." Halos pabulong na sabi niya.
Nanlumo si Mozzy sa narinig na napayuko siya at hindi na napigilan ang mga luha. Habang si Bong naman ay napahilot ng sentido. "Sorry po kung napaaga, alam ko naman na dapat kong inuuna ang paghahanap ng trabaho para po makabawi na ako sa inyo at makatulong sa mga kapatid ko."
"Kief, Kief.." Pigil ng ama niya sa kanya. "Hindi kami nag-anak ng Mama ninyo para pagdating ng panahon eh kami naman ang pagsilbihan. Hindi yun ganoon. At alam naman namin na sooner or later bubuo din kayo ng kanya-kanyang pamilya. Yun nga lang napaaga nga ito. Pero wala ng point kung magsisisihan pa tayo rito." Sabi ni Bong sa anak.
Napayakap bigla si Mozzy sa anak. "Magiging Daddy na ang panganay namin. Ano ang plano niyo ni Alyssa? Kahit na napaaga yan, blessing yan, anak." Napangiti si Kiefer sa sinabi ng mga magulang. Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. "Gagawin ko po ang tama, Pa, Ma. Papanagutan ko po at papakasalan ko po si Alyssa. Maghahanap ako ng trabaho para mabigyan sila ng maayos na buhay. Pero huwag po kayo mag-alala, tutulong pa rin po ako sa inyo kahit papano."
Hinagod ni Mozzy ang likod ni Kief at tiningnan ang asawa. "Hindi naman kasi kailangan, Kief. Ano naman ang silbi ko bilang padre de pamilya kung ipapasa o iaasa ko sa'yo ang obligasyon ko? Hindi naman ako imbalido. Hindi ganun yan, anak. Magsisikap ka ng sarili mo para sa bubuoin ninyong pamilya, hindi para sa amin. Huwag mo na kaming isipin, okay?" Ani Bong kaya tumango-tango si Kiefer.
Pumalakpak na tumayo si Mozzy. "Eh di tara na Kief at mamalengke, maghahanda tayo para dalhin kina Alyssa mamayang hapunan. Agahan mo ang uwi mamaya, Bong." Sabi nito sa asawa. Aalma pa sana si Kiefer ngunit ayaw niya namang sirain ang mood ng nanay niya kaya't nagpatinaod na ito. Ang ina rin ang masayang nagbalita sa dalawa niyang kapatid na hindi rin mapigil ang tuwa at excitement sa nalaman.
++
"Good afternoon, Ly. Pasensya na hindi kami nakapag abiso ng mas maaga na pupunta kami rito." Sabi nito sabay na niyakap si Alyssa.
Tipid na ngumiti si Alyssa. "Okay lang po, Tita. Hindi rin po ako nasabihan ni Kiefer kaya kagigising ko lang din po." Sagot niya ngunit ang mga mata ay matalim na nakatingin sa nobyo.
"Excuse me po muna, magpapahanda lang po ako ng early dinner kay Ate Luring." Agad siyang napigilan sa braso ni Mozzy. "Kahit ang rice na lang Ly, nagdala kami ng mga ulam." Nagulat man ay alam na alam ni Alyssa ang rason kung bakit narito ang buong pamilya ni Kiefer. At ang magaling na iyon ay hindi man lang siya nagawang sabihan. Niyakap rin siya ni Dani habang tinanguan lang siya ni Thirdy. "Congrats, Ate Ly." Sabay na bati nila na nginitian lang nito.
Nakasalubong pa niya si Bong nang tumungo siya sa kusina. "Good afternoon, Ly." Bati nito sa kanya. May mga inilapag itong food pans sa la mesa. Agad na napadigwa si Alyssa nang may naamoy kaya napatakip siya ng bibig at itinuro ang pagkain kay Bong na ilayo ito sa kanya. Hindi na napigilan ni Alyssa ang pag-ikot ng sikmura at tuluyan na itong tumakbo sa Cr. Nagulat pa siya nang may humahagod sa likod niya.
Inabutan siya ng tissue ni Kiefer nang matapos ito. "Tubig, Mahal." Sabay abot ng baso. Tinanggap iyon ni Alyssa ngunit agad na tinalikuran si Kiefer.
"Ate Luring, good for ten people yung sasaingin mo ha. Tapos pa ready na lang din ako ng mesa." Utos niya sa kasambahay.
Ramdam pa rin ni Alyssa ang pagsunod ni Kiefer sa kanya kaya nagpasya siyang pumunta sa likod bahay. Doon sigurado siyang walang makakarinig sa magiging pag-uusap nila.
Naupo siya sa isang mahabang upuan at nilaro laro sa paa ang mga nagkalat na dahon. "So, ilang sorpresa pa ang binabalak mong ibigay sa akin sa araw na to, ha Kief? Akala mo ba nakakatuwa?"
"Sorry, Ly." Sabi nito saka umupo sa tabi ng nobya. "Puro na lang ba sorry? Ano man lang ba yung tinext mo ako na pupunta pala kayo dito nang naihanda ko man lang ang sarili ko? O ano man lang ba ung ikaw na muna ang pumunta dito at mag-usap tayo na tayo lang muna? Mahirap ba gawin yun?" Tanong niya na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Kiefer.
"Hindi din naman naging madali sa akin Mahal ang sabihin kina Papa at Mama. Alam kong nadisappoint ko sila. Kaya nung nakita kong natanggap nila ang sitwasyon at masaya sila, hinayaan ko na si Mama na maging punong abala. Patawad na hindi ko na consider yung mararamdaman mo." Huminga ng malalim si Kiefer at aabutin sana nito ang kamay ni Alyssa ngunit ipinagdamot iyon sa kanya.
"Yung sa exam kanina, sorry na talaga Mahal. Naipaliwanag ko na sa'yo ung tungkol doon kaya sana mapatawad mo na ako." Malungkot na sabi nito.
"Yung rason mo kasi eh para makasama ako di ba? Hindi yun ganun eh. Alam mo ba kung ano? Takot ka sa LDR. Na kung tutuusin sana anim na buwan lang naman yun." Tumango si Kiefer. "Hindi ko din naman ipagkakaila yan." Pag-amin niya.
"Takot ka sa LDR kasi baka maghiwalay tayo ng tuluyan?" Mapang hamon na tanong ni Alyssa na piniling hindi sagutin ni Kiefer.
Umiling si Alyssa. "Hindi distansya ang magpapahiwalay sa atin Kief, kundi yung wala pa man eh nagdududa ka na."
Umalis si Alyssa at iniwan si Kiefer sa sariling pag-iisip. Paano ko pa mapapapayag sa kasal si Alyssa kung ngayon pa lang wala akong tiwala sa relasyon na mayroon kami.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.
![Meet Me Halfway [KiefLy]](https://img.wattpad.com/cover/225225088-64-k233177.jpg)