Chapter 4

1.3K 50 5
                                    

Truth

Apat na pares ng mga mata ang nakatutok sa kanya ngunit ni isa ay walang nangahas na magsalita o magtanong. Ilang beses pang napa buntong hininga si Kiefer. Naglalaban sa utak niya kung magsasalita siya o hindi.

"Chong, magpapatuyo lang kami. Hinga lang." Pambasag ni Luigi sa katahimikan tapos ay isa isa na silang nagsitayuan mula sa gilid ng pool. Tumango lang siya nang tinapik nito ang balikat niya.

Naramdaman naman niyang hinawakan ni Alyssa ang kamay niya. "Mahal, andito lang kami."  Pagkatapos ay mahinang pinisil ang nakahawak na kamay. Tahimik lang sila habang nakadantay ang ulo ni Alyssa sa kanyang balikat. Napapikit siya ng mariin habang nag uunahan namang bumalik sa isipan ang mga memorya ng nakaraan. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Ilang beses pa siyang napakurap kurap saka humugot ng mahabang hininga bago ibaling ang atensyon sa katabi. "Mahal, magbihis ka na baka lamigin ka na oh." Tiningnan siya ni Alyssa, na may mga matang nagtatanong at nangungumbinsing magsalita pa siya. Pinilit niyang ngumiti, "Okay na ako, Mahal sorry kung pinag alala kita, kayo."

Tumayo na siya saka inilahad ang kamay na siyang mabilis na tinanggap ng babae. "Nagulat lang kami sa pagsigaw mo kanina kaya kami nag alala, Mahal." Napa awang naman ang bibig niya, ni hindi niya namalayan kanina na sumigaw pala siya. Agad naman siyang niyakap ng kasintahan. Kahit pa nabasa siya ay mas nanaig ang init ng yakap na taglay. Init na nagpakalma sa mga demonyong nagbabalik sa kanyang isipan.

Dahil napagaan naman na ang loob niya, pinilit ni Kiefer na mas makisaya sa mga kaibigan. Ayaw naman niyang siya pa ang makasira sa lakad nila. First time pa naman nila itong outing na swimming. Madalas silang sama sama na namamasyal pero madalas ay road trip at kain sa kung saan lang nila mapagtripan.

Napagpasiyahan nilang kumain ng hapunan ng mas maaga ng sa ganoon ay may time pa silang mag night swimming. Gusto kasi nilang sa kanila ang pool. Hindi na nila pinilit pa si Kiefer na sumali sa kanila. Maging si Alyssa ay hindi na rin siya kinulit. Naappreciate niya namang nirerespeto nila ang space na nais niya.

Masaya niyang pinagmasdan ang mga nagkukulitan. Paminsan minsan ay nilalapitan rin siya ni Alyssa kahit pa pinipili nitong di magsalita. Nang mag alas otso at nanawa na sa tubig ay umahon na rin ang mga ito at nagpalit.

"Oy ano? Anong next activity? Syempre bawal tayo mag inuman guys. Pero may dala akong baraha." Sabi ni Ella nang matapos na itong magtuyo ng buhok.

"Hindi ko alam na sugarul ka pala Ella. Ikaw ha." Bara ni Luigi sa kanya. Kaya mabilis itong umilag sa tinapong unan ni Ella sa direksyon niya.

"Alam niyo paalala niyo nga sa akin kung bakit nasa circle of friends natin itong si Luigi?" Gigil na sabi ni Ella na ikinatawa naman nila.

Naglatag naman ng mga unan si Ella sa sahig. "Ganito na lang, tanong ko, sagot ko. Ano? Laro na lang tayo ng cards, unggoy unggoy bilang mga unggoy kayo." Sabi niya habang binibilang ang mga baraha.

"Wow Els, bagong bago yang naisip mong laro. Naubos ata energy mo sa pag-iisip niyan." Biglang singit ni Pao.

"Ang eepal niyo talaga. Eh ayaw niyo sumagot. Basta kada round kung sinong talo eh may choice ng truth or dare." Isa isa naman niyang tiningnan ang mga ito at pasalamat niyang wala namang tumutol kaya inumpisahan na agad niya ang pag balasa.

May pag-aalinlangan man, pinili nang hindi kumontra ni Kiefer. Baka ito na ang paraan para masabi niya ang katotohanan sa mga kaibigan.

"Basta ganito lang ang rules natin ha, yung ipapagawang dare lang eh yung makatao lang, basta yung hindi naman mapapahiya o nakaka degrade. Basta gets niyo na yun." Pumalakpak naman si Luigi, "Ang bait mo talaga Ly. Mabuting may rule na ganyan, knowing Ella, naku baliw yan eh." Mabilis namang inangat ni Ella ang naka kuyom na kamao at pinakita kay Luigi.

"Tapos pag sa truth, may isang chance na pwedeng mag pass ang tatanungin, kaya magpapalit na lang ng tanong. Tapos isa lang pwede ang follow up question. Fair enough, guys?" Tumango naman ang bawat isa. Lihim naman na napangiti si Kiefer, alam niyang kahit papaano ay naiisip siya ni Alyssa kaya't nakaisip ito ng ganoong patakaran.

"Booooo! Ano ba yan Alts, ikaw pinakaunang talo? Weaaak!" Tukso ni Ella. At dahil si Alyssa ang unang nakaubos ng baraha siya ang magtatanong kay Luigi. "Truth or dare?" Mabilis namang 'dare' ang sagot nito kaya naman napagdiskitahan siya ni Alyssa na lagyan ng make up sa mukha.

Para sa next round ay si Alyssa naman ang talo. Dare ang pinili niya at pinasayaw naman siya ni Pao sa loob ng tatlong minuto sa kantang "Careless Whisper." Pulang-pula man ay ginawa pa rin ni Alyssa sa ngalan ng laro. Napuno ng tawa ang silid dahil panay rin ang video at kuha nila ng mga litrato sa mga kalokohan nila.

Nagpatuloy lang sila sa laro. Si Ella ay pumili ng dare at pinagtripan siya ni Luigi na pakantahin ng ABC pero sa baliktad na paraan. Tawa sila ng tawa dahil tuwing magkakamali ay kailangang bumalik ulit sa letrang Z si Ella. Napipikon na siya dahil paulit ulit din siyang nagkakamali ang kaso ay wala siyang choice kundi magawa ito ng tama.

Ang sumunod na natalo ay si Pao. Si Kiefer naman ang nagpapili kung ano ang gusto nito. Agad namang dare ang pinili kaya medyo matagal napaisip si Kiefer. Nag iisip siya ng kalokohan nang bigla namang mag countdown ang mga kasama.

"5,4,3.." Sabay sabay na bilang nila Ella, Alyssa at Luigi.

"O sige eto na, chong. Ililibre mo kaming lahat sa susunod na tatlong Wednesday meet ups natin." Tarantang sagot ni Kiefer.

Agad namang nag cheer si Ella at Luigi. "Ayun naman, damay damay na. Nadala ka din sa pressure, chong." Natawa naman si Kiefer habang mukhang nalugi naman si Pao.

"Ang chochonggo niyo talagang mga unggoy kayo!" Reklamo ni Pao. At hindi pa siya natahimik sa pag aalma kahit nakausad na sila sa next round.

Bigla naman naghari ang katahimikan nang si Kiefer at Pao na lang ang may hawak ng mga baraha. Hanggang sa nanalo na nga si Pao.

Si Ella ang may pagkakataon na papiliin si Kiefer. Nilingon ni Kiefer si Alyssa bago siya sumagot ng "truth".

Huminga ng malalim si Ella bago nagsalita. Kinakapa ang mga salita bago isatinig ang mga ito. "Hmm, Kief, anong nangyari sa pool kanina?"

Mabilis ang naging pintig ng puso ni Kiefer. Pakiramdam niya ay alin man sa mga oras na yun lalabas na ito sa dibdib niya.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now