3

388 15 2
                                    

Patrick's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni Gab dahil mamayang madaling araw ay aalis na din kami nila Amanda. Hindi lang basta kaibigan namin si Amanda tinuring na namin syang tunay na kapatid namin ni Gab. Maswerte nga kami dahil naging kaibigan namin sya at sobrang bait nya pa sa amin.




"Pat tawagan na kaya natin si Amanda, dito na natin sya patulugin." Sabi ni Gab.





"Alam mo Gab naawa ako sa kaibigan natin kasi nagagawa nya pa din ngumiti sa kabila ng lahat ng nararanasan nya sa kamay ng parents nya." Sabi ko kay Gab.

   




"Kaya dapat mas mahalin natin si Amanda, tawagan na natin sya para dito na sya matulog." Kinontact nya naman agad si Amanda at niloudspeaker naman ni Gab yung phone nya.





"Amanda? Ready na ba ang gamit mo?" Tanong ko.





"Yes ready na." Mahinang sabi nya.






"Wait, are you crying?" Tanong ko dahil iba kasi yung boses nya.





"No." Maikling sabi nya.





"Amanda Mari Sanchez?" Sabi ko.




"Yes."  At bumuhos na nga ang luhang kanina nya pa pinipigilan.



"Why?" Tanong ni Gab.





"Nandito na si Sab,nakita na sya." Umiiyak na sabi nya.





"Oh bakit ka umiiyak?"






"May nangyari kasing hindi maganda na ikinagalit ni mommy." Sabi ni Amanda.





"What? Sinaktan ka na naman ba ni Tita?" Galit na tanong ni Gab.






"Yes." Sabi ni Amanda kaya napamura si Gab.

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon