37

264 10 1
                                    

Gabriela's POV

Three years ng wala dito si Amanda miss na miss na namin si Amanda, siguro kung hindi sila naaksidente nandito pa din sya at masaya kaming magkakasama, pero wala eh kinuha sya agad ng lola nya at dinala sya sa states.


Naalala ko yung araw na naaksidente sila Amanda at Tita Elizabeth, para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang mga nurse at doctor na nagkakagulo sa operating room, kitang kita ko din kung paano nagulat si Tito Christopjer sa nangyayari kala Amanda at Tita Elizabeth.





Parehas naging critical ang lagay nila dahil sa tinamo nilang mga injuries.





Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na yon dahil ayon yung araw na muntikan ng mawala sa amin si Amanda.




"Anak tumawag na ba si Amanda sayo?" Tanong sa akin ni Mama.





"Hindi pa po." Sabi ko.





Palaging natawag sa amin si Amanda para kamustahin kami.




"Anak may ibibigay pala ako sayo." Sabi ni Mama sabay abot ng brown evelope.





"Ano po ito?" Tanong ko.




"Open it, I know magugustuhan mo yan."  Masayang sabi ni Mama.




Binuksan ko agad yung brown envelope at nagulat ako sa laman nito, plane ticket ang laman.





"Ma, totoo po ba ito?" Tanong ko.




"Yes totoo yan, sundan mo na si Amanda sa States good for one month ka don sulitin mo yang bakasyon mo alam kong miss na miss mo na sya, mamaya na ang flight mo anak kaya dapat ayusin mo na ang mga gamit mo, ihahatid ka namin ng Papa mo mamaya sa Airport. Tinawagan ko na din si Tita Caroline sinabi ko na dadating ka bukas sa States at isusurprise mo si Amanda." Sabi ni Mama at niyakap ko sya ng mahigpit.





"Thank you Ma." Sabi ko.






"Basta para sa kasiyahan mo anak gagawin naming ng Papa mo." Nakangiting sabi ni Mama sa akin.






"Akyat na po muna ako sa kwarto ko Ma at aayusin ko na po yung gamit ko." Sabi ko.





"Ok, dalhin mo na yung mga gamit mo na mahahalaga." Sabi ni Mama.






"Yes Ma!" Sigaw ko habang natakbo.





Pagpasok ko sa kwarto ko agad ko namang kinuha yung maleta ko at nagpunta ako sa walk in closet ko, pumili lang ako ng damit na dadalhin ko.




After kong mailagay yung mga gamit ko sa maleta ko eh nagpunta ako sa cabinet ko at kinuha ko yung mga regalo ko para kay Amanda. Habang nilalagay ko yung mga regalo sa maleta ko napalingon ako sa graduation picture ni Amanda na nakapatong sa table, kinuha ko ito at kinausap ko.




"Malapit na tayong magkasama ulit, susulitin ko yung one month na magkasama tayo." Bulong ko sa picture.




Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko, naligo na agad ako at nagbihis na ng pang alis.





"Anak tapos kana ba?" Tanong sa akin ni Mama.






"Yes Ma tapos na po ako, baba na din po ako." Sigaw ko.





Pagkababa ko sinalubong agad ako ni Papa dahil mabigat yung maleta ko.






"Let's go." Sabi ni Mama at hinawakan nya ang kamay ko.





Pagkasakay namin ng sasakyan pinaandar agad ito ni Papa at bumyahe na kami papuntang airport.





"Anak susunduin ka pala ng Lola Caroline ni Amanda sa airport, may contact naman kayo sa isa't isa hindi ba? Tawagan mo nalang sya kapag nakalapag na kayo sa Airport."  Sabi ni Papa.




"Nako anak 28 hours kang magbabyahe kaya dapat nagdala ka ng mapagkakaabalahan mo sa eroplano." Sabi ni Mama.





"Dinala ko po yung laptop at ipad ko, para kahit nasa byahe ako makakapagwork ako." Sabi ko.






"Napakabait talaga ng anak ko." Sabi ni Papa.




"Syempre naman po mana lang po ako sainyo ni Mama." Masayang sabi ko.





After 1 hour nakarating na din kami nila Mama sa airport.





"Anak mag iingat ka doon ha,paki kamusta nalang kami kala Amanda at kay Tita Caroline." Sabi ni Mama sa akin.






"Yes po Ma!" Masayang sabi ko.






"Sige na anak baka hindi ka pa paalisin nitong Mama mo." Pabirong sabi ni Papa.






Niyakap nila ako parehas at naglakad na ako papalayo sa kanila, habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sobrang saya na nadarama ko.





"Hintayin mo ako Amanda, malapit na ulit tayong magkasama." Bulong ko sa sarili ko.






After 1 hour nakasakay na din ako sa eroplano, kinuha ko yung ipad at laptop ko at nagsimula na muna akong magtrabaho.


















F A S T F O R W A R D











After 28 hours nakalapag na din yung eroplanong sinasakyan ko sa airport, kumain muna ako sandali dahil nasa byahe pa daw sila Lola Caroline.






Habang kumakain ako sakto namang tumatawag si Andrew.







"Hi Love!" Masayang sabi ko.





"Hello love! Nasaan ka? Ilang araw na kitang hindi macontact eh" Nagtatakang tanong nya.





"Love, sorry ha hindi na ako nakapagpaalam sayo,kasi si Mama may binigay sa akin na plane ticket."






"Eh nasaan ka ngayon?" Tanong nya.






"Pupuntahan ko si Amanda." Sabi ko.






"What? Bakit hindi ka nagsabi para nasamahan sana kita." Sabi ni Andrew.







"Eh kasi love biglaan lang eh, sorry na." Sabi ko.







"Ok sige, basta mag iingat ka jan ha, alam mo na ba yung address nila jan?" Tanong ni Andrew.






"Susunduin daw ako ni Lola Caroline mo, on the way na daw sila kaya kumakain muna ako dito." Sabi ko.







"Okay Love, basta paki kamusta nalang kami kay Amanda, mag iingat kayo jan, I love you."







"Okay love, I love you too. Bye." Sabi ko at binabaan ko na sya ng phone.






Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang naghihintay ako kala Lola Caroline.






"Konti nalang Amanda magkikita na tayo." Masayang sabi ko sa sarili ko.

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon