Amanda's POV
Three day's na ang nakalipas magmula ng magkita kami ni Daddy sa Batangas, ngayong araw nagdecide ako na umuwi muna sa bahay namin, gusto ko na din makipag ayos para sa ikatatahimik ng puso ko.
Inayos ko lahat ng gamit ko, ako nalang ang natira dito sa unit ni Gab dahil bumalik na sya sa bahay nila. Pinahiram din ako nila Tita Charlotte at Tito Leandro ng kotse para may magamit ako.
Habang inaayos ko yung gamit ko panay ang tawag sa akin ni Tita Rebeca pero hindi ko ito sinasagot dahil nagmamadali akong ayusin ang gamit ko at mag-gagabi na din kasi.
Walang nakakaalam na ngayon ako uuwi sa bahay namin at tanging sila Daddy, Tita Charlotte, Tito Leandro at Gab lang talaga ang nakakalam na nandito na ako sa Pilipinas.
Mas pinili kong maging tahimik ang pag uwi ko para masurprise sila lalo na ang fake na Sabrrina na iyon.
After kong mag impake umalis na din ako sa unit ni Gab at iniwan ko ang susi sa lobby.
Habang nasa nagdadrive ako wala pa din tigil ang pagtawag ni Tita Rebeca kaya naman sinagot ko na ito at niloudspeaker ko nalang para hindi ako mahirapan.
"Hello Tita?"
"Amanda bakit ang tagal mong sumagot?" Inis na sabi nya.
"Wow ha! Wala man lang Hi Amanda? Taray mo ngayon Tita, may dalaw kaba?" Sabi ko sabay tawa ng malakas.
"Where are you?" Iritableng sabi nya.
"Nasa Pilipinas ako Tita, diba alam mo naman. Sign of aging naba yan Tita?" Tumatawang sabi ko.
"Can you please stop laughing!" Sigaw nya.
"Woah ang init ng ulo ha, nandito nga po kasi ako sa Pilipinas."
"Saang banda?"
"Wag mong sabihing nandito ka Tita?"
"Yes nandito ako, kaya sabihin mo na kung nasaan ka!"
"What? You mean tinotoo mo yung biruan natin last time? Omg!" Sabi ko.
"Kakababa ko lang ng eroplano nandito ako ngayon sa airport."
"Saan ka tutuloy ngayon Tita?" Tanong ko.
"Kung saan ka tumutuloy ngayon."
"WHAT!?" Sigaw ko. "Sorry Tita pero hindi pwede, kung gusto mo mag check in ka nalang muna then puntahan kita bukas ng umaga."
"Ayaw mo ba akong makasama?" Tanong nya.
"Hindi nama sa ganon Tita, may mahalagang lakad lang ako ngayon kaya hindi kita masasamahan." Sabi ko at bigla nyang pinatay yung tawag.
Grabe ang init talaga ng ulo nya. HAHAHAHAHA
After 30 minutes nalarating nadin ako sa bahay namin, tumambay muna ako sa loob ng kotse at pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay, madaming nagbago sa labas ng bahay namin at dumami ang mga halaman sa labas.
Huminga ako ng malalim at pinatay ko ang makina ng sasakyan na gamit ko.
"Kaya ko to." Sabi ko sa sarili ko at bumaba ako sa sasakyan na dala ang mga gamit ko.
Habang naglalakad ako papalapit sa gate may halong kaba akong nararamdaman, pero alam ko sa sarili ko na handa na akong harapin silang lahat.
Hindi na ako nagdoorbell pa at pumasok na ako ng tuluyan, pagdating ko sa main door ng bahay huminga ulit ako ng malalim.
Unti unti kong binuksan yung pinto at sumilip muna ako bago ako pumasok, mabuti nalang at wala sila sa living area. Pero isa lang ang sigurado ako kung nasaan sila, nasa dining area sila dahil dinner time na.
Ang daming nagbago sa bahay na ito, yung mga pictures ko naka display pa din at nadagdagan pa iyon ng hindi lang isa kundi madami.
After kong tignan yung mga pictures ko iniwan ko muna yung gamit ko sa living area at nagpunta na ako sa dining area pero dahan dahan lang akong naglakad patungo sa dining area.
Naririnig ko silang nag-uusap usap about sa birthday party ni Mommy.
"I'm home!" Masayang sabi ko at nagulat silang lahat kaya napatigil sila sa pag uusap usap nila.
Si Mommy nakatingin lang sa akin at hindi makagalaw, nakita ko naman na may nagbabadyang mga luha na gusto ng kumawala sa mga mata ni Mommy.
Si Daddy naman masaya na makita ako dito sa bahay, alam kong isa ito sa mga kahilingan nya ang makauwi ako dito sa bahay, niyakap ko si Daddy ng mahigpit at sinabing, "Dito na po muna ako titira." Kaya naman napangiti si daddy.
"Panaginip ba ito?" Tanong ni Kuya.
Lumapit ako kay Kuya at sinabing "No Kuya, hindi ito panaginip, totoo ang lahat ng ito." Niyakap kp sya ng mahigpit.
"Hindi nga panaginip. I miss you so much." Bulong ni Kuya sa akin.
Lumapit naman ako kay Mommy at binigyan ko sya ng isang mahigpit na yakap.
"Nandito na ako Mom, advance happy birthday! I love you so much. Wag ka ng umiyak." Bulong ko.
"Gosh I miss you so much anak, please kung panaginip to wag sanang matapos." Mahinang sabi nya habang umiiyak.
"Hindi ito panaginip Mommy, totoo po ako." Sabi ko.
Matagal kaming nagyakapan ni Mommy at ang huli ko namang niyakap ay yung fake na Sabrrina.
"I miss you so much." Masayang sabi ko "My fake sister." Sarcastic na sabi ko na ikinagulat nya. "Be ready my little fake sister, malapit na nilang malaman yung totoo." Mahinang sabi ko at humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉