23

288 12 0
                                    

Amanda's POV

After namin mag usap nila Gab and Pat naglinis na ako ng kwarto ko. Nakakalungkot lang kasi hindi ko sila makakasama.



Inilabas ko yung mga laman nung cabinet ko, aalisin ko na yung mga gamit ko na hindi ko na nagagamit






Itinapon ko na yung ibang papers ko at itinabi ko yung ibang pwede pang gamitin.





Habang naglilinis ako ng kwarto ko ay nagpatugtog ako pinili ko yung mas nakakabuhay ng dugo para mas lalo akong sipagin sa paglilinis.






Paghila ko nung envelope nahulog yung mga pictures namin at mga letter ko na para kay Mommy.







Paghila ko nung envelope nahulog yung mga pictures namin at mga letter ko na para kay Mommy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Eto yung mga panahong madalas pa naming nakakasama si Kuya Andrew, sayang talaga kasi kailangan ni Kuya Andrew na magfocus sa company nila Mommy at Daddy.







Inilagay ko yung mga pictures sa photo album ko at kinuha ko din yung mga letters tsaka ko ito inilagay dun sa box na nasa gilid ng kama ko.






After kong linisin yung isang cabinet ko sinunod ko naman yung cabinet ng mga damit ko, tinanggal ko na yung mga damit ko na hindi ko na masyadong nagagamit. Kinuha ko sa paper bag yung binili namin nila Gab na dress at inilagay ko yon sa cabinet ko.






Nakita ko na naman yung floral dress na ibinigay sa akin ni Mommy dati, sobrang tagal na neto sa cabinet ko, panahon na siguro para palayain ko itong damit na to at parang gusto ko na din makalaya sa rehas ng sakit kagaya ng damit na ito.






Umupo ako sa gilid ng kama ko at niyakap ko yung damit, "Dahil matagal na kitang hindi nagagamit at mukhang hindi kana kasya sa akin, papalayain na kita. Alam kong mapapakinabangan ka pa ng iba. Kahit napaka sentimental mo para sa akin, kailangan na kitang palayain dahil ayon ang dapat." Sabi ko sa damit ko at inilagay ko na yon sa box.






Pati yung mga letters ay inilagay ko na sa box na nakalagay sa gilid ng kama ko. Lahat ng letters ko para kay mommy ay doon nakalagay, gusto ko nasa gilid lang yon ng kama ko para incase na mawala ako madaling makikita ni Mommy yon.






Ibabalik ko na sana sa cabinet ko yung ibang mga damit na pwede ko pang gamitin ng makita ko yung sculpture na ginawa ko dati, simple lang sya pero iba yung dating sa akin. Itong sculpture na ito ay Mother and Daughter, ireregalo ko sana ito kay Mommy dati noong birthday nya kaso baka itapon nya lang kaya itinago ko na sa cabinet ko yon, pero ngayon ilalabas ko na sya at ididisplay ko nalang sa table ko.





After kong ipasok yung mga damit ko sa cabinet nagwalis at nagmop ako ng kwarto ko, nag vacuum na din ako dahil naalikabukan yung carpet ko.





Nagpahinga ako sandali bago maligo.






"Amanda?" Tawag sa akin ni Kuya na nasa labas ng kwarto ko. Tumayo akp para buksan yung pinto.








"Yes Kuya?"





"Gusto mo bang magsnacks? Igagawa kita ng sandwich." Sabi ni Kuya.





"Nako kuya wag na, busog pa naman ako kasi madami akong nakain kanina. Bababa nalang ako mamaya sa kitchen kapag nagutom ako." Masayang sabi ko kay Kuya.






"Sige, pauwi na din si Mommy eh, nag-order daw sya ng pagkain natin doon sa Beverly Restaurant."









"Sige Kuya, maliligo na din ako dahil pinawisan ako ng husto."






"Ok." Sabi ni Kuya at bumalik na din sya sa kwarto nya.






Papasok na sana ako sa CR ng biglang namatay yung music kaya naman tinignan ko king bakit namatay. Tumatawag pala ulit si Gab sa akin kaya sinagot ko ito.







"Hi Mari!" Si Sam yung sumagot.





"Hey I miss you so much!" Masayang sabi ko.







"I miss you too Mariiiiiii!" Masayang sabi ni Sam.








"Sayang hindi ko kayo makakasama." Malungkot na sabi ko.







"May next time pa naman Mari, hayaan mo bago ako bumalik sa Laguna magbobonding tayong apat. Gusto mo bang puntahan ka namin jan sainyo?" Sabi ni  Sam.







"Good Idea Sam! Sige magpapaalam ako kay Kuya Andrew sasabihin ko dito kayo maglulunch, ayos ba yon?" Sabi ko.







"Ayos na ayos Amanda, sakto madaming niluto si Mama, dadalhin nalang namin jan yung niluto ni Mama. Sakto din namang umalis silang dalawa ni Tita Aileen at mamayang gabi pa sila babalik. Siguro dyan nalang muna kami mag istay."  Sabi ni Gab.






"Sige, sakto din kakalinis ko lang kwarto ko dito na muna kayo mag stay, mag movie marathon tayo?"








"Sige, basta sama sama tayo!" Sigaw ni Pat.






"Sige na! Maliligo na ako. Ingat kayo!"







"Okiedokiii paalis na kami, within 30 minutes nanjan na kami sa bahay mo." Sabi ni Gab.







"Okay, Bye!" At ibinaba ko na yung phone ko.








Tumakbo na ako papasok sa bathroom at naligo na ako. Binilisan ko lang ang pagligo ko para makapagpatuyo pa ako ng buhok.







After kong magpatuyo ng buhok lumabas ako ng kwarto ko at pinuntahanko si Kuya Andrew.








"Kuya?" Tawag ko.







"Hmmmm? May kailangan kaba?"







"Wala naman Kuya, kasi ipagpapaalam ko sana sayo na pupunta dito ngayon sila Gab, Pat at Sam." Sabi ko.






"Walang problema, anong gusto nyong pagkain para makapagpadeliver na ako." Sabi ni kuya.










"Nako wag na Kuya, may dala silang pagkain niluto daw ni Tita Charlotte."








"Osige, paparating na din si Mommy eh, sabay sabay na tayong maglunch." Sabi ni Kuya.







"Sige Kuya, balik na din ako sa kwarto ko. Tawagin nalang kita kapag dumating na sila." Sabi ko at bumalik na din agad ako sa kwarto ko.









Pagbalik ko sa kwarto ko sakto namang tumatawag na sa akin si Pat, Nasa gate na daw sila ng subdivision namin. Kaya naman lumabas na din ako ng bahay para salubungin sila at para hindi na din sila maghintay ng matagal sa labas.


Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon