Gabriela's POV
Nakita ko kung paano magbago ang mood ni Amanda, dati naman ay hindi sya ganon. Napansin din siguro ni Sam yung inasal kanina ni Amanda. Nag-aalala ako sa sitwasyon ni Amanda. Parang may mali talaga, hindi na maganda yung ibang kinikilos ni Amanda.
Habang nanonood kami ng movie hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Amanda, parang kanina tahimik sya ngayon naman ay napakahyper na nya.
Kinuha ko yung phone ko at tinext ko si Mama.
"Ma, I have something to tell you, pwede ba kitang tawagan?" Ayan ang message ko kay Mama.
Mabuti nalang at mabilis na nagreply si Mama kaya naman nagpaalam ako sa kanila na lalabas lang ako at may kukunin lang ako sa kotse.
Mabilis akong nagpunta sa kotse ko at tinawagan ko na si Mama.
"Hello Ma?"
"Hi anak! Kamusta kayo jan sa bahay nila Amanda? Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" Tanong sa akin ni Mama.
"Ma, tungkol po kay Amanda yung sasabihin ko. Nitong mga nakakaraan po kasi parang nag iiba sya."
"What do you mean nag-iiba?" Naguguluhang tanong ni Mama.
"Pabago bago na po kasi yung mood ni Amanda nitong mga nakakaraan. Ibang iba na sya sa Amandang nakilala natin. Nagiging matatakutin na sya Ma, hindi na sya yung strong na Amanda na nakilala natin dati." Sabi ko.
"Gusto mo bang sabihin natin to sa parents nya? Or gusto mo kami ng Papa mo ang kumausap kay Amanda para ipacheck up sya?" Tanong ni Mama.
"Mas mabuti nalang po sigurong kayo nalang ang magsabi kala Tita Elizabeth at Tito Christopher."
"Sige anak, pagbalik ng Papa mo makikipag usap kami sa Tita Elizabeth at Tito Christopher mo, sasabihin namin yung napapansin mo kay Amanda." Sabi ni Mama.
"Thank you Ma."
"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ni Mama.
"Nasa bahay na po kayo?"
"Yes, kakarating lang namin." Sabi ni Mama sa akin.
"Sige po, uuwi na din po kami." Sabi ko at ibinaba ko na yung phone ko.
Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa sasakyan ko.
Pagpasok ko sa bahay nila Amanda sakto namang nakasalubong ko si Tita Elizabeth, "Tita can we talk po?" Tanong ko, hindi ko na kasi kaya pang pigilan ang sarili ko, nag aalala ako kay Amanda.
"Sure, tara sa garden." Sabi ni Tita at sumunod naman ako.
"Ano yung pag uusapan natin Gab?" Tanong ni Tita.
"About po kay Amanda, lately po kasi napapansin namin na nagbabago na si Amanda. Alam mo po bang after mo syang itext noong nasa Batangas kami, napanaginipan ka nya, at alam mo kung anong isinisigaw nya Tita?"
"What?" Medyo kinakabahang sabi nya.
"MOMMY WAG MO AKONG SAKTAN PLEASE AYOKO NA! ayan ang isinisigaw ni Amanda nung gabing yon Tita, paulit ulit nya yang sinasabi. Hindi ko alam ang gagawin ko nung nakita kong ganon si Amanda. Hindi lang isang beses nangyari yon Tita, madaming beses naulit yon Tita. Hindi na sya si Amanda na nakilala ko nung mga bata pa kami. Ibang iba na sya sa Amandang nakilala ko dati Tita. Nakikiusap ako sayo Tita, Please lang wag mo ng sasaktan pa si Amanda, hindi ko kakayanin kapag nawala si Amanda sa atin." Nagmamakaawang sabi ko kay Tita.
"I'm so sorry Gab, hindi ko na namalayang ganon na pala yung naging epekto kay Amanda ng pananakit ko sa kanya. Nung pag uwi nyo galing Batangas kinausap ko din sya after naming magdinner. Pumasok ako sa kwarto ni Amanda at laking gulat ko nung sinabi nya din yang mga salitang MOMMY WAG MO AKONG SAKTAN PLEASE AYOKO NA! that time, lugmok na lugmok ako Gab. Hindi ko din alam ang gagawin ko kasi nasaktan ko na pala ng sobra si Amanda. Takot na takot sa akin si Amanda nung gabing yon, maniwala ka Gab pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko kay Amanda. Sinisimulan ko ng bumawi sa kanya. Ayoko din namang mawala sa akin ang anak ko. Pangako hindi ko na muling sasaktan pa si Amanda, gagawin ko ang lahat para mapatawad nya ako" Umiiyak na sabi ni Tita.
"Matagal ka ng pinatawad ni Amanda sa kabila ng pananakit mo sa kanya, kahit kailan hindi sya nagalit sayo, mas minahal ka pa nya Tita ganyan ka kamahal ni Amanda." Sabi ko.
"Basta gagawin ko ang lahat para lang makabawi kay Amanda." Sabi ni Tita.
"Mahalin mo si Amanda gaya ng pagmamahal nya sayo Tita, sige po aakyat na po ako sa kwarto ni Amanda."
Bago ako umakyat ng tuluyan pinunasan ko muna ang kaunting luha ko, sana di nila ako mahalata na umiyak.
Pagpasok ko ng kwarto ni Amanda, sakto namang patapos na yung pinapanood namin.
"Pat, uwi na daw tayo, nasa bahay na daw sila Mommy." Sabi ko.
"Osige, tara na." Sabi ni Pat.
"Amanda, uuwi na kami kasi nasa bahay na daw sila Mommy." Sabi ko.
"Ganon ba? ang aga nyo namang umuwi." Malungkot na sabi ni Amanda.
"Hayaan mo, bukas babalik kami. Gusto mo bang magmall tayo bukas? ipagpapaalam kita kay Tita." Sabi ko at nagliwanag ang mukha ni Amanda. gustong gusto nya talaga kaming makasama.
"Talaga?!" Excited na sabi nya.
"Oo, basta itetext ka nalang namin ha."
Inihatid kami ni Amanda sa labas ng bahay nila at saktong nasa labas din si Tita Elizabeth kaya nakapagpaalam pa kami.
"Bye Tita!" Sabi ko at niyakap ko sya.
"Thank you Gab! I promise aalagaan ko na ng maigi si Amanda." Mahinang sabi ni Tita.
"Bye Amanda!" Sabi naming tatlo at niyakap namin sya.
"Ingat kayo!" Sabi ni Amanda.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉