Gabriella's POV
Maagang gumising sila Mama at Tita Aileen para magprepare ng food namin at syempre ngayon din namin icecelebrate ang birthday ni Amanda. Habang nandito kami sa kitchen sila Tito Christopher, Tito Elmo at Papa ay nasa bayan para bumili ng cake na para kay Amanda.
Sana magustuhan nya itong munting surpresa namin, ginising ko na si Pat at Sam para mag-ayos sa dalampasigan, mabuti nalang at may mga gamit na nabili sila mommy nung nakaraan.
"Girl sigurado kabang hindi pa magigising yang si Amanda?" Mahinang tanong ni Pat.
"Oo sigurado ako na hindi pa yan magigising, puyat yan." Sabi ko.
"Kain muna tayo, nagugutom na ako." Sabi ni Sam.
"Sige tara na sa kitchen nakaluto na sila mama ng breakfast natin, basta bilisan nyo lang ang pagkain baka magising na si Amanda."
Sabay sabay kaming tumakbo patungo sa kitchen. "Guys baka madapa kayo." Saway ni Tita Aileen kaya naman naglakad nalang kami.
Sinabayan ko na silang kumain dahil gutom na din naman ako. After namin kumain bumalik na sila Pat at Sam sa dalampasigan para mag ayos, ako naman naiwanan dito sa kitchen para tumulong kala Mama at Tita.
Lulutuin namin ang lahat ng paborito ni Sarah, Siomai, California Maki, Chicken BBQ, Pork Adobo at syempre ang paborito naming Tiramisu.
Pagkatapos kong gawin yung part ko which is yung paggawa ng Tiramisu pinuntahan ko na sila Pat at Sam.
Pagpunta ko sa dalampasigan nakita ko yung ginawa nila Sam, grabe ang ganda kahit simple lang.
"Grabe ang ganda! Magugustuhan yan ni Amanda." Sabi ko.
"Group Hug!" Sigaw ni Pat kaya naman nagyakapan kaming tatlo.
Nagstay muna kaming tatlo sa may dalampasigan at nung dumating na sila Papa ay agad naman kaming nagtakbuhan papasok ng bahay.
"Tito nasaan po yung cake?" Tanong ko kay Tito Christopher.
"Nasa ref na."
"Pwede na po ba naming ilagay sa labas?" Tanong ni Sam.
"Yes." Sabi ni Tito kaya naman agad namin itong inilabas sa ref.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉