Samantha's POV
Ngayong araw lalabas na si Ate sa hospital, sinusulit ko na yung mga oras na kasama ko si Mari dahil babalik na din kasi kami sa Manila mamaya after na lumabas ni Ate sa hospital. Mamimiss ko talaga itong si Mari dahil napaka bibo nya, kung pwede lang talaga syang iadopt nagawa na sana namin ni Mommy yon.
Nandito kaming dalawa ni Mari sa beach at nagsuswimming kami parehas dahil ito yung gusto nyang gawin na kasama ako.
Nakakatuwa lang kasi napaka unexpected ng lahat magmula ng nagpunta kami dito ni Mommy, una nakilala ko si Mari at pangalawa namn ay nahanp namin si Ate Amanda. Hindi ko lubusang maisip kung paano nangyari ang lahat, siguro nga ito talaga ang itinadhana ni Lord. Naging mahirap man sa umpisa ang lahat pero ang ending naman ay napaka ganda.
Nakulong na din yung kumuha kay Ate at nasintensyahan sya ng habang buhay na pagkakakulong kasama ang pinsan nya.
"Ate gusto ko talagang sumama sa inyo." Malungkot na sabi ni Mari.
"Alam mo namang hindi talaga pwede hindi ba? tsaka diba naiexplain na namin sayo ni Mommy na dadalawin ka namin dito every week. Pwede kang pumunta sa bubuksan namin restaurant doon sa kabilang ibayo. Sabihin mo lang lahat ng gusto mo at ibibigay yon ng mga staff sayo."
"Pero iba pa din kapag kasama ko kayo." Sabi nya.
Nilapitan ko sya at niyakap ko sya. "Gusto mo ba talagang sumama?" Tanong ko.
"Oo naman Ate."
"Okay ganito, aayusin namin yung mga papers mo at kakausapin namin yung biological parents mo na sa amin ka muna titira, kapag nakausap na namin ang parents mo ng maayos kukunin kana namin nila Mommy at dadalhin ka namin sa bahay namin sa Manila. Ano deal?"
"Deal Ate!" Tuwang tuwa na sabi ni Mari.
.
Pinanood ko lang sya na lumangoy ng lumangoy at kinunan ko naman sya ng mga litrato para souvenir na din.
"Ate Ganda may starfish!" Sigaw nya.
"Halika dito pipicturan kita!" Sigaw ko at lumapit naman sya agad sa akin at pinicturan ko sya. "Okay, 1...2...3... say cheeseeeeeeee!"
"Cheeeeseeeeeeeee!" Sabi nya.
Tinignan nya yung picture nya at proud na sinabing "Ang cute ko talaga!" Kaya tumawa ako ng malakas. "Bakit ka natawa ate?"
"Natutuwa lang ako sayo kasi ang cute cute mo talaga, sana sa amin ka nalang talaga no."
"Oo nga po eh, sana kayo nalang family ko, pero ayos lang ang mahalaga nakilala ko kayo at nakasama. Ate ikaw naman ang pipicturan ko. Hawak ka jan sa flag pole ate." Sabi nya kaya pinagbigyan ko na sya. "Ok ready! 1...2....3.. click!"
"Patingin nga si Ate kung maganda ang kuha mo sa akin." At inabot nya naman yung cellphone ko.
"Omg, ang galing ko talaga baby girl." Sabi ko at hinug ko sya. "Alam mo mamimiss kita." Sabi ko.
"Ako din ate, isama mo na kasi ako para di mo na ako mamiss at para makasama ko kayo palagi nila Mommy Sexy."
"Ayan kana naman eh, tara na muna sa hotel baka dumating na sila Mommy at Ate kanina pa tayo nandito oh, tignan mo yung skin mo namumula na."
Sabi ko at bigla nalang syang tumakbo papunta sa hotep na tinutuluyan namin."Ate habulin mo ko!" Sabi nya at hinabol ko nalang sya hanggang sa makarating kami sa hotel.
Pinauna ko ng pagbanlawin si Mari dahip baka sipunin sya kapag natuyuan sya.Napakamatured na talaga nyang mag isip, hindi ko alam kung 11 years old ba ang kausap ko or ano eh.
Hindi ko mawari kung bakit ganon nalang kadali sa parents ni Mari ang ginawa nila sa bata na pagabandona. Napaka bait at malambing na bata ni Mari para iwanan ito.
Pagdating namin sa Manila pupuntahan ko yung parents ni Mari, mabuti nalang at ibinigay ng Nana ni Mari ang address ng mga ito sa Manila.
"Ate finish na!" Sabi nya sa akin at iniabot ko yung towel.
After maligo ni Mari ay ako naman ang sumunod na naligo. Habang naliligo ako iniisip ko kung ano ang susunod na mangyayari sa pamilya ko ngayong buo na ulit kami.
"Ate I'm hungry na!" Sabi ni Mari.
"Ok! Wait lang." Sigaw ko, binilisan ko ang pagligo ko para maipaghanda si Mari ng pagkain.
Ilang araw na kaming magkasama ni Mari dito sa hotel at mabuti nalang ay pumayag ang Nana nya na dumito muna si Mari.
"Bihis lang si Ate ha." Sabi ko at kumuha ako ng damit sa maleta ko, buti nalang at dinalhan kami ni Daddy ng mga damit.
Sila Kuya Andrew at Ate Gab naman ay bumalik na sa Manila dahil may mga trabaho silang dapat asikasuhin.
After kong magbihis nilapitan ko si Mari at tinanong ko sya. "What do you want?"
"I want ice cream hehhehehe." Nakangiting sabi nya.
"Ice cream? Mabubusog kaba don?" Tanong ko.
"Pancake nalang ate heheheheh."
"Ok magpadeliver nalang tayo baka kasi dumating na sila Mommy." Sabi ko at tumawag na ako sa isang fast food chain at nag order na ako ng gusto ni Mari.
Pinagmamasdan ko si Mari, napaka bata nya pa para maranasan ang mga ganitong bagay. Napaka inosente nya at wala pang kamuang muang sa mundo para iwanan ng sarili nyang mga magulang, maswerte pa din talaga ako.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉