Samantha's POV
After kong malaman yung nangyari kay Amanda may kakaiba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanang. Noong dinalaw ko si Amanda sa hospital wala pa syang malay at puno ng galos ang katawan nya pati na din ang maamo nyang mukha ay may mga sugat din.
Awang awa ako kay Amanda that time, gusto ko syang yakapin pero hindi pwede dahil sa mga sugat nya.
Three years na ang nakalipas at three years na din akong umaasang magbabalik pa si Amanda dito sa Pilipinas. After grumaduate ni Amanda lumipad na agad sya patungong San Francisco at hindi na muli pang bumalik dito sa Pilipinas.
Wala na akong contact kay Amanda tanging sila Kuya Andrew at Gab nalang ang nakakasama ko at nakakausap ko. Miss na miss ko na si Amanda, wala ng nangungulit sa akin tuwing gabi para kantahan sya.
"Miss mo na sya no?" Tanong ni Tita.
"Yes Tita." Malungkot na sabi ko.
"Gusto mo ba syang makita?" Tanong nya ulit.
"Yes Tita, kung alam mo lang gabi gabi akong nagdadasal na sana, sana bumalik na sya para makasama na namin sya."
"Grabe yung pag mamahal mo kay Amanda no? Parang kapatid mo na sya."
"Sakanya ko lang kasi naramdaman ang magkaroon ng isang mabait na kapatid at maalaga."
"Hayaan mo Sama, malay mo bumalik dito si Amanda. Malapit naman na ang Christmas baka uuwi na yon this coming Christmas." Sabi ni Tita.
"Sana nga po." Sabi ko.
"Sige na mauna na ako at hinahanap na ako ng pinsan mo." Sabi ni Tita.
"Thank you Tita! Ingat ka" Sabi ko at umalis na sya.
Ako na naman mag isa dito sa condo nakakasawa na.
After 30 minutes nakareceive ako ng tawag mula kay Kuya Andrew " Hi Kuya!" Masayang bati ko.
"Sam may ginagawa ka ba?" Tanong nya.
"Wala naman Kuya, why?"
"Sunduin kita jan sa condo mo now na." Sabi nya at pinatay na nya yung tawag kaya naman nagmadali akong kumilos at nagpalit na ako ng damit.
After 15 minutes dumating na din si Kuya Andrew, "Hi Kuya pasok ka muna." Sabi ko.
"Saan mo gustong kumain, libre ko." Sabi nya.
"Kahit saan?" Nagtatakang sabi ko. I smell something fishy, nag away siguro sila ni Gab.
"Walang kahit saan na restaurant Samantha." Sabi nya kaya naman napatawa ako.
"Nag away kayo ni Gab?" Tanong ko.
"No, umalis sya may pinuntahan basta sa malayong lugar." Seryosong sabi nya.
"Ahhh I see, nag tatampo ka HAHAHAHAH." Pang aasar ko.
"Para kang si Amanda, napakalakas mang asar." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉